Part 2

5 0 0
                                    


"Hoy! Hoy gising! Tangina late na tayo.."

Narinig kong pangungulit ni Nicole. At naalala ko first day na pala ngayon! Oh my... Ano na ba oras?

"Oh shit! 7:27 na!" Bigla kong sigaw sabay tayo at takbo papuntang cr para maligo. Tae. 8 klase ko at si Nicole 9 pero mas nauna pa siyang natapos sa pagpe-prepare. Di man lang ako ginising mg hayop na to. Huhuhu

"Nicole paabot tuwalya!" Nakalimutan ko na tuloy kumuha ng tuwalya sa pagmamadali ko pumunta ng cr para maligo.

"Maliligo ka di ka man lang kumuha ng tuwalya mo? Aynako."

"Eh sa nagmamadali ako eh! Di mo kasi ako ginising. Una ka na pumasok. Babyahe ka pa, baka ma-late ka pa niyan. Bago ka umalis tuwalya ha?" Sigaw ko habang nasa cr.

At ayun, umalis na nga ang bruha ng di man lang nagpaalam o nagsalita man lang. Paalis na sana ako pero hindi ko mahanap yung susi ng sasakyan. Oshit, asan na yon? Hay late na nga ako mas male-late pa ako. Umalis nalang ako at tatakbo nalang ako kesa naman hanapin ko pa yung susi. Sayang oras.

Habang naglalakad ako, may nakita akong batang umiiyak. Nilapitan ko yung bata.

"Hoy batang paslit, bat ka umiiyak? Umagang umaga e."

"Yung aso ko po kasi nasa kalsada. Huhuhu. Takot akong kunin kasi sabi ni mama wag daw akong pupunta o maglalaro o tumawid sa kalsada pag walang aalalay sakin. Huhuhuhu" tama nga naman yung turo ng nanay. Naawa naman ako kaya tulungan ko na to.

"O eto panyo tama na. Ako na kukuha. Punasan mo na sipon mo. Tumutulo. Hay. Teka dito ka lang. Kunin ko aso mo"

*beeeeeeeeeeeeeep! Beeeeeeeep!*

Nung pagkakuha ko sa aso, di ko namalayang may paparating pala na sasakyan. Wtf! Akala ko katapusan ko naaaaaaaaaaaaa! Buti na lang nakaiwas ako. Bwisit na driver yon. Tinakbuhan ako!

"Hoy! Bulag ka ba?! Nakita mong kinukuha ko tong aso e! Pano kung mamatay tong aso, ha?! Sagot mo ba libing niya?! Bumalik ka dito!" Sigaw ko kahit na nakaalis na ung sasakyan. Tae, late na nga ako nagalusan pa'ko. Pati buhok ko gulo gulo na.

"Hoy bata eto na. Uwi na. Wag ka na magkalat dito."

"Yeey! Salamat po ate!"

"Kailan pa kita naging kapatid para tawagin mo akong ate? Ge na uwi na."

Kahit na masungit at mataray ako, natuwa ako nung makita kong nagningning mga mata ng batang yun. Hayy. Oo pala. Late nako -_-

Pagdating ko sa school.. shet, daming tao. Nangangatog binti ko. Nakakahiya kaya maglakad mag isa! Buset kasi bat iba pa schedule ng Nicole na yun. Hinanap ko na yung room ko at buti na lang malapit lang. Nung sumilip ako, omaaaay! Late na talaga ako -_- Bago ako pumasok, nilunok ko muna yung laway ko. Hehe

Pagkabukas ko ng pinto, binati agad ako ng prof namin. Mukhang mabait naman. Kasi hindi niya ako tinarayan at tinanong kung bat ako late. Aguyyy, nabunutan ako ng tinik.  Naghanap na ako ng mauupuan ko, shemaaaay wala ng bakanteng upuan sa harap. Kaya no choice ako kundi umupo sa dulo.

"May nakaupo?" Tanong ko sa lalaking mag isang nakaupo sa likod. Umiling lang siya na hindi man lang humarap. Sunget!

"Ah wala, maari ka ng maupo" pabulong na sabi ko sa sarili ko. Ako na sumagot, nakakahiya naman kasi sa lalaking to. Tinanong ng maayos di man lang sumagot.

"Okay, so I'm Ms. Angelica Fernandez. Your instructor for your major, ITE025. And since first day ngayon, wala munang discussion. Wala tayong ibang gagawin, kundi find your new friends here in class. Makipagkaibigan kayo sa isa't isa. Okay ba yon?"

Wohooo! Ang bait naman neto. Bagay sakanya pangalan niya. Angelica. Angel siya e. Hahahaha! Okay, so nagsitayuan na mga kaklase ko at lumapit kung kani-kanino para makipagkaibigan. Except ako at etong katabi kong masungit. Inibistigahan ko bawat galaw niya. Hahaa

Hayys, anoo ba ituuu? Bakla yata eto. Kasi sobrang tahimik, tapos desente at maingat gumalaw. Napakamahinhin. Tapos naaartehan ako sa kanya. Kalalaking tao may brace. Hahaha!

"Hi! Ako nga pala si Nica. Eto naman si Paula, Jesusa, at Josefina." May apat na babaeng lumapit sakin. Wow! Astig naman nga pangalan nila. Hahahaha.

"Hi, ako si Jasmin." Mejo cold na sabi ko.

"Ang cute mo naman. Kanina pagkapasok mo tinginan ng lahat sayo. Ang cute mo kasi" sabi nung Paula yata.

"Ay hala. Late kasi ako kaya pinagtinginan ako. Pero salamat" sabi ko sabay ngiti.

"Tara gala tayo after class. Para magkakilala tayo. Chill lang. Hehe" sabi ni Nica.

"Ah sige sure. " sabi ko with a big smile.

Tapos umalis na sila para kausapin pa yung iba. Friendly mga kaklase ko ah. Masaya ito. Hahaha! Except tong katabi ko -_- KJ masyado.

Nabigla ako ng may kumalabit sakin, pagkatingin ko, yung katabi ko na masungit. Nakangiti. Shet ang gwapong bakla neto.

"Hi, Airon nga pala. Pwede ba join ako maya senyo? Wala kasi akong kakilala dito. Nahihiya akong makipag usap sa iba."

"Ahh. Di lang naman ikaw ang walang kakilala dito e. Pero sige. Sabay ka na lang maya" sabi ko. Tapos na yung klase at nagsitayuan na sila.

"Hey Jas! Hintay ka na namin sa labas ha." Sigaw ni Nica.

"Sure." Sagot ko. Tatayo na sana ako ng mapansin king nakatitig sakin tong Airon na to.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sabay na tayong lumabas. Hehehehe" aba. Bakla yata talaga to. Hahaha. Um-oo na lang ako at naglakad ma palabas. Pagkalabas namin..

Nica: "Boyfriend mo Jas?"
Ako: "Ha? Hindi. Sabay daw siya satin e."
Nica: "Ahh, okay okay. Tara na. Walang kj ha. Lahat magsalita. Para masaya. Hahaha!"

At ayun na nga, pumunta kami sa iba't ibang pasyalan. And I notice na friendly din pala tong Airon na to at madaldal din. Madali siyang makisama e. Siguro ayaw lang niya na siya yung unang namamansin. Masaya din siya kasama. Hindi boring. Kasi sumasakay siya sa bawat trip namin. Hanggang sa ayun, masasabi kong close na kaming lahat.

"Tara na uwi na tayo" sabi ni Josefina

"Oo nga pagabi na rin. Baka hanapin na ako" sumbat ko. At ayun, umuwi na nga kaming lahat. Pagdating ko ng bahay, ayon. Tulog ang bestfriend ko. Kaya natulog na rin ako. Nag early dinner naman na kami e. Bahala to kung magutom siya. Hahahaha!

A/N: Thank you sa patuloy mga pagbasa kahit mejo boring pa. :) Promise, pag ipinagpatuloy niyo to, di kayo magsisisi. Hehehe. Keep reading guise! Pa-vote na rin. Lovelots :*

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon