Chapter 3

495 14 9
                                    

"Who?" Nagsalubong ang mga kilay ni Henry nang marinig niya na may dumating para makausap sila ng anak niya.


"Sylvester Xavier Suarez, sir," sagot ng majordomo niya.


"That asshole! He has the audacity to show his face in my presence after rejecting my proposal? Who does he think he is, turning down my granddaughter?! Let me see that jerk!"


The butler led the way for Henry and Alex to where he had told Xavier to wait. Pinakalma ng matanda ang sarili at tumikhim bago pumasok sa reception room ng bahay niya kung saan niya naabutang nakatayo ang binata.


Gustong gusto niyang batuhin ng baston ang binata pero hindi niya pa rin pwedeng kalimutan na isa itong Suarez. Walang mabuting maidudulot sa kaniya at sa mga Kim kung makakaaway niya ang tagapagmana ng pamilya ng mga Suarez.


"Sit down, hijo." Tinuro ng matanda ang sofa na nasa harap nito. Umupo agad si Xavier bago pinagmasdan ang dalawang lalake sa harap niya na walang kaemo-emosyon ang mga mukha.


Ang totoo, nagngingitngit na sa galit ang matanda. Hindi niya makakalimutan kung paano pinagkibit balikat ni Xavier ang proposal niya na parang wala lang ang pangalang Seinth Bellatrix.


"You told me once that you always pay what you owe." Tumaas agad ang kilay ni Alex dahil sa narinig sa kaniya. "Nabanggit din sa 'kin ni daddy na hindi kayo nakakatulog nang mahimbing kapag may utang na loob kayo sa isang tao."


Pinagmasdan ng mag-ama ang binata, hindi pinapansin ang mga sinasabi nito. Kung kaya lang nilang mag-usap sa isip, siguradong binabatikos na nila si Xavier.


Hindi maitatanggi na magandang lalake ang binata pero para sa kanila, hindi pa rin ito sapat para kay Bellatrix. Nagsisisi na si Henry kung bakit ba pumasok pa sa utak niya na ipagkasundo ang apo sa lalakeng 'to.


"I know you haven't forgotten, but I'll remind you once more that I helped you recover an heirloom stolen from your family, and you promised that as compensation, you are willing to give whatever I ask of you. Tama po, 'di ba?"


Napalunok si Xavier nang mapansin na tumalim ang mga mata ni Henry Kim pero desidido na siya. Hindi siya pwedeng umatras lalo na't nasa harap na siya ng mga ito.


"Gusto ko pong hingiin ang kamay ng anak niyong si Trix. Gusto kong ituloy niyo na ipagkasundo ako sa kanya."


Nabalot ng katahimikan ang buong silid kaya mas lalong kinabahan si Xavier.


"Bibigyan kita ng tatlong segundo para bawiin lahat ng sinabi mo," mahina ngunit may pagbabantang wika ng matanda.


"Hindi ko p--"


"Isa."


"Seryos--"


"Dalawa."


"Pero sigurado na p--"


"Alexander, kunin mo ang shotgun ko!" nanlaki ang mga mata ni Xavier. Akala niya nananakot lang ang matanda pero tumayo nga ang tito Alex niya at kumuha ng baril.


"Ngayon, bibigyan naman kita ng tatlong segundo para umalis sa harap ko."


Hindi kumibo si Xavier. Sa oras na 'to, alam niyang hindi na nagbibiro ang matanda pero wala pa rin siyang balak umatras.


Lalo na ngayon na nakita niya na ulit ang babaeng matagal nang bumabaliw sa kaniya.


"Isa." tinutok ni Henry ang baril sa kaniya pero walang mababakas na takot sa mukha ng binata.


Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now