Hello! Ako nga pala si Princess Ann Jelet Paderes, 16years old. 1st year college. You can call me Jelet.
Simple lang ako. Kaputian, Mejo chubby pero marami nagsasabi maganda daw ako :)
Lalo na kapag pumayat.
Mahilig din akong kumanta at mejo may hilig naman din yung kanta saken.
Nagiisang babae lang ako sa aming tatlong magkakapatid, at bunso ako.
Syempre spoiled. Madalas akong di nasunod sa utos nila Mame at Dade.
Pero mabait akong anak kung tutuusin, di ako ganung pasaway.
Jelet's POV
----
Ang college life ay sobrang iba sa highschool life. Ibang iba talaga ang mga taong makakasalumuha mo sa loob ng campus.
Dito ko din naramdaman ang magcivillan ng halos tatlong bwan bago mag-uniform.
Kaya napalaban akong pumorma, at madalas eh napapabili pa ako ng bagong damit para lang di umulit. :) Nakakahiya kase pag umulit.
At dito din mabubuo ang mga circle of friends. Kanya-kanyang kaibigan.
May mga magakaibigang ang laging pinag-uusapan eh pagaaral.
May mga magkakaibigan naman na puro pagpapacute lang ang alam.
Madalas pulbo,salamin ang laging hawak at madalas lalake ang topic ng usapan.
at kung babae man, Sigurado ako yun yung karibal nila sa crush nila HAHA
May mga magkakaibigan ding mga walang pakialam sa mundo.
Meron ding mga magkakaibigang laman ng computer shop at puro trashtalk lang ang alam.
Ako? May mga kaibigan din ako at lahat ng nabanggit sa taas. Yan sila. Este Kame pala.
Nakasama ako sa grupo ng TGIS nung una, at nagkalagasan. ayun naging Chopapalu.
Iba't - ibang uri kame ng estudyante pero nagkakaintindihan,masaya at nagkasama-sama.
Sila ang buong may alam tungkol kay "MY COLLEGE CRUSH"