Chapter 1

9 2 3
                                    

The new day is dawning. New day for a new school year.

Maaga akong nagising dahil ngayong araw ang muling pagsisimula ng school year. Suot ang itim na t-shirt, itim na pantalon, puting sapatos at s'yempre hindi mawawala ang itim ko na sumbrero, ay handa na ako upang pumasok sa paaralan.

“Jess, ano ba ‘yang suot mo?” puna ni mama.

“Nakakagulat ka naman, ma. Ni hindi ka man lang kumatok. Ayos na ‘to, papapasukin naman ako ng guard doon kasi tropa kami.” sagot ko kay mama nang makabawi ako sa gulat.

Nakakaloka naman kasing binuksan lang ang pinto ng kwarto ko nang hindi kumakatol, baka kung maaga niya pa akong nabulabog dito ay naabutan niya akong walang saplot.

“You didn't lock the door,” pasimple akong napa-irap. Si mama ay mananatiling si mama.

“At saka, ma, hindi ka pa ba nasasanay? Ito lagi ang suot ko kahit nang grumanduate ako ng grade 10.” dagdag ko.

I used to wear over sized shirt na kulay black noon pa man. Hindi naman ako sinisita dahil alam ng mga teacher ko na anak ako ng dean—pero hindi ako biologically daughter. Nagpakasal kasi sila ni mama and then, tinuring niya rin na parang tunay na anak. But, hindi iyon alam ng mga classmates ko, isa iyong sekreto at hindi ko alam kung bakit.

“Okay, fine... Here's you allowance for this week.” Aniya and she handed my five pieces of one thousand bills.

“Thank you, mama.” I kissed her cheek as soon as I get the money.

“Asus! Gusto mo lang magpadagdag,” she teased me.

Tumawa lang ako ng payak saka inaya siyang lumabas na ng kwarto. Pagkababa ay nasalubong namin si daddy Tony na patungo sa kitchen, napahinto ito nang makita kaming pababa sa hagdan.

“Good morning, ladies!” nakangiti siyang bumati.

“Morning, hon.” bati pabalik ni mama at nagmadaling bumaba upang salubungin ito ng yakap at halik na para bang hindi man lang magkatabi kagabi matulog. Habang ako ay ngumiti lang.

“Let‘s go and eat baka mahuli pa tayo sa school.” tumango ako at tuluyan ng bumaba sa hagdan.

Nang makarating doon ay agad akong umupo sa tabi ni mama habang si daddy Tony naman ay umupo sa kabisera.

Tinanggal ko na rin muna ang sumbrero ko upang respeto sa hapag.

“Let us pray,” Daddy Tony insisted to lead the prayers before eating. “Amen!” with that, tuluyan na kaming kumain.

Nang matapos ay agad akong tumayo upang magsipilyo at muli ulit na bumalik upang kunin ang sumbrero ko.

“Jessie, here's your allowance.” Ani daddy at inilapag ang limang iisang libong papel.

How lucky I am?

Nakita kong ku-kontrahin pa sana ni mama si daddy dahil binigyan niya ako ngunit pinigil siya ng kamay ni daddy.

“Hon, it's fine. Jessie deserves all of that for being a good daughter.” He gently kissed my mom‘s temple.

Agh! Love birds! Corny!

“Ini-spoil mo lang ang bata, e.” mababang sabi ni mama.

Kinuha ko iyong oras upang kunin ang sumbrero ko at umalis sa harap nila. Parang mga bata.

Naglakad ako patungo sa sakayan upang mag-abang ng jeep. May kotse naman si daddy na dalawa pero I prefer to commute.

I-sinignal ko ang aking kamay na pahintuin ang jeep ng makita ko itong papalapit. Huminto naman ito.

“Miss, puno na. Kung gusto mo ay sumabit ka na lang.” Anang konduktor.

Sumilip ako sa loob na nakita ko doon ang mga lalaking pasahero na prenteng nakaupo sa loob. Hays, sumulyap ako sa relo kong pambisig, 7:25 na, ang klase ko ay 7:30.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakakapit sa likod ng jeep habang nakasalpak sa tainga ko ang earphone at nagpatugtog ng paborito kong musika ng ben&ben na Leaves. Bawat hampas ng hangin ay masarap iyon sa pakiramdam.

Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa baba ng paaralan, Florence Academy. Agad ako bumaba at nagbayad.

“Wala ka bang barya?” tanong ng konduktor. Isang libo kasi ang ibinigay ko.

“Wala po.”

“Paano ba ‘yan? Barya lang dapat sa umaga.” Kumakamot ng batok niyang sabi.

“Ganito na lang ho. Hintayin niyo na lang ho ako bawat umaga at hapon dito, parang magiging sundo ko kayo tapos hindi na ako babayad.”nag-aalangan man ay napatango na lamang siya.

“O siya.”

Ngumiti na lamang ako bago naglakad patungo sa campus. Binura ko na rin ang ngiti sa labi at inayos ang aking sumbrero bago humarap sa guard upang papasukin ako. Ito na naman ako, ang isang simpleng mag-aaral na walang pakialam sa mundo kapag nasa loob na ng campus.

“Jessica Rodriguez po.” Sabi ko doon sa guard, ngunit bago pa man ako papasukin noon ay naunang pinadaan ang kotse ni daddy—si Anthony Suarez, ang dean. Hindi ko ginagamit ang apilyedo niya kung hindi ay ang apilyedo ng namayapa kong ama.

Nang tuluyan na itong nakapasok ay saka ako naglakad.

Huminto ako sa paglalakad nang naroon na ako sa nakasaradong classroom kung nasaan ang STEM department nandoon. Tinanggal ko muna ang aking sumbrero at bumungad sa akin naglagas na buhok. Tinanggal ko iyon at muling sinuot.

Bumuntong hininga ako bago binuksan ang nakasaradong pinto.

I am Jessica Rodriguez, 16 years old at isang STEM student ng Florence Academy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LEAVESWhere stories live. Discover now