Chapter 2

469 17 6
                                    

"Why did you do that? Hindi pa kayo nagkakakilala ni Xavier, 'di ba?" hindi nakasagot si Trix sa tanong ng ate niya. Hindi niya rin alam kung bakit niya ginawa 'yun.


She knew there was a good chance she would see Xavier again in the Philippines, but she didn't anticipate seeing him on the first day of her return. Nabigla siya kaya nablanko ang utak niya. Hindi tuloy siya nakaisip ng gagawin.


"Ipabawi mo nalang kay kuya Axel, ate," singit ni Noah, ang nag-iisang lalake at pinakabata sa kanila. Tumango si Dara at tinext agad ang asawa na siguradong kasama ni Xavier ngayon.


"Saan tayo? Sa bahay nyo ba, Dara?" Lorelei was supposed to ask Trix, but when she saw her expressionless face, she suddenly lost her nerve. Sino bang hindi uurong ang tapang kung sa tingin palang ng pinsan niya, nanginginig na sila?


"Kina lolo raw."


"Huh? Bakit? Hindi ka ba muna magpapahinga, ate Trix?" Si Noah talaga ang laging may lakas ng loob na kausapin ito. Palibhasa halatang gusto siya ni Trix. Siguro dahil siya nga ang pinakabata at pinaka-inosente sa kanila.


"May family meeting sa bahay nina lolo. I need to be there." Natahimik silang lahat.


Family meeting.


If countries need a government to maintain an orderly system, so does the Kim clan. The chairs in the hall—where their family meetings happen—of the mansion of Henry Kim, the current head of the Kim clan, and their grandfather indicate that there are tiers within their family.


Masusukat ang awtoridad mo sa pamilya sa silya na inuupuan mo tuwing may family meeting. Mas malapit kay Henry Kim, mas may boses ka sa pamilya at mas papakinggan ka.


"Shit, nandito na tayo. Kinakabahan ako," bulong ni Yanna. Sinuntok-suntok niya ang sariling dibdib na parang makakabawas 'yun sa kabang nararamdaman niya.


"Ate, ikaw na ang bahala sa 'min, ha?" Yumakap si Noah sa braso ni Trix. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok nito bago naunang pumasok sa mansion ng lolo nila.


"Seinth Bellatrix, apo ko!"


Umatras ang kapatid at mga pinsan niya dahil alam nila na si Trix lang ang sasalubungin ni Henry Kim.


Mahirap kunin ang loob nito pero nagawa pa rin ni Trix. They can't be jealous because they all know what Trix had to go through to gain Henry Kim's favor and get to where she is now. They all believe she deserves it—no, they believe she deserves more.


"Apo ko!" Nakabuka ang mga braso na sinalubong siya ng lolo niya. Ngumiti siya at yumakap dito bago siya nito inakbayan at saka sila naglakad papunta sa hall.


"Do you plan on staying here indefinitely, or will you return to New York?"


"Still undecided, lo. Kayo po, anong gusto niyo?"


Mas lalong lumaki ang ngiti ng matanda. Alam na alam talaga ni Trix kung paano hulihin ang kiliti ng lolo niya.


"Dito ka nalang, apo. Tulungan mo 'ko sa kompanya. Alam mo naman na ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko." Tumango si Trix at tipid na ngumiti sa matanda.


Henry took his hand off his granddaughter's shoulder when they reached the big hall door. The friendly aura he exuded when talking to his granddaughter was gone and replaced by an emotionless expression. Wala nang kangiti-ngiti sa mukha niya.


At ganun din si Bellatrix. If her eyes were cold earlier, they are now colder and more fierce, as if they could stab anyone. Her aura screams fortitude and authority. She's like a vixen preparing for a battle in which she'll devour any prey she comes across.


Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now