nineteen

7 0 0
                                    

Damian


Nakaupo ako ngayon habang pinipilit na maabsorb ng utak ko ang mga tinuturo ni Sir Chem. Ewan ko ba, lumulutang ang ulo ko kapag naglelesson si sir e. Tinitigan ko ang katabi kong si Irina na abala sa pagsusulat ng mga nakalagay sa ppt ni sir.


Kinuha ko ang ballpen ko at nagsimulang kumopya ng mga nasa powerpoint subalit bago ko pa matapos gayahin ang nasa slide ay nilipat na ni sir sa bagong slide kaya napatigil ako at isinara ang notebook ko. Hihiram nalang ako ng notebook kapag magchecheck na. Napatingin ako sa paligid at napansin ko si Helaena na nakaupo sa kabilang table habang nakikipagchismisan kay Ira. 


May binubulong siya kay Ira na agad naman nitong pinasa kay Mark. Mahina silang tatlo na nagsitawanan habang pinapalo-palo ni Ira sa balikat si Mark. Ano kayang nakakatawa sa binulong ni Helaena? 


Tumigil sila sa pagtawa at nagpatuloy na si Helaena sa pagsusulat sa notebook niya. Tinitigan ko siya mula sa aking kinauupuan. Pinanuod ko ang paraan ng paggalaw ng kanyang ballpen habang mabilis siyang nagsusulat sa kanyang notebook. Ang ulo niya ay nakaharap sa whiteboard, her eyes are fixed on the powerpoint presentation, and her hands are scribbling whatever is displayed on the board. Napangiti ako sa paraan ng pagnonotes niya. Para bang alam niya na kahit hindi niya titigan ang papel ay tama ang isinusulat niya. 


I rested my chin on my palm and remained in my position, my entire attention focused on the pretty girl sitting at the next table, completely focused on writing her notes. When I look at her, it's as if everything is moving at a snail's pace. All of the noise fades away, and the only sound I can hear is the beat of my heart. I used to like her because she's nice to everyone, but as I got to know her better, I realized she's more than just the nice and cheerful girl everyone likes.


She is friendly with animals, follows school rules, cares about the environment, is talented and honest. I'm falling for her more and more as I get to know her. It's like unlocking a new event in a video game and falling even more in love with it.


I really like her. 


No, actually I'm in love. I'm certain I've fallen in love with this angel. 


"Damian, baka matunaw" my train of thoughts came to halt nang marinig ko si Irina. Nilingon ko siya at napansin kong isinara niya na ang notebook niya. Napatitig ako sa paligid at napansin kong nakasara na din ang powerpoint ni Sir - hudyat na tapos na ang klase.


Nginitian ako ni Irina na para bang nababasa niya lahat ng tumatakbo sa utak ko. Napayuko na lamang ako at nagpanggap na inaayos ang gamit ko. Nakakahiya.


Ang obvious ko siguro ngayon. Bakit ba kasi lahat sila alam na crush ko si Helaena? Naalala ko isang beses tinanong din ako ni Eurydice tungkol kay Helaena. Pati sila Kim tinanong din kung kailan pa nagsimula feelings ko kay Helaena. 


Nagtataka na nga ako. 


Bakit parang lahat ng kaklase ko alam pero si Helaena hindi niya mapansin?


Pero mabuti na rin na hindi niya alam, natatakot kasi ako na baka layuan niya ako kapag nalaman niya. Ayoko naman nun. Isa pa, wala naman akong inaasahan sakanya. Masaya na akong magkaibigan kami. 


Sanay naman na akong tumitig mula sa malayo.

see the starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon