Feeling Ko Crush Ako ng Crush Ko

646 9 9
                                    

Good evening guys at dahil natuwa ako sa short story ni KielSantos kaya naman simulan ko ang short story ko na ito, sana magustuhan ninyo :)

Song is Mr. Right by Kim Chiu

===============================================================================

-=Christopher's POV=-

"Hay buhay!" ang hindi ko maiwasang hindi ibulalas ng umagang iyon, kasi naman start na agad ako sa work kahit na kakafinal interview lang sa akin kagabi at kakapirma ko lang ng kontrata pero no choice ako dahil kailangan ko nang magwork at pang-ilan call center ko na ba ito? Thirteen ata tama thirteen call centers na in a matter of six years.

"Ano ba naman sobrang init." naiinis ko na naman bulalas kasi naman sa Quezon Avenue ang trabaho ko tapos kailangan ko pang akyatin ang parang tulay sa MRT na sobrang taas tapos ang masama pa ay hindi gumagana ang elevator at escalator kaya no choice kung hindi akyatin ang hagdan.

Hingal na hingal ako habang inaakyat ko ang naturang hagdan na iyon at dahil sa pagod ay tumatagaktak na din ang pawis ko pero kailangan magpatuloy kung hindi malelate ako sa unang araw ng work, well hindi pa naman ako agad magkocalls kung hindi magtetraining palang pero siyempre kailangan good start kaya naman kahit pagod na pagod ay patuloy pa din ako hanggang makarating na ako sa kabilang side pero sobrang init talaga ang hirap talaga kapag healthy ka ng konti.

"Ok fine chubby! Reklamo pa more?!" nakakainis lang kapag may nambabasag ng trip alam ko naman na medyo naggain ako ng weight pero medyo mahirap kasing mag diet ang sarap kayang kumain at uminom ng softdrinks, actually kahinaan ko talaga ang softdrinks, siguro sa isang araw kaya kong uminom ng hindi bababa ng six liters nang coke and pop.

"Shit!" ang bigla kong nasabi napatingin tuloy ng masama sa akin ang naglalakad na babae na may kasamang anak.

"Sorry." I muttered ngunit nagmadali na din akong naglakad dahil limang minuto na lang, mas binilisan ko ang paglalakad ko hanggang finally makarating ako sa recruitment ng EGS ngunit kung mamalasin ka ba naman talaga sasabihin pa sayong sa mismong building ka magsusurender ng I.D na ang ibig sabihin ay late ako kaya naman nang makarating ako sa training room ay late ako ng isang minuto ending pinagalitan ako ng trainer namin, mabuti na lang talaga at nasa bandang dulo ang mga nakasabay ko sa interview na sila Carmina at Zandro.

"Late ka." bulong sa akin ni Carmina na siyang pinakanaging close ko sa dahil ba naman sabay kami nito sa lahat ng interview na dinaanan namin.

"Oo nga eh akala ko naman kasi kailangan pang pumunta ng recruitment at saka one minute late lang naman ako eh." naiiling kong sinabi dito.

"EOP!" malakas na sinabi naman ng trainer namin, mabuti na lang at hindi lang ako ang late kaya naman kahit pano napanatag ang loob ko pero kahit ganoon ay pinapirma pa din kami ng incident report.

Habang abala ang trainer namin sa pagsesetup ng projector ay ginala ko naman ang paningin ko sa mga wavemates ko hanggang dumako ang tingin ko sa kabilang side ng room, agad kong napansin ang chinitong lalaki na sobrang puti na para bang kapag tinabi ako dito ay magmumukha akong ulikba, well medyo exag naman sinabi ko dahil kayumanggi ang kulay ko.

Medyo tumagal ng ilang segundo ang tingin ko dito dahil parang medyo crush ko ang taong iyon medyo lang naman pero nagising lang ako nang tawagin ako ni Carmina para iabot ang bond paper na gagawin pala naming name tent.

Agad kong sinulat ang nickname ko sa papel.

"C.H.R.I.S.T.O.P.H" sulat ko sa papel at ilang sandali lang ay nagsimula na ang unang ginagawa kapag first day ng training at iyon ay ang walang kamatayang introduce yourself at since thirteen centers ko na ito ay pang thirteenth time ko na din nagawa iyon, actually kabisado ko na nga eh ang sasabihin ko kaya naman wala kong kahirap hirap na nagpakilala mabuti na lang at hindi kailangan pumunta sa harapan dahil medyo takot talaga akong magsalita sa harap.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon