Ala-ala ng nakaraan ay nagdagsaan,
Sa gunita kong alipin ng kabiguan.
Naroon ako sa nagdaang pag-iibigan,
Na inakala kong panghabambuhay.Sa lamig ng hangin aking wari,
Puso koy nababalot parin ng hapdi.
Di lubos maisip na akoy magiisa,
Sa pag gunita ng nagdaan natin sinta.Ikaw ang aking pangarap,
Hinangad para sa hinaharap,
Pag-ibig na wari'y magtatagal,
Ngunit heto tayo't nagkahiwalay.Sa nakaraan nais ko ng magpaalam,
Upang maging malakas sa kinabukasan,
Baka sakaling doon, ika'y sakin na nakalaan,
H'wag naman sana itong suntok sa buwan.