CHAPTER ONE

71 43 11
                                    


"Miss Santin! Nakikinig ka ba!" sigaw ng panot naming guro na may hawak pang marker na nakatutok sakin.

"Yes sir!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Kung ganon! Ano ang conclusion mo sa topic natin?"

Hayan nanaman yung conclusion na yan.

"Tatakbo lamang ng maayos ang ekonomiya kung lahat ng export natin ay maayos maipapadala sa karatig bansa at kung husto ang binibigay sa magsasaka. Maari ring aayos pa ito kung walang kurap na gobyerno,hindi rin natin masisi ang mga taong nag-iimbak o nag-iipon ng salapi mga barya kumbaga dahil alam nilang sa bawat oras ay may trabaho ba sila. Kung aayusin lang sana ang pagpapatakbo ng mga namumuno ay hindi maghihirap ang bansa natin. Ang ekonomiya ay ang sariling mamamayan."

Iyon lamang ang sinagot ko at umupo na ako.
Nakakasawa na ang ganitong ganap na laging ako ang tinatawag kapag nasa konklusyon na siya. Nagbulungan ang mga kaklase ko at nagtatawanan pa ang iba.

"Magaling! Dismiss!" iyon lang ang tanging sinabi niya at lumabas na ng classroom.

"Iba ka talaga Rocky! Pahiya nanaman si Sir. Conclusion!"

Nagtawanan lahat at kanya-kanyang kuha ng gamit.
Kinuha ko na din ang bag ko at lumabas. Matino akong mag-aaral utak ko lang ang hindi.

"Rocky!" ayan na ang baliw.

Hinanap ko ang babaeng tumawag sa akin.

"Dito sa baba shunga!"

Tsk na- shunga pa ako.
Siya si Edelene ang kaisa-isang kaibigan ko. Pareho kami ng pinapasukang unibersidad pero magkaiba ng kurso. She's taking Accounting habang ako ay pagiging guro. Nasa huling taon na kami ng pag-aaral, we're close to our dream.

Bumaba ako at sinalubong naman agad ako ng bruha.

"Sa bahay ka na daw mag-dinner sabi ni Mom."

"Night shift ako sa convenience store." sagot ko.

"Huwag ka na munang pumasok ngayon,inaasahan ka ni Mommy. Kapag wala ka itatakwil ako non!"

"O di itakwil ka lang!"

"Ang sama mo talaga sa akin no!"

"Kaylan ba ako naging mabuti sayo?"

"Oo nga no kaylan nga ba?" Nag-isip pa ang bruha.

Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. Hindi ko rin kase kayang tanggihan si Tita Eve. Nakilala ko sila nung namasukan si Inay bilang labandera dalawang taon na ang nakalipas. Mabait ang pamilya nila dahil tinuring kaming pamilya.

Lulan ng sasakyan nila Edelene na sumusundo sa kanya ay binagtas namin ang daan pauwi sa kanila. Nadaanan namin ang convenience store kung saan ako nagtatrabaho. Nakapagpaalam naman ako sa manager.

"Rocky alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong ng bruha sakin.

"Lunes malamang!" pabalang na sagot ko.

"Kahit kaylan hindi ka makausap ng matino!"

"Bakit kinakausap mo ba ako ng matino? Sabunutan kita diyan eh!"

Dahil nasa tabi siya ng driver sa harapan at ako naman at nasa backseat,kita ko kung paano niya itinaas ang kanyang kamao at pinalabas ang gitnang bahagi ng daliri niya.Dali ko namang kinuhanan iyon ng litrato at sinend sa kanya.

Wala pang ilang minuto ay nagsisigaw ito.

"Ahhhhhhhh!! Wag mong ipapakita yan kay Mommy! Sasabunutan talaga kita!"

"Sino ba kasing may sabing gawin mo yun."

Tatawa tawa ako habang winawagayway ko ang hawak kung selpon. We're already old enough pero asal bata pa rin kami kung minsan lalo na kung kami lang ang magkasama.

Rocky  Raketera ( Completed)Where stories live. Discover now