Our Burgundy Summer: 01
"Hoy, bugok! Ayos ba suot ko? Maganda ba o mas maganda ako?"
Ngiwi lamang ang ginawad sa'kin ng bwiset kong kapatid. Kasi naman pinapakita ko lang ang suot kong pink na fitted pants at white top na talagang binili ko para sa araw na ito. Tapos tiningnan niya lang ako na parang masusuka siya.
Wow ah. Parang others tch.
Napairap nalang ako sabay kuha sa bag kong maliit lang at sobrang gaan. First day palang naman ngayon at tinatamad akong magdala ng mga gamit. Sus para namang magtuturo na sila.
"Mhie, alis na po ako!"
Nagpaalam na ako kay Mommy bago ako lumabas ng bahay at nag-abang ng jeep. I looked at my watch. Alas sais palang. 7AM pa ang klase namin pero dahil mabait akong bata, isang oras lang naman akong early.
Sumakay na ako ng jeep at natulog muna dahil 20 minutes ang byahe mula bahay hanggang sa bago kong eskwelahan.
I'm in Senior High School now.
and yes... I PASSED THE ENTRANCE EXAM. Ako lang ang nakapasa sa aming nagreview session. STEM ang pinili kong strand.
Pagkatapos nang nangyari sa review session ng first day ay hindi na ako pumunta nung mga sumunod na session. Para nila akong pinagkaisahan. I felt invisible with them. Pakiramdam ko may nakatali sa leeg ko nung kasama ko ang mga taong iyon. Kaya mas pinili ko nalang na mag self review. I watched youtube videos all about Senior High School. Pinagsikapan ko talaga na makapagreview para maipasa ko ang entrance examination sa pinakamalaki at respetadong school sa Legazpi. Ang Bicol University at ang Legazpi High. Halos lahat ng incoming Senior High Students ay gustong makapasok sa dalawang eskwelahan na iyan dahil sa ganda ng edukasyon at matatalino daw talaga ang mga estudyante riyan.
Ako lamang ang nakapasa sa B.U na taga-Isla. Dalawa naman kami ni Ethan na nakapasa sa Legazpi High. I don't want to be at the same place as him but I still chose Legazpi High. Malapit kasi ito sa SM mall at 15 minutes lamang ang biyahe mula sa bahay namin-, kung hindi traffic. Sa B.U kasi ay sobrang malayo at aabutin ng 30-40 minutes ang biyahe. Hassle 'yun sa araw-araw.
"Kuya, para po," sabi ko nang nasa tapat na ako ng bago kong school.
I smiled and took my phone out of my pocket nang nasa tapat na ako ng gate. Pinicturan ko ang bago kong school at nilagay sa IG story ko.
New school, new life ems.
Pumasok na ako sa gate at nagpirma sa may guard house. Iilan palang ang estudyanteng nakita ko. They're all wearing school uniform-- White blouse and plaid purple long skirt for Junior High while fitted skirt naman sa Senior High na girls. Wala pa akong uniform dahil nga baguhan lang ako dito.
"Ang aga ninyo. Excited kayo sa klase?" sabay tawa ni Manong guard sa'min.
Excited sa everyday baon, yes!
Naglakad-lakad lang ako sa hallway. In fairness ang ganda rito compared sa dati kong school. May malawak siyang court sa gitna na pinapalibutan ng mga school building. There are tress everywhere. Di ko nga sure kung hardin ba itong pinasukan ko o paaralan.
Huminto ako nang makita ang bulletin board. Nakapaskil dito ang mga nakapasa sa STEM strand. Hinanap ko kung saan akong section.
Sarado pa ang classrooms ng STEM kaya naglibot muna ako sa campus. Nagsisipasukan na rin ang mga estudyante. They're mostly wearing semi-formal clothes. Karamihan lang na nakikita kong nakauniform ay mga junior high. Halos transferee din kasi ang mga nasa senior high.
"All students, please proceed to the covered court."
Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang marinig ko ang announcement na iyon. Grabe ang lakas naman ng sound system nila! Nakakagulat hah.
Nakisabay na ako sa mga estudyante na papunta sa covered court. Tumayo lang ako sa may gilid dahil diko rin naman alam kung saan ba ang pila ng section namin at kung sino-sino ba ang mga kaklase ko.
"Kindly line up with your respective sections."
Nako! Yan na nga ba sinasabi ko eh! Sino ba kasi mga kaklase?
"Uh..." Pansin ko sa katabi kong tahimik lang. Nakasuot siyang itim na hoodie at natatakpan ng mahaba niyang bangs ang mukha niya."Hi! Ang cute ng hoodie mo! Transferee ka rin ba rito?" pagchichika ko sa kanya.
Inalis niya ang hood ng kanyang suot at bigla nalang nanlaki ang mga mata ko.
Shuta!
What the impyerno!
Bakit may anghel dito?!!!!
He has beautiful features. Matangos ang kanyang ilong na kaya yatang pantayin ng ruler. His jawline could cut watermelons! His black messy hair and curtain bangs touches his long eyelashes. Oh my gosh! Yung mga mata niya! Kulay grey ito at nagniningning. Ang gwapo naman ng lalaking 'to! Totoo nga ang chismis na gwapo ang mga CITINISTA!
"Do you need something?" tumaas ang kilay niya sa'kin.
Gosh! Yung boses niya, ang lalim! Lakas mang-akit!
Tulala ako habang tinitingnan ang mala-anghel niyang mukha nang pitikin niya ako sa noo.
"You must be lost. This isn't the line for elementary, kiddo,"
Napaawang ang labi ko. Gulat dahil sa sinabi niya. ELEMENTARY?! Mukha ba akong bata?!
"FYI, Senior High School na ako 'noh! Ikaw nga mukhang Mang Kepweng Mysterious Version riyan e," Umirap ako.
Nakakainis shuta. Ikaw ba naman mapagkamalan na elementary. Hindi manlang junior high, elementary talaga! Grabe sa discrimination sa height ko ah!
He chuckled a little. "You're funny. What's your name?"
"Pake mo, tch" Inirapan ko ulit siya.
"Damn, that's a really weird name, Ms. 'Pake mo'?" tumaas ang kilay niya habang seryoso ang mukha na para namang 'yun talaga ang pangalan ko.
Napakuyom ako ng kamao, pinipigilang masapak 'tong bwiset na lalaking 'to! Lord sana di ko na siya makita ulit! Sayang ang kagwapuhan niya! Apaka panget kausap! Nakakainis pa.
Hay nako. First day palang stressed na agad ako sa school na 'to!
YOU ARE READING
Our Burgundy Summer (Science High Trilogy #1)
Teen FictionLeyna & Levi's story Book cover not mine. Credits to the rightful owner.