Christian's POV
Nakaramdam ako bigla ng pangangawit kaya minulat ko na ang mata ko. Nagulat ako sa pagtingin ko kasi nakapatong na yung ulo ko sa ulo ni Nathalie. Alam nyo yun? Naka-upo kasi sa sofa tapos si Nathalie, yakap nya yung tuhod nya na nakataas sa sofa, at ako naman eh nakasandal na yung ulo ko sa ulo nya. Ah basta ang makaintindi nito e di magaling.
Ang sakit ng leeg ko. Pagtingin ko sa labas ng bahay nila e medyo madilim na. Pero wala pa rin sila Tita saka Ashley. Asan kaya sila nagpunta? Dapat sinama nalang kami e. Ang awkward kaya ng atmosphere naming dalawa rito. Kainis. Tinignan ko yung natutulog na Nathalie pero mukhang nasa dream land pa sya kaya maglilibot muna ako sa bahay nila.
Hoy. Baka isipin nyong magnanakaw ako ah? Hindi no. Wala kasi akong magawa saka sa labas ng bahay ako naglibot ano. May garden kasi sila kaya doon ako pumunta.
Ang dami nilang tanim na bulaklak. Tapos may dalawa ring puno doon na may nakalagay na duyan. Mukhang matanda na yung puno kasi ang laki-laki nito. Ang presko ng hangin dito hindi gaya sa kanila Amiel. Masyadong mausok doon kainis.
Nathalie's POV
Walang tao? Tsk. "Sabi na nga ba at panaginip lang yung pumunta si Christian dito e."
Makapunta na nga lang sa garden. Nakakatamad naman kasi manood e. Wala pa namang music shows e. Pagkasilip ko sa bintana e nagulat ako nang may nakita akong lalaki na nakatayo doon sa may gilid ng garden at nakatingin sa labasan. Shocks! Magnanakaw ba ito? Tinignan ko yung bahay pero wala namang nakuha. Binalik ko ulit yung tingin ko doon sa lalaki, pero hindi ko talaga makita yung mukha nya. Argh! Gusto ko syang lapitan kaya nga lang baka bigla nya akong saktan.
Pumunta akong kusina at kumuha ng sandok para pag lapit ko doon sa lalaki e hahampasin ko sya. Malapit na ako sa kanya at sobra na yung kabang nararamdaman ko.
One, two, three. *puk!*
Alam kong sapat na yung lakas na iyon para mahimatay sya. Pero biglang humarap sakin yung lalaki at laking gulat ko nang makita ko si Christian na nakahawak sa ulo nya. T-teka! Si Christian?! Akala ko ba panaginip lang yung pag punta nya rito?! Kinurot ko yung sarili ko at nandoon pa rin sya. OMG! Hindi pala joke na nandito sya! Ano ba yan!
"Aray ko naman! Ano bang ginawa ko sayo?!" reklamo nya. Shocks. Bakit hindi sya nahimatay? Kainis naman.
"Ah e akala ko kasi magnanakaw? Alam mo na? Hehe."
Napabuntong-hininga nalang sya. Grabe ang sama ko naman. Tsk. E kasi naman e! Akala ko talaga magnanakaw! Ano ba yan! Buti nga sa kanya. *evil laugh* "Hindi ko naman kasi alam na ikaw yan. Saka akala ko panaginip lang yung pumunta ka rito."
Hindi na sya nagsasalita. Oh no! Baka nagalit? O baka noong paghampas ko e hindi na sya makapagsalita sa sobrang sakit? Hindi! Pero nagreklamo pa nga sya sa akin kanina e kaya hindi maaaring hindi na sya nakakapag-salita.
"Ano na naman bang iniisip mo? Nandito lang ako kaya wala ka dapat na isipin pa ah. Pwera nalang kung may iba ka?"
Nakakapag-salita naman pala ito e. Pero ano raw? Ano raw yung last na sinabi nya? "Pwera nalang kung may iba ka?" Wow.
"Actually, may iba naman talaga ako e. Saka mas nauna pa sayo iyon. Teka, tama nga ba? Mas nauna sya sayo? Hmm." panga-asar ko. Pero totoo naman. Si Kim Taehyung! Waaah. Mahal na mahal ko iyon, ano!
"Sinasabi ko na nga ba." biglang lungkot ng tono nya. Drama ng lalaking ito. Pwede na pang-MMK!
"Akala ko ako lang lalaki mo. Mayroon pa palang iba. Sino? Sabihin mo sa akin. Hindi ako magagalit. Okay lang sakin kahit na dalawa kaming naghahati sa puso mo."
Wow ah. Grabe maka-emote itong lalaking ito. Anong nakain nya? May topak ba sya? Hay. Mga lalaki nga naman.
"Hindi mo kilala? Pinakilala ko na sya sayo ah. Saka alam mo, mas gwapo sya sayo. Tapos sikat pa sya. Tapos alam mo ba--" hindi ko nalang natuloy yung mga sasabihin ko nang bigla nya akong kiniss sa lips. Oo, sa lips! Pero saglit lang iyon. Yung smack. Grabe tong lalaking ito ah! Magnanakaw talaga ito! At alam nyo ba?! FIRST KISS KO YUN! Nakakaasar naman talaga!
"Ituloy mo. Sige. Ano? Hahalikan talaga kita jan. Tsk."
"HOY! HINALIKAN MO NA NGA AKO E! ALAM MO? NAKAKAINIS KA! ANO BANG GINAWA KO SA IYO? BAKIT MO BA AKO HINALIKAN? NAKAKAINIS!" sigaw ko. Bwisit na lalaking ito! Nakakainis na talaga! Bakit pa kasi to nandito e. Matino pa ito pag sa phone lang e. Kainis talaga!
"Ako pa? E ikaw kasi. Bakit mo ko pinagseselos? Alam mo namang seloso ako diba?"
"E loko ka pala e. Bakit hindi mo kasi patapusin muna yung mga sasabihin ko? Epal nito. Kainis!"
"Epal na pala ako. Tsk."
"Teka nga, ano bang problema mo sa akin? Nakakainis ka. Bigla-bigla ka nalang nagagalit sa akin?"
"Ako pa ngayon ang may kasalanan? E ikaw nga, may iba ka jan. Tsk."
"Hoy hoy hoy! Para sabihin ko sayo, si Kim Taehyung iyong tinutukoy ko! Yung mahal kong Bangtan Sonyeondan member! Yung alien na gwapo na iyon! Yung napaka-pasaway na idol ang Big Bang na magaling mag fan service. Na mahilig magderp face. Tapos kapag nagseselca e panay blurred na inaantay ko ring magkaroon ng line sa Cypher!" paliwanag ko. Naaasar na talaga ako! Ano ba yan kasi e! Epal to talaga kahit kailan.
Nakita kong hindi makapaniwala yung mukha nya sa mga pinagsasabi ko. Hay. Iyan ang mahirap sa lalaking iyan e. Hindi naniniwala sa akin. Tsk. Bakit ba naging kami nito? Panay init ng ulo ang binigay nito sa akin. Ni hindi nya nga ako mapasaya. Oh well, minsan napapasaya nya ako pero mas marami pa rin ang pangi-inis na binibigay nya sa akin. Gaya ngayon!
BINABASA MO ANG
Long Distance (EDITED)
RomanceLong distance relationship, super hirap talaga nyan pero kung may trust naman kayo sa isa't isa edi mas maganda. Baka tumagal pa ang relasyon nyo. Basta TRUST, yan lang ang kailangan para magkaroon ng isang mabuti at magandang relasyon. Cover made...