CHAPTER SIX

35 36 1
                                    


"LET'S NOW CONTINUE! DITO NATIN MAKIKITA KUNG GAANO NGA BA KAGALING ANG STUDYANTE NG LIVINGSTONE UNIVERSITY!" nagpalakpakan ang mga tao sa paligid habang ang iba ay humiyaw pa. Hindi naman ako kabado,pero nahihiya lang ako. Hindi rin nila sinabi na may talent portion pa ito. Question and Answer is okay with me,pero sa talent ay big NO

May talent ako pero nahihiya ako,kay Mama ko lang kayang ipakita yun.

"Let's call our first contestant from our freshmen! Wow! Look how lovely she is!"

Nakikita ko ang kompyansa sa sarili ng mga freshmen students. Naghiyawan naman ang batchmate nila 'go for the win yan!' 'laban freshmen'.

Both of the freshmen candidates answered it smoothly. Next was second year level,parang sisiw lang din kung sumagot sila. Ang third year candidates naman ay dinaan sa pagkaway at paswing-swing ng buhok ang sagot. Alexon have point on her answer not like her sister.

"Every woman should be confident on they're self! No matter what is their skin color,fair or not,curly hair or straight ! stan straight look at the people who always drag you and tell them! I am the masterpiece of God! You don't have right to insult who I am!"

Kita mo kung gaano ka-proud ang studyante ng third year level sa sagot na binitawan ni Alexon. Even his father clapping and you can see thru his face how proud he is.

"That was so so so good motivation to those who lost of confidence! Good answer!" Ika ng MC

"Let's now proceed to our senior batch!" Iyon pa lang ang sinasabi ay dumagundong ang ingay na galing sa nanunuod.

"MARRY ME EDELENE!"

"SAGUTIN MO NA AKO ROCKY!"

"IUWI MO ANG KORONA EDELENE!"

Iyan ang rinig mo mula sa kanila.
The crowd was so horrible and wild to see.

"OKAY! STUDENTS KALMAHAN LANG NATIN!" pagpipigil sa kanila ni Mr. MC.

Hindi pa rin natigil sa pagsigaw ang studyante at tinaas ko ang aking kamay na sinasabihang tumahimik na muna sila. Bigla namang nanahimik na akala mo'y may dumaang anghel.

I heard Edelene laugh. 'ikaw na ang reyna' senyas nito sakin.

"Very good students! Ngayon naman let's see kung gaano nga ba katalino ang senior students ng unibersidad na ito. I'm calling candidates number 7 Ms. Edelene Ibarra! Please come forward."

Kumaway ang bruha na akala mo'y siya ang panalo.
Napuno nanaman ang sigawan at hiyaw sa buong stadium.

"This question is from our beloved President of the Philippines! Short question but a good one. So here it is!" Binitin pa ng MC ang tanong.

"Kaylan mo dapat ipaglaban ang dignidad mo bilang isang Babae?" Edelene smile and face the crowd.

"Hindi kaylangang bigyan ng oras kung kaylan ko o nating dapat ipaglaban ang dignidad ng isang babae! Sa anong mang oras ay makakaranas ka ng pambabastos galing sa mga tao. You should tighten your dignity every minute so you can protect yourself,from people. Lahat may dignidad babae man o lalaki ang kaylangan mo lang gawin ay kung paano mo mapapanatili ito sa iyong sarili at huwag mong hayaang ikaw mismo ang makasira nito.!"

Maganda ang sagot ni Edelene pero parang nailayo ng konti ang sagot niya,para sa akin. Mabuti nalang ay nabawi niya ito sa huli. Pero halatang mangha parin ang mga tao sa sagot na binitawan niya. We have six judges and I saw them smile.

"MUKHANG NAHIHIRAPAN NA ANG MGA JUDGES NATIN! PERO PARA LALONG MAHIRAPAN SILA AY TAWAGIN NA NATIN ANG HULI SA KANILANG LAHAT! MS. ROCKIELYN SANTIN PLEASE COME FORWARD!" napalakas ata yung MC sa pagtawag sakin .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rocky  Raketera ( Completed)Where stories live. Discover now