TMN 4

72 1 0
                                        

Kinakabahang inilibot ni Ella ang kaniyang mata sa paligid.

Kung hindi lang niya nais taguan ang mga tauhan ng ama ay hindi naman siya mapupunta sa ganoong sitwasyon. Wala na siyang magagawa sa ayaw at sa gusto nito siya ang masusunod.

Sa kasalukuyan ay inaantay niya ang nakilala niya na si Aki na kumuha ng kaniyang pamalit. Siguro ngayon lang siya tinamaan ng hiya at sadyang pinilit niya ang binata na bigyan siya ng pansamantalang matutuluyan.

Sa iisipin hindi naman niya ito pinilit pero parang minanipula niya pa rin ito dahil sa kaniyang ginawa.

Kung hindi lang siya tumatakas at nag tatago sa ama niyang mahilig mang dikta ng buhay ay baka wala siya ngayon dito at nasa isang resort siya sa Palawan dahil noong isang linggo nag pa book pa siya ng plane ticket at one month accomodation sa isang hotel doon.

Kung nadala niya lang sana ang passport at mga id edi sana wala siyang masyadong problema at wala siyang naaabala.

"Is this okay for you?" Nawala siya sa malalim na iniisip ng masilayan muli ang binatang tumulong sa kaniya.

Ang weird lang pero wala siyang karapatang mag reklamo. Paano ay hindi siya nito pinaupo sa sofa at sinabi pa nito na maligo muna siya.

Na offend siya ng konti pero higit ng bahagi sa kaniyang utak ay sumasang-ayon dito. Gumulong-gulong kasi siya sa putikan kanina para lang makatakas sa ama.

Nakakainis lang dahil sa isang bagay na pilit na ginugusto ng ama niya nalagay pa siya sa ganitong sitwasyon.

-

"Mariella you need to do this. Para sayo din naman 'to!" She stomped her feet in annoyance.

"Dad I have my own mind and I can make decisions for myself, so please refrain yourself to dictate me on what I need to do!" Sigaw niya. Hindi sa wala siyang galang sa magulang pero sobra na, punong-puno na siya.

Lagi itong nasusunod mula sa course niya sa college, kung saan siya papasok na school at maging sa trabaho na pag a-applyan ay ito pumili para sa kaniya. Gusto ng ama niya na maging abogada siya dahil na din sa nature ng trabaho ng janilang pamilya kaya kahit sa puso niya ay gusto niyang aralin ang medicine sinunod niya ito ng walang reklamo.

Pero ang diktahan na naman siya para sa isang bagay na pinaghahawakan niyang siya na ang pipili ay hindi pa din nito pinalampas. Gusto nitong ikasal sila ura-urada ng poncio pilatong hindi man lang niya nakita o ni litrato man nito ay hindi niya nasilayan. Tanga na lang siya kung magpapaka martyr siya gaya ng nasa mga nobela kaya naisipan niyang tumakas.

Nunka namang pipigilan ito ng mommy niya na wala ng ibang inatupag kundi ang mag majong at sumang-ayon sa desiyon ng tatay niya.

Kung ang mommy niya nahahawakan ng daddy niya sa leeg siya hindi!

Sawang-sawa na siya sa buhay na may nag didikta sakaniya.

Kaya nung gabi ding iyon ay nag desisyon siyang tumakas, bitbit ang isang bag ay akmang aakyat na siya sa kaniyang bintana para tumalon pero nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nandoon ang kaniyang ama na tila nakatunog sa kaniyang gagawin kaya wala siyang choice kundi iwanan ang bag na sana ay bibitbitin niya paalis at walang pakundangan na tumalon.

-

"TELL me saan ka ba talaga galing? Hindi ka naman mukhang pulubi." Nagtatakang tanong ng binata.

Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin ang totoo dito o mag sinungaling na lang siya upang wala ng mahaba pang paliwanagan.

Ilang minuto ding katahimikan ang lumaganap sa buong condo unit. Nagulat pa nga siya ng biglang tumalikod ang binatang tumulong sa kaniya.

"It's okay. Kahit hindi mo na sabihin in the of the day..." Kumibit balikat ito, "You are a stranger." At nag patuloy na sa pag pasok sa isang pinto na sa kaniyang palagay ay kwarto nito.

Sa tamang panahon mapapasalamatan niya din ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FLAWED SERIES 1: TOUCH ME NOTStories to obsess over. Discover now