C1

2 0 0
                                    

"Kayla, may gawa ka na ba sa Law of Architecture?"

Nagbuntong hininga ako at tinigil ang pagsusulat. Ilang beses ko nang sinabi na ginagawa ko na, paulit ulit naman. Matagal pa naman yung deadline!

"Ginagawa ko na nga." Saad ko.

"Okay." Umirap yung kaklase kong leader namin sa group activity na yon.

Friendly akong tao pero ang isang iyon? Never kong naging close, paepal kasi.

"Kunot na naman ang iyong noo."

Parang nakipagkarera sa kabayo yung puso ko sa sobrang bilis nang marinig ang baritonong boses na iyon. Alam ko na agad kung sino basta ganito ang epekto nya sakin.

Lumingon agad ako sa may bintana at nakita syang pinapanood ako. Ngumiti ako agad at kumaway.

College na kami ngayon at isang taon nalang gagraduate na. Magkaibang course ang kinuha namin ni Ares pero same parin ang field,  arts. Architecture ako sya naman ay sa Graphic Design.

"Ano yang ginagawa mo?" Tanong nya habang nasa bintana parin.

"Wala, nagdodoodle lang." Saad ko.

"Nagdodoodle ka ng 'I hate you'?" Natawa sya. "Saka ano pang ginagawa mo jan, nagsisilabasan na mga kaklase mo. Tara na, naghihintay na sila Holland sa canteen."

Umirap nalang ako saka nag ayos ng gamit. Mabuti pa nga. Ayokong isipin yung kutong lupa naming leader.

Nagtatalon ang puso ko habang kasabay na maglakad si Ares. Feeling ko lagi akong nasa cloud 9 kapag kasama ko sya. Umiiral na naman tong pagmamahal ko sa kanya.

"Nga pala Rae, kinausap ako nung kaklase ko kanina. May competition daw na gaganapin sa friday." Sabi nya habang naglalakad kami.

"Anong competition?" Tanong ko.

"Syempre, Mr. And Ms. Artistic." Saad niya. Nagulat ako noong inakbayan nya ako. "Sasali ako, kaya icheer mo ako ha?"

Napalunok ako at sinubukang sawayin ang nagwawala kong puso. Heart, kumalma ka please.

"Sus, mananalo ka ba dyan?" Pang aasar ko.

"Aba, kailan ba ako natalo sa mga ganyan? Baka nakakalimutan mo
Valiente, palagi akong champion sa mga competition na ganito." Proud pang saad nya.

Umirap ako. "Oo na. Edi ikaw na ang pogi ng bayan."

--

"Sasali ka na naman sa Mr. and Ms. Artistic, Cros?" Tanong ni Holly nang makarating kami sa canteen. Siniko nya ako ng bahagya.

"Oo naman. Alam nyo namang hindi ko pinapalampas ang mga ganito." Cool na saad nya at nakipag apir kay Duke.

"Edi dapat sumali ka din Kayla para partner kayo ni Cros." Biglang suhestyon ni Holly kaya naman napatingin din sila Ris.

Pinanlakihan ko sya ng mata at inapakan ng bahagya ang kanyang paa.

"Ayoko. Alam nyo namang wala akong talent sa mga ganyan." Saad ko at kinurot ang tagiliran ni Holly na ngayon ay nakangisi nya. Palibhasa alam nya yung feelings ko para kay Ares.

"No, Raegan. That's actually a good idea. We can have pictures and keep it as memories. Diba may iniipon tayong ganon?"

Humalaklak si Holly, tuwang-tuwa dahil nasusunod ang plano nya. Pero hindi, ayoko. Nakakahiya kaya! Walang experience sa mga ganitong bagay.

umiling agad ako. "I don't think so, Ris." 

"Come on, Kayla-" Agad akong lumingon kay Holland at pinanlakihan sya ng mata para matigil na sya.

Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now