"Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag." - Kartilya
Hindi ko namalayan na nasa opisina na kami ni Mr. Lacsamana. Kasama ko sa silid ay sina Sir Aga, Deo at Karla. Kinwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, at masinsin naman silang nakinig.
"Ms. Co," tawag sa akin ni Mr. Lacsamana.
"S-sir?" Nauutal kong sagot.
"Naiintindihan kong nabigla ka pa rin sa iyong mga nakita. Hayaan mo akong magpaliwanag."
Nakinig lang ako.
"Ako ang pinuno ng NAKAR. Samahan, organisasyon, secret service - you may call it whatever you want. Ang kaibahan lang namin sa mga grupo tulad ng PNP, PMA, FBI, SOCO atbp., bukod sa hindi kami nasa pamumuno ng gobyerno, ay may dugong Tilakdan ang iba sa mga miyembro."
"Tilakdan?" Parang ngayon ko lang narinig iyon.
"Isa akong Tilakdan, pati na ang anak kong si Deo. Ang Tilakdan ay isang sinaunang katutubong pangkat, panahon pa ni Lapu-Lapu. Bagama't sila ay mortal 'ding tao, may kapangyarihan silang taglay. Ang mga Tilakdan na katulad namin ay hindi na kasinlakas dahil nahaluan na kami ng dugo ng purong tao. Nonetheless, nandito pa rin kami dahil sa minana naming tungkulin."
"Sir, mawalang galang na po. Pwede po ba akong magtanong?"
Nakakabigla man ang lahat ng aking nalaman, gusto kong maging malinaw ang lahat ng impormasyon bago ko ito tuluyang i-take in.
"Alam niyo naman po siguro na History at Filipino ang tinuturo ko. Halos anim na taon po ako sa college, at iginapang ko ang lahat lalo na ang mga courses ko sa Kasaysayan. Pero ni isang beses hindi ko po narinig ang tungkol sa mga Tilakdan. Anong significant contribution nila sa kasaysayan? Bakit hindi sila naitala? Why does NAKAR - kung anuman ito - exists?"
"Sorry for the information overload," natatawa niyang sagot. "Must be hard to process all of them. But I'll try my best para mabigyan ka ng general understanding of why things happened."
"Here we go again," bulong ni Deo.
"Ilang beses mo nang narinig 'to?" tanong ni Karla.
"Don't ask."
"Ang mga Tilakdan ay hindi naitala sa kasaysayan dahil hindi nila nais makilala bilang iba sa karamihan. Nakihalibulo sila tulad ng normal na tao na siya namang hindi mahirap. Mahirap ding umasa sa kasaysayan na hindi naman tayong mismong Pilipino ang nagsulat hindi ba?" panimula niya.
"Pantayong pananaw, Sir. Nakakalungkot lang na karamihan sa materyales na ginagamit sa mga paaralan ngayon ay hindi gumagamit ng pantayong pananaw. History as written by our conquerors, not us."
Isa iyon sa mga frustrations ko bilang history student noon. Bakit hindi accessible ang mga orihinal na tala ng kasaysayan na sinulat mismo ng mga Pilipino? Bakit hindi ginagawang main reference ang mga ito? Imbes, bakit mas maraming naka-depende sa mga Hispanic at American chroniclers?
Iyon ang challenge sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi ko tinatapon ang mga papers, readings at theses (I had more than one) ko nung college. Halos doon naka-depende ang lesson plan ko at hindi sa kung anumang text book.
"Totoo. Kaya nga ayon sa kasaysayan, natalo ni Lapu-Lapu si Magellan dahil outnumbered sila. It may be true, but the truth is they just really sucked." natatawang sabi ni Mr. Lacsamana.
"Yes, they have better weaponry, and it's such a shame na hindi nila nagamit ang advantage na iyon. Hindi nila nagamit ang mga kanyon gawa ng hindi sila makadaong. Naubos ang mga bala ng baril nila bago pa mag-climax ang laban. Ang hindi nila alam ay natalo sila dahil ang ibang tauhan ni Lapu-Lapu ay mga Tilakdan. Ginamit nila ang mga elemento ng tubig at lupa na nasa paligid upang mapunta si Magellan sa disadvantage. Ang mga Tilakdan ang gumawa ng balakid sa karagatan pa lamang, at ang mga nasasayang na bala ay hinihigop ng lupa. Nang naging labanan na ito ng espada, wala silang kalaban-laban sa mga lipon na magagaling na mandirigma ng Mactan."
BINABASA MO ANG
Hiyas ng Katipunan (Digma Series Book 1)
Ficción GeneralSimpleng buhay lamang ang gusto ni Ami - ang kumain, matulog at kumita. Idagdag na rin ang pagtuturo ng Filipino at Kasaysayan ng Pilipinas. Isang araw ay makikita niya ang sariling tadhana na nakapulupot sa kumplikadong buhay ni Aga. Ang mundo niya...