Chapter 14: Mystery of the boy

1 0 0
                                    

Freela's POV

Pagkalabas namin ay nalaglag-panga ako sa nakita ko. Paano ba naman, sarili lang nila ang dala nila samantalang kami ay sangkatutak ang buhat na bag.
 
 

Lumapit sa akin si Taki, Enorgy kasama si Yugene na may tripod na dala sa kanang kamay niya. Pinagmamasdan ko lang sila taas-baba sa mga itsura nila.
 
 

"What the hell?" Hindi makapaniwalang tanong ko nang tuluyan na silang makalapit sa akin.
 
 

"Ano 'yang mga dala niyo Lala?" Enorgy.
 
 

"Mga pagkain 'tong mga 'to"
 
 

"Hindi ba sila nainform na may mga pagkain doon?" Bulong ni Yugene kay Taki.
 
 

"Hindi naman din ako nainform na kasama ka rito" Singit ni Theresse.
 
 

"Kailangan ba informed ka sa pagpunta ko? Ganon ka ba kainteresado sa akin? Hahaha sabagay, palagi mo nga pala akong sinusundan sa school" Ani Yugene.
 
 

"Yugi? Magkakilala kayo?" Turo ni Enorgy sa dala nang pasalit-salit. Sila nga rin pala yung nagkasagutan sa court at yung nakukwento palagi ni Theresse na inis na inis siya. Mahangin daw kasi.
 
 

"Oo naman. Hindi ko ba makikilala yung foul-mouthed na 'yan? Alangya, dadaan ako sa campus tapos yung maingay na bibig niya palagi yung naririnig ko." Nilingon ko si Theresse na umuusok na ang mga ilong ngayon.
 
 

"Ayan na yung mga kotse" Ani mama. Tatlong magkakasunod na kotse ang dumating. Isang van, isang sports car at isang normal lang na kotse.

 

Itinaas ni Theresse ang middle finger niya sa harapan ni Yugene atsaka naglakad para sumunod kay Ate.
 
 

"Kita mo 'yun?" Hindi makapaniwalang sambit ni Yugene na tinuro pa ang naglalakad kong kaibigan kay Taki at Enorgy.
 
 

"A-Aries" Nauutal na bati ni ate kay Kuya Aries nang makalapit na rito.  Siya ang nagmamaneho sa sports car. Pangdalawahan lang itong kanila kaya for sure silang dalawa lang ang uupo roon.
 
 

Lumabas muna si Kuya Aries para buksan ang kabilang pinto. "Hop in" Sambit nito kay Ate bago muling isara ito. Bago sunakay si Kuya Aries ay bumati muna siya kila mama at papa. Nagusap pa sila, hindi ko na alam ang nangyari sa kanila dahil dumiretso na rin ako sa pangatlong kotse, which is yung van.

 
 
Ako ay naglapag na ng mga gamit sa sasakyan kung saan kami masiglang tinawag ng driver.
 
 

Halatang mamahalin ang lahat ng ito. Yung van ay sobrang laki talaga, 14 people ang capacity for this van. Dalawa ang upuan sa unahan, tatlo sa pangalawa at pangatlong linya atsaka mahabang upuan na magkaharap naman sa pinakalikod.
 
 

Sa likurang bahagi namin inilagay lahat ng mga pagkain at gamit. Tutal malaki-laki naman ang van kaya dito halos nakalagay lahat ng gamit, bag at pagkain namin.

 
 
Si mama, papa, ako maging si Theresse ay umupo sa kahit saan. Sakop namin ang buong van bukod sa driver's seat dahil may pinrovide silang driver para sa amin at makakatulong na babae na mukhang kasambahay ng mga Vilasuirs.
 
 

Sa pangalawang kotse ay doon pumwesto sila Taki, Enorgy at Yugene. Si Mr. Vilasuir ay hihintayin na lang daw kami sa entrance ng hotel..
 
 

Isa-isa nang umandar paalis ang aming sinasakyan. Ready na for our two hours trip.. 
 
 
 
****
 
 

Flavors of Yesterday's Anecdote (School Squad S. #1)Where stories live. Discover now