Chapter Three

12 1 0
                                    

Christian's POV


Today is the day. Ano kayang magandang suotin? Ano pwedeng dalhin doon? Makikita ko rin kaya yung Mama nya, Papa nya, kapatid nya, o kaya kung sino pang andoon? Kinabahan ako. Nakakabakla na to!


"Ma!" sigaw ko.


"Oh, bakit?"


"Ma, pupunta ako kanila Nathalie ngayon diba?" nakangiting sabi ko sa kanya.


Sya naman hindi makapaniwala. Aish. Sinabi ko na to sa kanya kahapon e. Si Mama talaga kahit kailan. "Sinabi ko na po iyon kahapon sa inyo diba? Saka nagpaalam na rin po ako kay Papa."


"Oh sige. Malaki ka na. Saka alam mo ba pagpunta doon? Paano kung maligaw ka? Pinayagan ka ba ng Papa mo na dalhin yang kotse mo? Saan ka mags-stay? Hay nako, anak. Malaki ang Manila ah. Bumalik ka rito ng buhay."


"Ma, matanda na po ako. At saka alam ko po pagpunta doon. Kanila Amiel po ako mags-stay. Nasabi ko na rin po sa kanila iyon. Saka pinayagan din po ako ni Papa na gamitin yung kotse ko. Saka uuwi po ako rito ng buhay." natatawang sagot ko kay Mama. Ang kulit kasi ni Mama e. Kala mo naman sa giyera ako pupunta.


"Oh eto, ibigay mo sa kanya. Sabihin mo pinaghirapan kong hanapin yan. Saka alam kong magugustuhan nya iyan kasi sabi mo mahilig sya sa mga cute, hindi ba?" sabay abot ni Mama dun sa naka-box na teddy bear. Hay nako. Kahit kailan talaga itong Nanay ko.


"Opo, Ma. Salamat po. Makakarating po ito sa kanya at sasabihin ko na galing sa iyo ito. Una na po ako, Ma." pagpaalam ko.


"O sige. Mag-ingat ka. Itext mo rin kami kapag nakarating ka na roon ah? Ingat."


Hay sa wakas. Nakaalis din. Ang kulit kasi ni Mama. Ang daming paalala. Pero okay na rin. Kasi at least ang Mama ko e ganoon. Na kahit tumanda na ko e may pakialam pa rin sa akin.


Nagulat ako nang bigla nalang mag-ring ang phone ko. Hindi ko na sana sasagutin kasi nagd-drive ako pero nakita kong si Nathalie yung natawag kaya sinagot ko nalang.


(Christian?) bungad nya. Hay. Kung ganito naman ang boses na bubungad sa iyo agad e. Haha.


"Po? Papunta na ko. Chill ka lang jan." natatawang sagot ko.


(Haha. Ang aga naman. Akala ko mga tanghali ka pa aalis jan e.)


"Hindi ah. Ang layo kaya nito kaya kailangan maaga umalis. Sakto lang tong pag-alis ko."


(Haha. Okay. Sabi mo e.)


"Nathalie, mamaya na tayo mag-usap ah? Nagd-drive kasi ako e. Saka di ako makapag-focus kapag kausap kita."


(Hahahahahaha! Ang korni mo talaga kahit kailan, ano? Hahaha. O sige. Mag-ingat ka. Magtext ka nalang kapag malapit ka na.)

Long Distance (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon