Pagpasok ng bagong umaga,
gigising na puno ng pangamba.
Ang ilaw ng tahanan na tila pundi na,
hindi makita maling ginagawa ni ama.Ang haligi ng tahanan na dapat sandigan,
ay s'ya pang dahilan ng mga hinagpis at kasawian.
Mga kamay na dapat kumakalinga,
ngunit iba na sakin ang ginagawa.Gabi-gabing humihikbi,
hindi alam kailan luha'y mapapawi.
Tuwing wala si Ina,
sa kwarto ay papasok si ama.Noong una akala ko'y maglalambing,
ngunit iba na ang sa aki'y hinihiling.
Sinubukan kong pigilan si ama,
ngunit hindi ko kaya ang lakas niya.Ilang beses nagmakaawa,
ngunit tinuloy n'ya ang balak na masama.
Sa isang iglap nawala ang aking dangal,
niyurakan ng ama kong hangal.Sinubukang kausapin si Ina,
ngunit ako'y pinatahimik niya.
Sinabihang sa iba'y h'wag ipaalam,
kung hindi sa buhay namin si ama'y mamaalam.Maaring mailagay sa bilangguan,
pag nagkataon paano na ang aming kinabukasan?
Nagmakaawa si Ina, kakausapin n'ya na lang daw si ama.
Huwag na raw sana maulit ang sa aki'y ginawa niya.Subukan ko raw kalimutan ang nangyari noong nakaraang gabi,
bilang pag-aalo matutulog siya sa aking tabi.
Pagpasensyahan ko na raw si ama,
dala lang ng alak ang nagawa niya.Hindi na mapapawi,
kailanman aking pighati.
Dahil nawala na ang TAHAN
sa aming munting T̶A̶H̶A̶N̶an.𝗗𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻:
Para ito sa mga nakakaranas ng pang-aabuso sa loob ng mismong T̶A̶H̶A̶N̶an.
YOU ARE READING
𝐓𝐡𝐞 𝐀𝐩𝐨𝐥𝐥𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭
PoetryHere is the collection of my short stories (one-shot), and short poems (English and Filipino). All of these are raw pieces, apologies for the error you'll be reading ahead. ✍︎ ᴀᴘᴏʟʟᴏ sᴄʀɪᴠᴇɴᴇʀ