"Ugh. Ang sakit ng ulo ko." sambit ko habang marahan na pinupukpok ang aking noo.
"Bakit ka pa kasi pumasok?" rinig kong sabi ng boss ko kahit nasa office siya at nasa counter ako.
Bakit pa nga ba ako pumasok? Ah oo. Hindi naman kasalanan ng mga kasamahan ko dito sa Watson's kung uminom ako ng malala kahapon kaya ako may hang-over. So bakit ko sila idadamay?
My motto is "inom with responsibility".
Umupo muna ako dahil wala pa namang customer. Lunch time kasi at karamihan ng mga tao ay nasa food court. Wala rin akong ganang kumain. Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko at nakita ko ang bagong cashier na may inabot sa akin.
Ibuprofen.
Pataray akong tumingin sa baguhan. Aba newbie ka pa lang attitude ka na?
"Mukhang kailangan niyo po kasi Ma'am Lav." Okaaaay. Bakit ba ako naiinis eh concerned lang naman siya. Pero mukha ba talagang kailangan ko ng gamot? May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig. Pumunta siya sa loob ng quarters. Siguro ay iihi. Binalik ko ang tingin sa counter at nagulat ako nang may nakitang nakasimangot sa harapan ko.
"Pu...please tell me what you need Sir."
Sheeet. Muntik na akong magmura. Buti na lang mabilis ako mag-isip. Eh kasi naman bakit ganito itsura ng nasa harap ko. Mukhang sinalo lahat ng sama ng loob. Pogi naman siya kaso parang sobrang bad trip.
Oo pogi siya. I know how to appreciate beauty no.
"I need a digital thermometer right now." he said.
Hmm... may lagnat siguro. Mukhang di lang ako masakit ang ulo today. Uminom kaya siya? Hahahaha.
Dali dali kong kinuha ang box ng digital thermometer at inabot sa kaniya.
"Php 173.00 po sir." I said. He stashed some cash on top of the counter and immediately left with the box.
"Sir, resibo at sukli niyo po!" I called.
Sinenyasan ako ni Manong Guard na umalis na yung bugnutin na guy.
Hindi naman ako nagrereklamo dahil akin na ang sukli haha. Baka nagandahan siya sa akin kaya nag-abot ng tip. Mukha naman siyang may pera atsaka barya lang tip niya sa akin no! Inabot ko 'yung mainit na sabaw na nilagay ko sa loob ng aquaflask ko at sinilip ulit ang resibo.
Pink Check.
Kinusot ko yung mata ko. Malala ata talaga hang over ko kung anu-ano nababasa ko.
Pink Check.
Napalunok ako at binasa ang kasunod na mga letra.
Pregnancy Ovulation Test.
Pregnancy Ovulation Test.
Pregnancy Ovulation Test.
Pregnancy Ovulation Test.
PUTANGINA????
Lagot ako nito. Tahimik akong napatili at hinampas ang counter top.
♡ ♡ ♡

BINABASA MO ANG
Make It Ours
FanfictionMake It Ours is a collection of AU stories made by yours truly. Relive the feeling of love and the butterflies (and pain) that comes with it.