Chapter 13: Preparation for the Trip

2 0 0
                                    

Freela's POV
 

"Where are we heading to?" Taki asked. Tapos na akong umiyak. Pinaghilamos pa muna nila ako sa gripo na nakita kanina ni Enorgy para mahimasmasan ako kahit papano.

 

Ayos naman na ako ngayon at mas maluwag na ang paghinga. Kanina kasi barado yung ilong ko kakaiyak. Mabuti at napakalma ko rin ang sarili ko pagkatapos ang halos isang oras. Nagkwentuhan din kasi kami para payuhan ako..

 

"Ikaw Lala, saan mo ba gusto? Kung saan ka kakain, doon nalang din kami" Enorgy.

 
 

Umakto akong parang nagiisip.. "Karenderya nalang! Doon sa tapat ng school" I suggested.
 
 

"K-karenderya? Was it safe to eat there?" Nababahalang tanong ni Taki.
   

 
"Oo hehe katabi lang ng parlor na pinagtatrabahuhan ni mama yung karenderya na pagmamay-ari rin ng amo niya sa parlor. Doon din ako minsan kumakain nung bakasyon" I explained.
 
 

Mukhang hindi sanay si Taki sa karenderya pero dahil nasabi niyang nagbabagong buhay sila ng kapatid niya para maranasan ang isang normal na buhay, ipaparanas natin ito sa kaniya.
 
 

Iginiya ko sila sa harapan ng school ko nung elementary ako. Dito maraming mga karenderya na magkakatabi, pipili ka nalang kung saan mo gustong kumain.
 
 

Yung pinakadulo yung pagkakainan namin kasi ayun yung kila mama e. Bago pa man kami kumain ay dumiretso muna kami sa parlor.
 
 

Pagkapasok ay bumungad kaagad doon si mama na kadalukuyang naggugupit ng buhok.
 
 

"Ma" Kaagad siyang napalingon sa tawag ko. Lumiwanag ang mukha ni mama na mukhang pagod na rin. Lumapit ako sakaniya para tignan kung basa ang likod niya. "Ma uminom na ba kayo ng gamot?"
 
 

"Oo nak. Kanina pa. Aga niyong umuwi dalawa ah?" Pagtutukoy niya sa amin ni Taki.
 
 

"Nice meeting you again tita" Taki.
 
 

"Magandang hapon po" Enorgy.
 
 

Bati nila sabay nagmano..
 
 

"Ay aba ang gagwapo talaga nitong mga kasama mo 'nak" Puri nito sa kanila. Ngumiti si Taki samantalang si Enorgy ay napahawak sa kaniyang batok gawa ng hiya. Mantakin mo, may kahiyaan din palang tinatago itong isang 'to. Sa school kasi parang hari dahil halos lahat ng estudyante pinapagalitan.
 
 

"Ma si Eno po 'yung isa. Makakasama rin po natin sa beach this week" Pagpapakilala ko sa kaniya na malapad ang ngiti na tumango.
 
 

"Hi Eno. Bisita ka naman paminsan-minsan sa bahay para mapaghandaan kita ng mga specialty kong meriendaa" Aya ni mama rito.
 
 

"Hala welcome po ako sainyooo?" Animo'y kumikislap ang mga mata niya nang makumpirma niya sa pagtango ni mama sa kaniya.
 
 

"Kapag kaibigan ng anak ko. Welcome na welcome 'yannn!" Masiglang sabi ni mama.
 
 

Naagaw naman ng pansin ko ang mga nakatingin na mga kasamahan ni mama na bakla na si Ate Gie at Ate Dela. Maging ang dalawang babaeng customer na magkatabing ginugupitan ay kila Taki at Enorgy ang tingin.
 
 

"Kaibigan ba ng anak mo 'yan te?" Lumapit si Ate Gie kay mama.
 
 

"Oo. Gagwapo no? Pwedeng gawing model dito" Manghang sambit niya habang iniikutan ang dalawa para suriin.
 
 

Flavors of Yesterday's Anecdote (School Squad S. #1)Where stories live. Discover now