Aero's POV

it's saturday at andito ako sa harap ng bahay ni Stella. naiinis na ako dahil kanina pa ako nakatayo dito sa labas at kanina pa ako pinagtitinginan ng mga kapitbahay niya. pati kotse ko pinagpipiyestahan, seriously? ngayon lang ba sila nakakita ng isang dodge challenger?

kung hindi lang dahil sa project na to, hindi ako mag-iisip na pumunta dito. this place is disgusting, ang liliit ng mga bahay nila. mas malaki pa ata yung banyo ko eh.

"Aero?! anong ginagawa mo dito??"
"Malamang, sinusundo ka. can you please tell your neighbours to stop bothering me? it's annoying." sabi ko habang nililibot yung tingin ko sa mga taong kanina pa nakatitig sakin

"Bakla!! sino ba tong pog--Sir Aero?!" tinaas ko yung kilay ko dun sa baklang parang linta kung makakapit kay stella.

"What do you want??" inis na tanong ko.

"Waley lang sir, hihi ang pogi niyo parin kahit magalit."

"Ugh, let me get out of this place right now." hinila ko si stella at pinasakay sa kotse ko. wala akong pake kahit wala pa siyang ligo. tss, sa bahay lang naman kami gagawa ng project.

Stella's POV

"Aero, wala pa akong ligo! pabalikin mo ko sa bahay at tsaka teka, paano mo nalaman yung address ko?! stalker ba kit--"

"Shut up commoner! malamang alam ko ang address mo dahil may records ka sa school at ako ang may-ari nun! stupid." napatameme naman ako sa sigaw niya. kainis to.

tahimik yung buong biyahe namin hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate. may nakatatak na FORD tapos in gold letters pa. kumikinang pa nga ito eh.

mas lalo akong napanganga ng bumukas yung gate. kitang kita ang pathway tapos sa dulo nun may fountain at kitang kita ang malaking bahay este mansion nila aero. mapapanganga ka na lang talaga sa sobrang laki. ang yaman talaga ni gago bwiset.

"What are you waiting for?? christmas??" nagulat ako dahil nasa labas na pala siya.

"Yes boss, sabi ko nga diba lalabas na ako." he rolled his eyes tapos nauna na siyang maglakad. nilugay ko muna buhok ko bago siya sundan. lakad takbo ang ginawa ko teh, ang laki ng hakbang niya e.

"You're not presentable, god." napasapo pa siya sa noo niya habang umiiling na nakatingin sa suot ko.

"Kasalanan mo! hinihila hila mo ako eh alam mo namang wala pa akong ligo! tingnan mo ngayon, ikaw pa tong nagrereklamo diyan! nakakainis ka na!"

"yeah yeah, whatever." bumukas yung pinto at binati siya ng mga katulong at mga lalaking katulong, sige na nga pati na rin ako binati nila.

"Sir Aero, what would you like to eat for lunch?"

"Ask that girl." tinuro niya ako at napatingin sakin yung katulong. ngumiti na lang ako ng pilit. bat ako?! huhu wala akong alam sa mga ulam na pang-mayaman.

"Ma'am?" oh ayan na tinatanong ka na.

"Uhm, pwede ako na lang magluto?"

"Sure po kayo ma'am? ah this way po." hinatid niya ako doon sa dirty kitchen nila pero hindi naman talaga dirty dahil sobrang linis nito. kumpleto pa sa gamit tapos may mga chef pa doon na nakatingin sakin ngayon.

"Magluluto ako ah?"

"Kami na po ma'am baka magalit po si sir aero samin." takot na sabi ng mga chef.

"ako na bahala sakanya." nginitian ko sila at payuko silang tumango. ang weird lang nila, takot na takot sila kay aero. sabagay, mukha pa lang. halimaw na.

Mr.AEROgantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon