Prologue

7 3 0
                                    

Rain is pouring hard outside. Halos iyon ang maririnig sa paligid maliban sa kanta ng ben&ben na Leaves.

Masarap iyon sa pakiramdam lalo pa‘t alam ko iyong kanta, gusto ko sanang sumabay sa bawat linya no‘n pero mas pinili ko na lamang na tumahimik.

Mahina akong tumikhim at paisa-isang binuklat ang notebook na pawang tula ang nakalagay. Huminto lang ako sa pagbuklat nang makapunta na ako doon sa pahinang dapat kong basahin.

“Ngayon naman ay tunghayan natin ang isa sa mga obra ni Jessica.” Iyon ang naging hudyat ko upang tumayo habang hawak-hawak ang kwaderno patungo sa gitna.

“Ehem...” tikhim ko. “Wait lang baka mapiyok ako bigla.” tumawa ako ng payak bago nagseryoso.

“Nangungusap ang hangin
Nagbabadya‘t mayroong pasaring
Bukas nga ba‘y magigising?
Daho‘y magsisiliparan pa kaya sa paningin?

Usapan namin, baka pwede pa
sabi ko‘y huwa muna
gusto ko pa siyang makilala
gusto ko pa siyang mahalin tuwina.

ngunit kung ito na,
maari ba munang mayakap siya?
pwede pang labi namin muling lumapat?
maari bang nararamdaman ko sa kan'ya ay maipagtapat?...”

Hindi ko na natapos ang aking binabasa nang lumakas pa ang buhos ng ulan at hindi na marinig ang boses ko kahit na sa mikropono ako nagsasalita.

Napatulala na lamang ako sa ulan na patuloy pa rin sa pagbuhos.

“Mukhang malungkot ang panahon...” naibigkas ko na lamang. Nagdadalamhati rin pala ang ulan, siguro ay sinasabayan niya ako...

The rain is pouring hard just like my eyes, they're also tired.

LEAVESWhere stories live. Discover now