Part 1

9 0 0
                                    

"Baby, don't let me go. Please. I love you.. Hindi ko kakayanin."

"Sorry, this relationship is not working anymore. Nanlamig na tayo sa isa't isa.."

"Nanlamig o may iba ka na? Sabihin mo totoong dahilan sa akin. Kahit masakit tatanggapin ko. It's better to hurt me with truth than to love me with lies. Sino? Ang bestfriend ko ba? Ha?"

"Yes. It's true.. And I'm really sorry.."

"I see.. Ang sakit.. Sobrang sakit.. Kailan pa? Mahal na mahal kita Ivan, please wag mo akong iwan dahil lang sakanya. I can forget all of this, wag mo lang akong ipagpalit sakanya."

"Mahal ko na siya Yana. Sobrang mahal ko na siya. Wala siyang kasalanan dito. Hindi niya kasalanan na mahalin ko siya."

"Ipagpapalit mo na nga ako, sa bestfriend ko pa. Ang sakit. Sobra. Pero sige, kahit masakit tatanggapin ko. Sana mahalin ka niya tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Whatever happens, i'm always here for you. I'll love you until the day na mawala na yung pagmamahal ko sayo. I love you Ivan.. Please be happy with her.."

Tae ang drama. Huhuhu. Napaka-martir naman nung babae. Hay nako. Kung ako nasa sitwasyon niya hinding hindi ako papayag pag ganyan. Baka aawayin ko pa yung babae niya. At ang masaklap dun, bestfriend ko pa! Sus! Ako kaya yung agrabyado tapos magpapakamartir at magpaparaya ako? Duh! Pero nakakaiyak. Huhuhu..


"Hoy! Ano iniiyak iyak mo jan para kang tanga? Itigil mo nga yan ang pangit mo umiyak! Napaka-baduy mo" Eto na naman ang bestfriend kong si Nicole. Asar talaga to kahit kailan.

"At sino may sabing pumasok ka sa kwarto ko? Hoy paalala ko lang di mo to bahay. Kapal neto. Palibhasa mukha kang aso, pati ugali mong pang aso. Hahaha!" Asar ko sakanya. Ganito kami magbestfriend, asaran ang lambingan. Yiee, kelegmats. Hahaha!

"Pasakit ka talagang hinayupak ka! Hoy magka-college na tayo bukas isip bata at asal bata ka pa rin. Uso magbago beh."

Yak! Beh? Like, what the fuck? Ang baduy non.

"Tangina ka wag na wag mo akong tawaging beh. Kung uhaw ka sa boyfriend para tawagin mong beh maghanap ka na ng boypren mo! Di yung ako yung iniisturbo mo. Layas ka dito! Sino ba nagpapasok sayo dito? Hay."

"Ulul, pinapasok ako dito ni mommy. Tinawag niya ako. Dito na raw ako matulog para maaga kang matulog at magising bukas. 1st day of being college. Wohooo!" Mommy ko yun, pero nakikitawag na rin siyang mommy. Kasi para na kaming magkapatid. Oo nga no, college na kami bukas. Sana maraming gwapo sa university na papasukan namin. Hahaha! Landeeeeee ng isip ko. Mehehe.

At ayun na nga, success si mommy sa plano niyang patulugin dito si Nicole. Kasi natulog ako ng maaga. Hahaha!

Author's Note:

Sorry guise. Mejo boring pa at magulo. First time gumawa eh. Hehehe. Keep reading guise. Pa vote na rin. :) Lovelots! :*

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon