Raegan Mikayla Valiente
"Rae! Halika nga ritong bata ka! Bakit ba nagpapahabol ka pa?!"
Bumungisngis ako dahil sa reklamo ng yaya ko. Gustong gusto ko talaga kapag napipikon ko sya. Ang sarap sa pakiramdam eh.
"Yaya, habulin mo ko!"
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo at hindi na rin tumitingin sa dinadaanan dahil nakalingon ako kay Yaya Pasing. Yun lang ay bumunggo ako sa isang batang lalaki.
"Aray!" Sabay naming sabi at parehas na napaupo sa sahig.
"Sorry!" Agad na hingi ko ng tawad at inalalayang tumayo ang lalaki. Nga lang, naabutan ako ni yaya.
"Ikaw talagang bata ka!"
Marahan nya akong hinigit at pinunasan ang pwetan ko. Tatawa-tawa ko naman syang tinignan.
"Lagot talaga ako sa mommy mo kapag nalaman nyang hinahayaan kitang umupo sa kalsada! Ikaw ang maagang magpapatanda sakin! Bente sais palang ako pero pumuputi na ang buhok ko sa stress sayo!" Reklamo nya. Tumatawa lang ako at napatingin sa lalaking nabunggo ko.
"Uhm yaya, may sugat yata yung bata sa siko." Turo ko doon sa batang lalaki na sinisilip ang siko nya.
"Hala! Pasaway ka talaga, Raegan!" Lumapit si yaya doon sa bata at kinausap ito.
Tinitigan ko ang sugat nya at dumudugo iyon. Alam kong masakit yon dahil may fresh din akong sugat dahil nadapa ako kahapon.
Lumapit narin ako at humingi ulit ng tawad.
"Sorry talaga. Hindi kasi kita nakita." Sincere na sabi ko.
"Ayos lang, malayo naman to sa bituka eh." Ngumiti yung lalaki. Hindi ko alam pero parang may paru-paro sa tiyan ko nung ngumiti sya. Ano kaya yon? May paru-paro ba sa tiyan natin?
"Ako nga pala si Raegan Mikayla Valiente. At eto naman si Yaya Pasing." Pagpapakilala ko. Siniko ko si yaya na masama ang tingin sakin.
"Hello, baby boy."
"Ako si Ares Crosby Nuestro. Taga dito lang ako." Tinuro nito ang bahay na kaharap lang namin. Napanganga kami ni yaya. Mayaman pala.
"Hala ka talagang bata ka! Mayaman pa ang sinugatan mo!" Bulong ni yaya sakin. Nahiya naman ako bigla.
"Sige, pasok na ako! Nice to meet you, Raegan." Kumaway pa sya bago pumasok sa loob ng bahay.
Nagkatinginan kami ni Yaya at sinermunan na naman ako pauwi.
--
"Raegaaaan!"
Tumawa ulit ako habang inaayos ang aking bag. First day of school ngayon kaya naman excited ako.
"Wait lang, yaya." Saad ko at nagmadali na.
"Ikaw talagang bata ka! First day na first day gusto mo late ka?! Sige ka, papagalitan ka ni teacher Mary Ann." Banta nya pa pero tumawa lang ako.
"Yaya, ano naman kung late ako eh introduction lang naman ang gagawin ngayon. Saka grade 2 na ako, hindi na si teacher Mary Ann ang teacher ko. Si teacher Sunshine na." Sambit ko at kumagat sa sandwich.
"Ay ewan ko sayong bata ka! Osya, bilisan mo na dyan. Hinihintay na tayo ni Carding." Si Kuya Carding ang driver namin.
Pagkatapos kumain ay umalis na rin agad kami. Wala na rin kasi sila mommy at daddy, nasa work na agad. Maaga daw kasi sila palagi.
"Oh Raegan, behave ha. Huwag masyadong malikot at madaldal baka pagalitan ka ni teacher Mary-"
"Sunshine nga, Yaya." Putol ko sa sasabihin nya.
YOU ARE READING
Inlove With My Bestfriend
Teen FictionRaegan Mikayla Valiente has a secret feelings for her bestfriend, Ares Crosby Nuestro for a long time. It is well hidden to the point that she had to endure the pain every time she watches him be happy with his relationships. Not until Brixton Axl D...