Chapter 3 : Tulad ng dati

293K 8K 815
                                    

Chapter 3 : Tulad ng dati

<AN>
PLUG KO MUNA YUNG ISA KONG STORY: MY BUKO GIRL <3 (abra and janica story) basahin niyo din po :)


--

Naka upo na naman ako sa tambayan ko. San pa ba? hehe.

Nag di-drawing kasi ako para sa art subject namin, Fine Arts kasi yung course ko pati si renz. Kaya artist ang peg ko ngayon.. nakaka distract nga eh, nakikita ko kasi si miggy nag lalaro ng soccer pero maya maya aalis na din naman siya kasi may class pa siya sa Rizal, psychology yung course na kinuha niya. Hayss.. sabi nila nababasa daw ng mga psychologist yung nasa isip mo, eh bakit hindi niya makita na mahal ko siya? haha.

Nakita ko si miggy may kausap sa phone tapos nag mamadaling umalis, tekaaa! ano kayang nangyare?

Kinuha ko yung gamit ko tapos sinundan ko siya. Nakita ko siya palabas ng back gate, sinundan ko siya tapos pinigilan ko siya.

"san ka pupunta?"

"ano bang paki alam mo?" may paki alam ako kasi mahal kita.

"may klase ka pa di ba? san ka pupunta?"

"bakit ka ba nakiki alam sakin? tska bakit alam mo kung nasan dapat ako, stalker ba kita?" natigilan ako saglit sa sinabi niya. Naalala ko kasi yung una kaming mag kita eh, tinanong ko siya kung stalker ko ba siya.. haha!

"hoy miss arevalo, nakakalimutan muna yata na dahil sayo kaya ako na principals office, at pinapatawag nila yung parents ko, alam mo bang mababawasan yung allowance ko sa ginawa mo ha?"

"hoy ikaw! dapat nga mag pasalamat ka pa sakin eh, dahil nag mala sakit pa ko sayo kanina at ginising kita, kaso sino kaya tong tanga na isinigaw sa classroom na natutulog sya? pati bakit mo alam pangalan ko? stalker ba kita?" tumawa siya ng malakas, lakas ata ng topak neto eh, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"ako stalker mo? ano ka chix? haha."

"oo hindi ako chix, hindi ako sisiw, tao ako, ikaw halimaw ka! pwede ba uuwi na ako."



"ewan ko sayo! aalis na ko" natauhan ako nung nag salita siya. San ba kasi siya pupunta?

"uy teka sasama ako!" huminto siya tapos humarap siya sakin.

"bakit? pupunta akong away, baka mapapano ka pa, malilintakan pa ko kay master ace eh! tsk." away? baliw na ba siya? ganyan ba siya dati? gangster mahilig makipag away, tsk dati nung kami ayaw niyang nakikita ko siyang nakikipag basag ulo.

"ano?! nababaliw ka na ba? sasama ako!"

"AMP! bahala ka nga! leche.." halatang badtrip siya, siguro nakukulitan siya sakin. Nagulat ng din ako sa sarili ko eh, sa tagal tagal ng panahon ngayon lang ako nag kalakas ng loob na kausapin siya ng ganito.

Naglakad lang kami, grabe layo ng nilakad namin ah, andito kami sa tapat ng computer shop, yung computer shop na pinag dalhan niya sakin dati. Buhay pa pala to? sabagay madami kasing nag lalaro pero ang nakaka gulat, madaming tao sa labas, mukhang mga gangster eh, tapos andun si kenneth, yung ka team ni miggy. Kinabahan tuloy ako.

"eto na pala si miggy eh.. aba at kasama pa yung chix niya.." napalingon sila samin pati si kenneth. Mukhang nagulat siya na kasama ako ni miggy.

"miggy bakit mo pa sinama si tin? baka mapano pa siya eh.."

"makulit eh, hayaan mo siya.." napakamot na lang ng ulo si kenneth.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon