CHAPTER 4 By: Ms. Undaunted

9.9K 250 4
                                    


"DUDE, what are you been up to?,"si Henry ng makausap siya nito.


"I'm doing busy at my office, and tonight, may lalakarin akong importante.


"So you mean, hindi ka makakasama sa amin ni Aaron para mag hang-out?


"Hindi Dude, next time nalang, uunahin ko lang 'yung importanteng gawain ko.


"Ano na naman ba 'yan? Does its still about of Mariel?


"Hindi ito tungkol kay Mariel and speaking of Mariel, i already fed up with her attitude, so nakapagdesisyon akong tuluyan nalang siyang hiwalayan, pakiramdam ko kasi ay inaabuso niya ang kabaitan ko, siguro iniisip niyang hindi ko siya kayang pakawalan, well, diyan siya nagkamali dahil kaya ko na, kaya ko na siyang iwala sa sistema ko, dude.


"Sino ba naman kasing tangang lalaki ang hindi magpi fed-up sa ugali meron siya, ang sungit, okay na sana kong magsusungit ng nasa tamang lugar siya, pero 'yung wala na basta lang nagsusungit na akala mo sobrang kagandahan na? Mabuti 'yang binabalak mo dude, sang-ayon ako sa'yo,"sabi ni Henry.


"Salamat dude, at sa oras na makakausap ko siyang muli, magugulat siya sa sasabihin ko, sige na, sige na, mamaya nalang uli dahil may tatapusin lang ako.


"Sige, good luck nalang sa lakad mo mamaya, paano ba 'yan, kami nalang muna ni Aaron? Kung mamalasin nga naman tayo eh. Naalala mo 'yung nagpunta tayo sa highlight club? Pagkakataon mo na sana 'yun dude, pero nalintik na at nagkataon pang nagkagulo doon.


Natahimik bigla si Nathaniel ng mabanggit ni Henry ang tungkol sa club. As long as kaya niyang itago ang plano niya ay gagawin niya. Ayaw niyang may makakaalam sa gagawin niya at baka pagtatawanan siya ng mga ito. Kilala pa namang alaskador ang dalawa niyang kaibigan.


"Ayos lang dude, may next time pa naman eh, sige na, usap nalang tayo mamaya kapag may oras ako.


"Sige, paano ba 'yan, solo flight ka pala mamaya, ingat nalang din dude,"si Henry.


"Kayo din ni Aaron, huwag masyadong naughty guy,"nakatawang sabi ni Nathaniel.


Nang matapos makapag-usap ang magkakaibigan, naghintay na muna ng dalawang oras si Nathaniel, bago nagbihis at naghandang umalis.


HABANG nagmamaneho si Nathaniel papuntang Highlight Club ay tumunog ang kanyang telepono. Si Mariel ang caller.


"Wala ka talagang balak na suyuin ako, ha Nathaniel?! Hah! Anong nangyari sa'yo at bigla kang nagbago, iisipin ko bang may ipinalit kana sa'kin? Subukan mo lang at magkaletse-letse na ang lahat!,"galit nitong sabi na may kasamang pagbabanta.


Nailayo ni Nathaniel ang telepono niya sa kanyang tainga dahil naririndi siya sa malakas na boses ng nobya.


What he hates the most of Mariel ay ang pagiging aggressive nito, at ang sobra kung i underdog siya.

Hacienda del TIERRO Book 1Kung Kasusuklaman Mo Akoby: Ms. UndauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon