Chapter 7

13 2 0
                                    

Chapter 7

            Dumadaan ang mga araw na mas lalo kaming nagiging malapit ni melvin. Araw araw nya akong hinihintay after ng klase. Araw araw nya kong inihahatid sa sakayan.wala ng araw na hindi kami makikitang magkasama. Minsan naiiwan narin ako ng service dahil sya naman ang hinihintay ko minsan.

“pano ba yan naiwan ka na naman,??”-pag-aalalang tanong ni melvin sa akin habang hawak ang strap ng body bag nya at nakatingin sa akin.

“di ko alam, madami pa naman masasakyan.”- sagot ko sa kanya sabay hawak sa face nya then i smiled.

            Gaya ng dati ipinag-abang nya ko ng masasakyan.sa may tindahan sa tabi ng highway kami naupo at naghintay. \

“mahal kita..at mamahalin pa...”-malambing na sabi nya while holding my hands.

            Simula ng naging kami never nya pang nahawakan ang kamay ko na as in holding hands.siguro dahil din sa naiilang sya sa mga kinikilos ko.

“mahal din naman kita,...wag mo kong sasaktan. Ikaw ang first boyfriend ko, ikaw ang first love ko. Takot akong masaktan.”-mahinang sagot ko sa kanya.then yumuko ako habang nkatingin sa kamay ko na hawak hwak nya

“di kita sasaktan.. “-she smiled

            Nag-smile din ako sa kanya.naktingin kami sa isa’t isa.. di ako nagsasawang titigan ang mga mata nya.. lagi kong naiisip at dala dala sa pagtulog ang maamo nyang mata.

            Natigilan ako sa pag-iilusyon at pagtitig sa kanya nang naramdaman ko ang haplos ng kamay nya sa buhok ko na idineretso nya sa pisngi ko.

“pasasayahin kita, bawat araw magiging masaya para sa ating dalawa. Panghahawakan ko ang salitan AKO ang first love mo.”-malambing nyang sabi sakin.

            Ngumiti ako at niyakap sya ng mahigpit.

            Nabigla ako sa ginawa ko.nadala ako sa emosyon ko dahil sa mga sinabi nya. Sumagot din naman sya ng yakap.bumitaw lang kami sa pagkakayakap dahil nagbeep ang phone ko.

1 message receive

From nanay ko:

            nsan k n?

“nagtxt na si mudra,nasan na daw ako.”-sabi ko kay melvin

            Sakto naman na may paparating ng jeep para masakyan.

Nagpaalam ako sa kanya at ngumiti,.

“text na lang kita maya.”-nakangiting sigaw nya.habang sumasakay ako sa jeep.

            Hinintay nyang makaalis ang sinasakyan ko bago sya umalis. Habol tingin ako sa kanya habang nakatalikod syang naglalakad mag-isa.

            Nakarating ako ng bahay ng safe at naaalala pa rin ang mga matang maaamo ni melvin. Nagbihis ako ng pambahay at nahiga sa kama.

            Masasabi ko na nga bang mahal ko sya???masaya naman ako pag kasama sya. Sweet sya, caring at romantic. Pero di ko totally masagot ang tanong ko kung mahal ko na nga ba talaga sya dahil sa tuwing nakikita ko si louie di ko maitanggi sa sarili ko na humahanga pa rin ako sa kanya. Malayo naman ang paghanga sa mahal, di ba??

Beep.

Beep.

( msg alert tone. ) ng phone ko kung saan nasa pocket ng uniform kong palda.

1 message receive

From Bheiyvz k0h:

            ,. .gud eve bheiyvz. .

my bheztfriend's crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon