Chapter 28: Tin-Miggy forever

254K 7.4K 1.5K
                                    

Chapter 28: Tin-Miggy forever

MIGGY POV

Alam kong tama tong gagawin ko, masasaktan ko si Mina pero kung hindi ako makikipag break sakanya ngayon mas masasaktan ko lang siya.

"Hi babe? kanina ka pa?" hinawakan niya agad yung kamay ko.

"Hindi ngayon lang, pwede ba tayong mag usap?" binitawan niya yung kamay ko, mukhang nag alala siya bigla sa sinabi ko.

"About saan? may problema ba?"

"May gusto lang akong sabihin, tara?" hinila ko agad siya papunta sa gilid ng field. Maganda dito walang msyadong tao.

"Ano ba yun babe?" huminga muna ako ng malalim, natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

"Mina, maganda ka. Mabait, sweet tska understanding. Hindi ganun kahirap mag kagusto sayo.." pinutol niya yung sasabihin ko.

"Makikipag break ka ba?" hindi ako mkatingin sakanya, hindi ko alam kung paano to sasabihin ng maayos.

"Sorry Mina.."

"Bakit Miggy? wala naman akong ginawang kasalanan sayo di ba? Hindi naman ako nag kulang sayo. Kung mag kulang man ako sabihin mo lang gagawin ko lahat para hindi mo ko iwan." hinawakan niya yung kamay ko, umiiyak na siya. Amp talaga! ayoko ng ganito eh.

"Hindi ikaw yung may kasalanan, ako. Sorry Mina pero hindi ka nag kulang sakin, ako lang talaga yung may problema." binitawan niya yung kamay ko. Tumayo siya, galit na galit yung mukha niya.

"Si Cristin ba yung dahilan?!"

"Oo siya, kasi na realize ko na mahal ko pa din pala siya. Kasalanan ko to Mina, patawarin mo ko. Hindi ko gustong saktan ka." nilapitan ko siya.

"Hindi mo ko gustong saktan pero ano tong ginagawa mo?! sinasaktan mo na mo Miggy! Ginawa mo lang akong panakip butas tapos ano? itatapon mo na ko ngayon kasi nalaman mong mahal ka pa din niya?"

Oo alam ko kasalanan ko to. Tama naman si Mina eh, ginawa ko siyang panakip butas. Akala ko makakalimutan ko si Tin kapag naging girlfriend ko siya. Kaso hindi eh, hindi pala. Hindi ko na alam yung gagawin ko ngayon. Ayoko talaga siyang saktan pero mas sasaktan ko siya kung hindi ako makikipag hiwalay. Kung pwede ko lang sanang ibalik yung dati..

"Patawarin mo ko Mina pero mas makakabuti to para sating dalawa.." pinunasan niya yung luha sa mata niya. Tinignan niya ko na para bang kinakamuhiaan niya ko.

"Para sayo lang to Miggy! Para sayo lang!"

"Sige sampalin mo ko, saktan mo ko, gawin mo lahat sakin para naman mawala yung galit mo. I know I deserve it." Sinamapal niya nga ko. Alam ko gusto niya pa kong sampalin ulit pero pinipigilan lang niya yung sarili niya.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon