Chapter 46

118 1 0
                                    

Lit POV

5 years ago...

"Malapit na kayo mag kita ni Von?" Nakangiti akong tumango kay Leona na nakatingin sa akin, ngumiti siya sa akin saka tinapik ang balikat ko.

"Nuks, anong plano mo?"tanong niya. Binaba ako ang hawak kong magic clock saka ngumiti sa kanya.

"Balak ko siyang surpresahin." Sagot ko. Saka pinakita sa kanya ang pregnancy test na hawak ko, nanlaki ang mga mata niya ng makita ang resulta nito.

"Positive, buntis ka?!"tanong nya, tumango tango ako bilang sagot. Agad niya akong niyakap at damang dama ko ang saya na nararamdaman niya.

"Magiging tita na ako." Mangiyak ngiyak na sabi niya habang yakap yakap ako, napangiti lang ako at hindi mawala sa aking labi ang ngiti dahil sa sayang nadarama ko.

Si Leona ang unang napagsabihan ko tungkol sa kundisyon ko siya lang kasi ang kaibigan ko at ka close ko sa kapatid ni Von, si Leana bihira lang kami mag usap. Mahigit apat na buwan ng nasa labas ng Vampire high si Von kasama si Van para itago si Clementine habang nag papagaling ito, naiintindihan ko ang sitwasyon niya sapagkat nais niyang tulongan ang kapatid niyang si Fin.

"Bukas ay lalabas ka na ng Vampire High, sigurado akong matutuwa si Von kapag nalaman niya ang balita." Sabi niya saka humarap sa akin.

"Hindi ako makapag hintay na makalabas narin sa Vampire high, excited na akong magkaruon ng pamangking." Nakangiting sabi nya.

"Lagi mo kaming papadalhan ng sulat ni Leana okay? Ingatan mo yung baby mo." Sabi niya, ngumiti ako saka tumango tango.

"Oh sya, mauuna na muna ako sayo pupunta lang ako sa classroom may quiz pa ako." Sabi nya, tumango ako saka pinanuod siyang lumabas ng kwarto ko. Nakangiti kong inayos ang mga gamit ko para bukas.

Ngayon ang huling araw ko sa Vampire high, bukas ay makakalabas na ako sa paaralang ito dahil tapos ko na ang buong semester na meron sa Vampire high. Sila Leana, Leona at Fin ay kinailangang umulit ng dalawang semester dahil sa nangyareng kagulohan. Ang semester sa Vampire high ay mahahalintulad sa dalawang taong pag aaral sa normal na paaralan. Kinakailangang matapos namin ang limang semester bago kami makalabas ng Vampire High.

Abala ako sa pag aayos ng aking mga gamit ng may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Agad akong tumayo at nag tungo sa pinto ng aking kwarto.

"Bakit ka napabalik Leon--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hindi si Leona ang nakita kong nakatayo sa harap ng kwarto ko.

"Franco." Bigkas ko, ngumiti siya sa akin saka kumaway.

"Kamusta Lit." Sabi niya, napalunok ako.

"Anong kailangan mo?"tanong ko. Ngumiti siya sa akin saka inabot ang dala niyang bouquet of flowers. Tinignan ko lamang ito saka binalik ang tingin sa kanya.

"Anong meron?"tanong ko.

"Nais ko lang ibigay sayo ito, bilang pa-congrats dahil bukas ay lalabas ka na ng Vampire high."nakangiting sabi niya, ngumiti ako sa kanya ng pilit saka tinanggap ang bigay niya.

"Salamat, sana di ka na nag abala pa."sabi ko.

"Sya nga pala, bukas rin ang labas ko, sabay na tayo." Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.

"Ha? Pasensya na pero may pupuntahan ako bukas pagkalabas ko ng paaralan."sabi ko. Ngumiti sya sa akin.

"Okay." Sabi niya dahilan para mas lalo akong ma-weirdohan sa kanya, kilala ko si Franco, isa sya sa mga manliligaw ko rito sa Vampire high pero hindi ko pinag tutuonan  ng pansin dahil sa kay Von lamang nakatuon ang attention ko.

"Anong kailangan mo?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga tanong na iyon, bigla na lamang tumaas ang balahibo ko ng makita ko ang nakakakilabot na ngisi sa kanyang labi.

"Hindi mo naman sinabi sakin na Easy to get ka lang naman pala Lit." Sabi niya dahilan oara kumunot ang nuo ko.

"Nalaman kong buntis ka, at anak ni Von ang dinadala mo."may pait sa kanyang tono ng sabihin niya iyon.

"Hindi mo manlang ako binigyan ng pagkakataon para pasayahin ka dahil nakay Von lagi ang attention mo." Agad kong hinagis sa dibdib niya ang bouquet na hawak ko, saka masamang tumingin sa kanya.

"Ilang beses ko ng pinamukha sayo Franco na wala akong gusto sayo, pero ikaw itong nag aatubiling lumapit sa akin at ipag pilitan ang sarili." Sabi ko. Ngumisi siya.

"Akin ka naman talaga Lit, inagaw ka lang ng Von na iyon, kung alam ko lang na sa kanya ka mag papabuntis sana hindi nalang kita pinakilala sa kanya." Agad ko siyang sinampal dahil sa sinabi niya, nagtatangis ang aking damdamin dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinabi niya.

"Layuan mo na ako Franco." Sabi ko.

"Si Leona" sabi niya dahilan para matigilan ako. "Madami na siyang alam tungkol sayo." Dagdag niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Panahon na para burahin ang ilang ala-ala na meron siya." Sabi niya saka pinakita sa akin ang isang bilog na kasing laki ng holen, kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa hawak nya. Bigla akong natigilan ng mapagtantong ilang ala-ala ito ni Leona, ala-ala niya kasama ako.

Tila tumigil ang pag galaw ng paligid ng makita ko kung paano niya basagin ang hawak niya, agad kong sinalo ang ilang piraso ng bilog na iyon sabay ng pag tulo ng luha ko.

"Leona..." Bulong ko habang nakatingin sa bilog na ngayon ay kulay itim na, agad akong tumakbo para hanapin si Leona, nag tungo ako sa susunod niyang classroom at hinanap siya mula sa labas, nakita kong wala pa siya sa loob kaya naman hinanap ko siya hanggang sa makita ko siyang nakatayo sa hagdan at nakawak ang usang kamay sa pader habang ang isa naman ay nasa ulo niya.

"Leona.." bulong ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Leona na nakayuko, dahan dahan siyang tumingin sa akin, isang malamig na expression ang kanyang ibinigay.

"Leona.." patuloy sa pag agos ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang dahan dahang pag ngiti niya sa akin kaya naman medyo nawala ang kaba ko dahil sa ngiti na yon.

Hindi nawala ang ala-ala niya patungkol sa akin--

"Ikaw yung kaibigan ni Clementine hindi ba? Bakit mo ako tinatawag?"tanong niya dahilan para mag patigas sa akin mula sa kinatatayuan ko.

Nawala nga, nawala nga ang ilang ala-ala niya patungkol sa akin, sunod sunod na tumulo ang luha ko at dahan dahang napaupo sa harap niya.

"Leona.." parang batang tawag ko sa kanya habang umiiyak sa harap niya.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon