AINE (2)
Napamulat nalang ako ng may liwanag na tumatama sa mga mata ko at may Anghel sa harapan ko. Kulay asul ang mga mata nya at asul din ang buhok nya. Ang labi nya ang sarap halikan. Tika bat nag kakaganito ako? Erase! Erase! Kahit kay lan talaga ang Tanga tanga mo Aine. Kung ano ano ang pumapasuk sa isip mo. Naka poker face lang sya habang diritsong naka tingin sa mga mata ko kaya poker face koring tinitigan sya.
"Poyde ba mister umalis ka sa harapan ko?" Naiiritang sabi ko. Umalis naman sya at bumangun naman ako. Napahawak naman ako sa batok ko dahil ang sakit nito. Mga sira ulong yun dinala nila ako ng sapilitan dito. Humanda talaga kayo pag nakita ko kayung tatlo.
Dalawa lang kami dito ni Asul at walang nag sasalita saming dalawa kaya parang walang tao dito sa subrang tahimik.
Na Palingon naman kaming dalawa ng may biglang bumukas ng pinto at niluwa nito ang tatlong Devon's. Tinitigan ko sila ng masama at kung na kakapatay ang titig ko siguradong tigok na sila kanina pa sa kina tatayuan nila. Lumapit sila sakin at biglang lumohod sa harapan ko na ikinagulat ko.
"Patawarin mo kami binibining A--"
"Ken nalang poyde?" Putol ko sa sasabihin nila. Ayoko kasing may makaalam ng totoo kung palayaw. Sumang ayun naman sila sa sinabi ko kaya pinatayo kuna sila. Nginitian ko sila na ikina tulala nila.
Dito kami ngayun sa office ng head master kuno. Nakaupo lang kaming lima sa supa dito sa office, naka hiwalay ang upuan ko sa apat. Si Asul pala bat kasama namin sya dito? Anung ginagawa nya dito?
Ken. Astig no? Pang lalaki ang pangalan. Nan dito na ako ngayun sa dorm ko habang kasama ko ang tatlo. Sabi kasi ng head master sila daw ang magiging bodyguard ko ng palihim kahit si Asul hindi yun alam na sila ang mga bodyguard ko. Nag tataka nga ako kung bat may bodyguard ako dahil kung lakas naman ang pag uusapan hindi nila ako kaya. Pero hindi yun nila alam kaya naging bodyguard ko sila. Hindi matatawag na dorm ito dahil parang mansion na salaki.
Sa first floor ang supa, kitchen at sa second floor naman matatagpuan ang apat na kwarto.
"Lance ikaw sa room1, Blake room2, Ken room3, at Ako naman sa room4.." Wika ni Blue hair. Agad kong binoksan ang kwarto ko at laking gulat ko ng may biglang kumalabit sa balikat ko. Lumungon ako sa kanya.
"Bakit? May kailangan ka pa?" Tanong ko. May inabot sya sakin na kulay ginto na envelope. Agad ko naman kinoha yun at tuloyanang pumasuk sa kwarto ko.
Namangha ako ng subra sa ganda ng kwarto ko. Red ang Thame ng kwarto ko pati mga kortina red din. Red is my favorite color. Malaki rin ang kama ko at pati narin mga drower ko malalaki rin pati Cr malaki rin.
Tumongo ako sa Cr para maka pag linis na ako ng katawan ko. Dahil hindi naman ako mahinhin na babae mabilis akung naka tapus maligo.
Dumapa agad ako sa kama matapus kung mag patuyo ng buhok ko. Alas dies narin kasi ng gabi. Akala ko nga kani doon sa clinic araw na yun pala ilaw lang.
***
"Good morning binibining Ken.." Bati nilang tatlo habang nag hahanda ng pag kain sa lamesa.
"Good morning.." Lumapit ako sa kanila at naupo na. "Wow. Marunong pala kayung mag luto?" Tanung ko habang nag sisimula nang kumamain.
"Si Lancaster lang po ang marunong samin mag luto.."
"Talaga, Aster?"
"Ganon na nga po. At saka sa dyang tamad lang nga po yang dalawa kaya hindi marunong mag luto. Ako lagi ang lumoloto para samin.."
"Hindi kaya.." Angal ng dalawa.
"Totoo yun binibini.."
"Aster.."
"Ano?"
"Wag mo nga kaming siraan kay binibini.."
"Totoo naman yun ah.."
Ang kulit nila. Ganito ba lahat ng bodyguard ka kulit sa kanila. Nag hahabulan na sila at si aster naman gina gawa akung panangga sa dalawa kaya na kisali narin ako sa mga trip nila. Sa totoo lang ang saya pala ng ganitong bangayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/326368885-288-k911429.jpg)
BINABASA MO ANG
AINE'S Internal Love ♣️
Mystery / Thriller"AINE" isang na paka gandang babae, matalino, mabait, malambing at matulongin. Ayaw nyang na kikitang na hihirapan ang mga taung malapit sakanya pati mga kaibigan nya. Pero ang dating "AINE" ay biglang nag bago simula ng makilala nya ang lalaking hi...