#hugot

19 0 0
                                    


Sabi ko naman sayo, hwag tanga di ba?? i-untog ko kaya sa pader ulo mo ng magka-amnesia ka at baka sakaling ma-reformat yang utak mo, saka ko na i-installan ng mga apps kagaya ng:

*Anti Tanga- para naman di ka na ulit iiyak pa. Nakakaloka kasi ung tipong mahal na mahal mo na, kaya di mo na madalas makita mga maling ginagawa nya, kaya bagay na bagay tong app na to sayo.

*Bolero scanner- para simula palang alam mo na kung chine-chena ka lang nya oh totoong mahal ka nga talaga. Kung pwedeng ipasuri sa sanlaan, ipasuri natin yan, pag nasasanla, eh totoo nga.

*Talking brain- yung ma-vo-voice out bigla nilalaman ng utak mo dahil sa apps na to, mare-read ng cellphone mo at magba-vibrate para sa notification na kaylangan syang gamitin at hindi ung nakapatong lang sya sa ulo mo't di naman ginagamit ang silbi nito.

*Heart battery life- yung i-no-notify ka ng puso mo kung gaano nalang kaiksi ang buhay nya dahil sa katangahan mo, nagugulpi na sya at malapit ng ma-drain, para naman maawa ka sakanya at pakinggan mo na si Talking brain.

All apps are exclusive for woman only, dahil tayo naman madalas ang nangangailangan nyan. Ganyan kasi tayo, kapag mahal na natin ang sang tao, nababaon tayo sa sitwasyong pipilitin nating pumikit, magpakamanhid, at magpakabingi. Mas pipiliing hindi alamin ang totoo, kahit na sinasampal na tayo ng katotohanang niloloko lang tayo at tine-take-advantage. Magtitiis tayo sa sakit, magpapaka biktima, minsan proud ka pa na nakakaya mo ang sakit di ba? Para lang mapanatili natin sa tabi natin yung taong pinakamamahal natin nakakayanan natin ang lahat ng yan, kahit na meron ng nagpapaalala satin na hindi na tama at hindi na makatarungan na ipaglaban pa

Walang bayad ang pag gamit ng utak, mas mapapagastos ka kapag nadala ka na sa Mandaluyong inside dahil sa kabaliwan mo sa pag-ibig na unti-unti ka ng binabaon sa kalungkutan.

Hindi uso ang magpaka-martyr ng dahil sa katangahan, at hindi nanaisin ni Rizal na madikit ang pangalan mo sa salitang yan, dahil sya namatay na martyr na ginamit ng sobra sobra ang katalinuhan nya, walang tangang martyr hija.

*Salamat sa effort na basahin ito*

#Mirrortalk

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon