Chapter 2: Birthday Celebration

552 13 0
                                    

Birthday Celebration

~~~~

Von POV

Abala na ang lahat para sa party namin ni Van mamaya. Kung noon excited ako para sa Birthday namin ni Van, ngayun hindi na.

Narito ako ngayun sa Bubong ng bahay namin. Gusto ko muna mapag isa. Ayoko munang may makitang isa sa mga kapatid ko.

Huminga ako ng malalim ng umupo sa tabi ko si Van.

"Anong ginagawa mo dito?"malamig kong tanong, kakasabi ko palang na ayokong maka kita ng isa sa mga kapatid ko eh.

"Akala ko lumayas ka."sagot niya.

Natawa ako sa loob ko.

"Kung pwede lang bakit hindi."sabi ko.

"Nilagyan ni dad ng electric force ang bracelet ko."sabi ko. Tumingin ako sa bracelet ko na binigay sa akin ni Lit bago ako umalis sa Vampire high.

"Kapag sinusubukan kong umalis, may kuryenteng pinapakawalan ang bracelet ko sa katawan ko dahilan para manghina ako." Sabi ko. Parang daig ko pa ang bilanggo sa ginagawa sakin ni Dad.

"Bakit hindi mo nalang tanggalin yung bracelet?"tanong nya. Agad akong umiling.

"Pag tinanggal ko to parang pinutol ko na ang pangako ko sa kanya."  Sabi ko.

"Pangako, pag nakita mo ko suot suot ko parin tong Bracelet na binigay mo sakin."

"Talaga? Hindi mo aalisin?" Umiling ako.

"Pag inalis ko to parang pinutol ko na ang pangako ko sayo na papakasalan kita." Sabi ko natawa siya at niyakap ako.

"Wag na wag mong aalisin yan Van."

"Ayoko na maging Vaughn Van." Biglang sabi ko ng maalala ang pangako ko kay Lit.

"Para akong criminal na naka kulong sa selda sa ginagawa ni dad." Tumulo ang luha ko. Ang hina ko pag dating sa mga ganitong bagay.

"Gusto kitang tulungan kambal ko."sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Tutulungan kita na maka alis sa bahay na to pero ipangako mo sakin na magiging ligtas ka kapag umalis ka sa bahay na to." Sabi niya.

"May isa akong property sa baba ng bayan. Nasa liblib na lugar yun. Ibibigay ko ang address sayo mamaya pagkatapos ng party."tumingin siya sa akin.

"Basta ipangako mo na tatapusin natin ang araw na ito na masaya kambal ko. Kaarawan natin ngayun kaya dapat lang na maging masaya tayo." Ngumiti ako sa sinabi niya. Hindi ko kaya pag wala ang kakambal ko.

"Inimbitahan mo na ba si Aphrodite?" Tanong ko.

"Oo naman, nag padala na ako ng invitation sa bahay niya."sagot nya kaya natawa ako.

"Naka usap mo na ba siya." Tanong ko.

"Hindi pa."

"Eh si Cleopatra, binigyan mo na ba ng Invitation?"tanong ko. Sows, halata naman na gusto din ni Van si Cleopatra.

Umiling siya.

"Hindi ko alam kung saan siya naka tira."sabi niya.

"Hindi na siya nag pakita simula ng iwan ko siya sa restaurant."dagdag niya at halata sa boses niya ang pagka lungkot.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon