Lav #2

1 0 0
                                    


Para akong tangang dumudungaw sa paligid ko. Isang linggo na ang nakakaraan pero hindi naman bumalik si kuyang scary.  Natatakot ako dahil ang  pogi na nakasimangot ay isang dangerous combination.


Not to mention I handed him a PinkCheck. 


Sa totoo lang, one week na rin akong hindi nakakatulog. I'm afraid that he'll show up one day inside the store and embarrass the hell out of me. I deserve it din naman haist. Bakit ba kasi ang tanga ko? 


Dapat ata ang bago kong life quote ay "Huwag pumasok kung nakainom". 


Today is an ordinary one. Bahagyang umaambon kaya nilabas ko ang payong na bitbit ko. Malapit na ako sa SM Trece nang may napansin ako sa kalayuan. 


Isang lalaking naka-leather jacket,  bucket hat at pants. Meron siyang belt bag. He looks eerily familiar. 


Bigla akong kinabahan. 


Dali-dali akong tumakbo. Napansin kong nagrereklamo ang mga nasa harap ko pero wala akong pakialam. Ang importante ay mapigilan ko ang lalaking iyon. 


Hindi pwedeng mauna siya sa Watson's. No, scratch that. Hindi siya pwedeng makapunta ng Watson's. 


I ignored my difficulty in breathing because of me running profusely. Sa bilis ko nahigit ko ang jacket niya. Konting dipa na lang nasa entrance na siya ng SM. 


"What the fuck." bulong niya. Marahas niyang tinanggal ang pagkapit ko at tinanggal ang black sun glass na suot niya. 


"You." he said spitefully. 


"Yes, me". Aba magaling din ako mag-english. 


Tinalikuran niya ako at akmang pupunta ng entrance ng SM. I dashed in front of him. 


"Hep hep! Bawal kang pumasok." 


"Says who?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa atsaka biglang ngumiti. " Ah, so you have an idea of what I'm going to do? It took me days because I considered your packing time." 


"Packing time?" tanong ko. Kainis ang tinis ng boses ko.


"Yeah. The amount of time you'll spend while packing your things from the office because today, I'll file a complaint against you. You jeopardized my life because of your recklessness." 


Napalunok ako. Ipapa-fire niya ako? Napatingin ako sa suot niya. Burberry, Dolce & Gabanna at malay ko ba kung branded din ang brief niya. Anong laban ng isang tulad ko sa kaniya eh sa LV ng Shopee nga lang afford ko? 


I cleared my throat before answering. "I understand that what I did is wrong but I disagree that I harmed you. I just handed out the wrong product, that's all." 


Bigla siyang lumapit sa akin. Napaatras ako. Nakakatakot siya parang sasakmalin niya ako. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make It OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon