Helaena Christine Archimedes sent you a message.
Helaena: Yay! Congrats satin natapos natin ang bacteria model!
Damian: Yay
Helaena: Ay wow masaya ka na niyan?
Damian: Opo masaya ako
Helaena: Di ko alam kung seryoso ka o ano HAHHAHAHA
Damian: Ako na ba gagawa ng explanation ng model natin?
Helaena: yep yep thanksss
Damian: Archimedes
Damian: Lalagyan ko pa ba ng label?
Helaena: Ha?
Helaena: Archimedes ka jan
Damian: Ha?
Helaena: Oo lalagyan ng label pero di ko matatanggap na Archimedes tawag mo sakin
Helaena: Sinama na kita sa bahay tapos nilason pa kita
Helaena: Tapos Archimedes tawag mo sakin >:(
Damian: Ano ba dapat itatawag ko sayo?
Helaena: Grabe ka naman lods, akala ko close na tayo T^T
Helaena: Akala ko first name basis na tayo, naexcite ba ako masyado?
Damian: Ang drama mo naman, sorry na Helaena.
Helaena: Yna nalanggg
Helaena: Helaena ka jan. Sino yan?
Damian: Bat naman Yna itatawag ko sayo?
Helaena: Syempre, yan tawag sakin ng lahat atsaka ang creepy ng Helaena jusko baka mauna pa ako mamatay kesa sa lola ko.
Damian: Maganda kaya pangalan mo
Helaena: Bhie wag ako. Alam kong hindi yan totoo HAHHAHAHAH
Damian: Seryoso nga
Helaena: Okay sige, sabi mo e. HAHAHHAHAHA thanks
Helaena: Babye na. Goodnight!
Damian: Sige po