CHAPTER FOUR

40 36 3
                                    

"FINAL EXAM na naman!"

Nagkakagulo nanaman tong mga kaklase kung may allergy sa exam.

"Kaya yan! Kay Rocky nagtiwala!" pangalan ko nanaman! Jusmeyo!

After three months of battling the quizzes, activities and so on. Ay ito ang kinakatakutan ng lahat,the final exam.

"Bukas natin uumpisahan ang review,pero kaninong bahay?" tanong ko sa kanila.

"Sa bahay nalang! Kasya tayong lahat sa study room namin!" pabor ang lahat sa sinabi ni Arjay. Si Arjay ang pinaka-mayaman dito sa klase.

"Sagot ko na ang in can na softdrinks!"

"Ako naman sa snacks!"

"Sagot ko na mga foods! Papadeleiver nalang tayo."

Kanya kanya na silang ambag. Sa klase ang maiya-ambag ko lang ay ang taglay kung talino. We're doing this for years now. Semi to Final ay may review kaming ginagawa. Libreng tutor ko na din ito.

"Paalala! Walang magdadala ng boyfriend/girlfriend !" paalala ko sa kanila.

"Ang bitter naman ni Rocky!" sumbat ni Stacey.

Hindi ako bitter,dahil noong nakaraang taon ay muntik ng bumagsak lahat ng may kasamang kasintahan noon.

"Remember last year? Kung hindi pa tayo nag roll call sa review ay tiyak na third year ang ilan sa atin ulit." sumbat ko naman sa kanila.

Katahimikan ang namayani pagkatapos kung nasabi iyon.

"Isang semester nalang ay makakapagtapos na tayo,alam kung may kaya kayong lahat pero sayang naman ang pera kung mag-uulit kayo. Hindi ba't ang sabi niyo'y kaylangan nating patunayan na ang kurso natin ay hindi lang basta basta na kurso? Puwes! Patunayan natin iyon sa kanila."

Nagsitayuan sila at bigla na lamang nag slow clap. May parang maiiyak pa,ang iba naman ay nagyayakapan. Jusme!

"Si Rocky talaga ang pag-asa nating lahat guys!"

"Patatayuan kita ng rebulto kapag lahat tayo pasado!" dugtong pa ng isang asungot.

Matalino silang lahat kaya lang ay mga tamad.
Kung hindi mo papaluin ay hindi gagalaw, paano pa kaya kapag naging practice teacher kami? Sana naman at ayusin nila.

Nangako ako kay Dean na lahat sa amin ay makakapasa.

Ang tungkol naman sa University Pageant ay pagkatapos ng final exam. Handa na lahat ng susuotin, ako nalang ang hindi. Nangako sina Tita  Fercy na dadalo raw sila kasama ni Niki at Kuya Dan. Masaya ako dahil ipinaranas nila sa akin ang isang buong pamilya maliban sa kanila Tita Eve.

Pagkawala kase ni Mama ay sina Tita Eve muna ang sumuporta sakin bago ako napadpad sa Apartment kung saan inabutan ko ang mga tumuring na ikatlong pamilya ko. Wala din naman akong matakbuhan noon dahil hindi ko naman kilala kung sino ang pamilya ni Mama,basta ang sabi niya lang ay naglayas siya noon at hindi na bumalik pa sa kanila. Wala akong nakilala sa pamilya ko ni isa. Ang masakit ay hindi pa nakilala ni Mama kung sino ang nakabuntis sa kanya noon.

Mom work as a waitress at a club when she's 17 at doon naman na siya nabuntis. My mother was drug that time ,iyon ang kwento niya. Nagising na lang siya sa isang VIP room ng club na pinagtatrabahuan niya. Hindi niya daw matandaan lahat ng nangyari.

Kahit pa biglaan ang pagdating ko kay Mama ay hindi niya naisipang ipalaglag ako. My mom said "'hindi ko man alam kung kanino ka,hindi man kita mabigyan ng pamilya,hindi ko man maipaalam sa iyo kung sino ang iyong ama. Hindi kita hiniling pero dumating ka at ang pagdating mo sa buhay ko ay isang kasiyahan para sa akin. Kung mauulit man ang panahon, pipiliin kung ibigay ka ulit sa akin kahit pa sa ganoong paraan. Mahal kita at patuloy na mamahalin pa kita anak ko.'"

"What a cry baby" dinig kung sabi nang kung sino na nasa tabi ko. Paglingon ko'y si Kiefer lang pala.

Hindi ko man lang namalayang umiiyak na pala ako habang inaalala ang nakaraan.

"Pano ka nakapasok dito?" sumisinghot pa na tanong ko.

"Sa pinto niyo,nakabukas eh!" Sarkastiko niyang tugon.

"AHHHHHHHHHHH!!!!" sigaw na galing sa kanya ng hinawakan ko siya sa tainga at hinila palabas ng silid aralan.

"Woooohh! Kiefer lang nasaktan!"

"Kiefer lang ang basted!"

"Kiefer lang ang laging umaasa!" sunod sunod na sigaw ng mga kaklase ko. Ang ilan ay nagtatawanan dahil sa nakikita.

Hawak parin ang tainga niya at dali dali ko siya tinulak palabas " masakit Rockyyyyy!!" ungot niya.

"Malamang napipingot ka eh,gusto mo sabunutan pa kita!" Sarkastiko kung tugon.

"Napakasungit mo lage!" Ika nito ng nasa labas na kami.

Inirapan ko siya. "Pake mo! Lumayas ka sa building namin! Outsiders not allowed here! Specially when it's  Alien like you!"

Nagtawanan ang mga estudyateng nasa hallway na  naglalakad.

"Isa na naman pong lalaki ang nasaktan!" pagdadrama ng isa sa mga lalaking napadaan lang.

"Aasawahin kita! Tandaan mo yan! Mahuhulog ka rin sa akin Rocky!" ika niya na nakangiti.

Dahil sa badtrip ko'y naging sarkastiko nanaman ang sagot ko. "Hindi ka hagdan,puno o kanal man para mahulog ako sayo! Bumalik ka nalang sa klase mo at doon maghasik ng kahanginan mo!"

Sabay namang napa "ohhhhhh" lahat ng tao sa paligid.

"Nilalamig na ako! Ayuko sa aircon!" dugtong ko at pumasok na sa loob ng classroom. Pero ang loko ay may pahabol pa. "Mapapasakin ka rin! Magtatapos lang ako at babalikan kita! Engineer yata to pangarap ng lahat,pero ako ikaw lang pangarap ko. Hindi kita guguluhin pero pagkatapos ng school year na ito at ganap na tayong lahat sa propesyon, babalikan kita! At hindi na ako papayag na ibully mo lang! Mark my words Rocky!"

Umani ng palakpak at 'ohhhh' ang mga binitawan niyang salita. Umalis na ang loko at nagsibalikan na sa ginawa ang mga studyante.

Kiefer Lozano was my suitor since third year. Gwapo siya as in gwapo talaga,wala akong masabi sa hitsura niya. He's good at school too one of the dean's list and son of former governor. Ang isang problema lang sa kanya ay lakas ng bilib sa sarili,aircon! mahangin kung tatawagin.

Madali lang siyang gustuhin pero syempre wala pa akong balak sa ngayon. Kaylangan ko munang makapagtapos ng Pag-aaral. Kung tutuparin niya ang mga binitawan niyang salita ay may tyansa siya para sa akin.

PALABAS NA ako ng gate nang sumulpot na naman ang kabuti.

"Balita ko naging instant celebrity ka na naman kanina ah!"

"Chismis pa Edelene" sagot ko.

"Namo talaga! Porke isang Kiefer lang ang nagkakagusto sayo eh may gana kanang sabihan ako ng chismosa!"

"Bakit hindi ba?" Ngumisi ako ng nakakaloko at isang malutong na mura naman ang natanggap ko.

"Mauna na ako may lakad ako ngayon"

Bumuntonghininga siya. "Isa na naman sa raket mo?" tanong niya.

"Oo kaya wala ng maraming tanong" sagot ko.

"Magi-ingat ka,tawagan mo ako at ipaalam kung saan man yan! I need to updated Mom and Dad."

"Oo na! Una na ako!" Naglakad ako at kumaway sa kanya by lang paalam..

SOMEONE'S POV...

Kung ganon lang kadali sanang sabihin ang lahat sa iyo ay hindi ka na daranas pa ng ganyan.

Naglakad ang babae at pumasok na sa sasakyan. May inilabas itong litrato at masayang tinignan lang ito.

"Hoping that I can tell you the truth sissy. It's not my job to tell you, so hanggat kaya ko ay ipaparanas ko na hindi ka nag-iisa sa buhay."

________________________________________________________
Typography and Error.
Kamsaheyo ♥️

Dedicated to : KpzyNanaTaya
Thank you for the votes🙈💕

Rocky  Raketera ( Completed)Where stories live. Discover now