"Burahin mo yan!"
Sinubukan kong agawin kay Holly yung cellphone pero ibinigay nya na ito kay Ares. Kay Ares na cellphone ang ginamit nya! Eto talagang bruhildang 'to! Hindi ako tinitigilan!
Natatawang kinuha iyon ni Ares at tinago na sa bulsa nya. Sumugod ako sa kanya at pilit na kinukuha sa jeans nya ang cellphone pero umiiwas sya. Naiinis na ako.
"Burahin mo, Ris!" sigaw ko. Wala na akong pake kung pinagtitinginan na kami ng ibang customer. "Please!"
"Wag na, Raegan. Para naman may maipost akong matino sa birthday mo." Nakangising sabi nya.
"Matino ba yun?! Mukha akong ewan don, Ris. Sige na burahin mo na!" Pamimilit ko pa.
"No is a no." Natatawang sabi nya. "Let's go na, malapit nang mag seven. Hinahanap ka na ng mommy mo."
Umirap ako at padabog na naglakad palabas. Pinagtatawanan ako ng dalawa sa likod habang nakahalukipkip ako at nakanguso. Nakakainis dahil rinig na rinig ang tawa nila habang paniguradong tinitignan yung picture. Makuha ko lang talaga yung cellphone ni Ares, buburahin ko lahat ng pictures nya saka yung favorite nyang game na Genshin Impact.
Hindi ko sila kinausap kahit na nakasakay na kami sa kotse. Nakahalukipkip akong nakatingin sa may bintana ng kotse ni Ares. I want to have my own car too. But my mom didn't allow me yet. Kahit na may license naman na ako. She said Im still reckless sometimes.
Hindi ko ako namansin nung lumabas ako ng kotse. Pero lumingon ulit ako para dilaan sila. Kaso sumagi sa isip ko na hindi pa pala nakakauwi si Holly dahil ako ang inuna. Mas malapit kasi yung bahay namin kila Holly. Si Ares naman ay ilang kanto lang pagkatapos ng bahay namin. Nag aalala akong tumingin kay Holly. She gave me a reassuring smile like she knows what Im thinking. I feel relieved. Mabuti naman. Ayokong ibunyag nya kay Ares ang feelings ko.
I sighed and decided to forgive them. Nag finger heart na ako sa kanilang dalawa. Nag flying kiss si Holly tapos si Ares naman ay nagfinger heart din saka may ngiti sa labi. Pumasok na ako sa loob pagkatapos kumaway sa kanila. Sinalubong ako ng isa pa naming yaya.
"Good evening, Raegan." bati nya.
"Good evening din po." bati ko rin at nilapag ang bag sa sofa. "Si mommy at daddy?"
"Nasa study room. May pinag uusapan tungkol sa trabaho, Rae."
"Okay." My parents are both lawyers. That's why hindi ko sila naaabutan. Maaga sila pumapasok at hatinggabi na umuuwi dahil sa maraming kaso. Isa kasi sila sa sikat na abogado sa Pilipinas.
Umakyat ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama. Agad kong tinignan ang cellphone ko at may message na agad sa gc.
Bloody Marys
hotae: ang kyutie naman ng abunjing bunjing namin..
hotae: sent a picture.
Umirap ako sa hangin nang makita ang itsura ko kanina. Maayos naman, nakakabanas lang yung expression ko.
ela.ela: HAHAHA cute.
kayla_: f u both.
I sent a dirty finger emoji at pinatay na ang cp ko. Dapat lang talaga na huwag sabihin ni Holly kay Ares dahil kakalbuhin ko sya.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya umayos ako ng higa.
"Magready ka na daw Raegan, sabi ni Attorney Krae."
I clicked my tounge. Another family dinner with our usual 'family'. Yeah, I have two half-siblings. They are kuya Kurt Arvin Valliente and ate Leticia Real. Kuya Kurt is my brother from my father side while ate Leti is from my mother side. Si kuya ay anak ni dad sa una nyang asawa. Si ate naman ay anak sa pagkadalaga ni mommy. Pero kahit ganon ay mahal ko parin sila. After all, parehas lang naman ang dugong nananalaytay samin.
YOU ARE READING
Inlove With My Bestfriend
Novela JuvenilRaegan Mikayla Valiente has a secret feelings for her bestfriend, Ares Crosby Nuestro for a long time. It is well hidden to the point that she had to endure the pain every time she watches him be happy with his relationships. Not until Brixton Axl D...