TGG.17 On the way

65 2 1
                                    

Kia's Pov

*kriiiiiiiiiiiiiinggggg!!!!*

*kriiiii---*

*Blag*

Fck. Ang aga aga ang ingay! Umupo ako sa kama ko habang dahan dahang binubuksan ang mga mata ko. Left muna, ayan para hindi mabigla at masilaw

Pikit left, dilat right... ayan para hindi masakit sa mata. Piki--

*boogsh*

"Good morning Kiaaaaa!!! Nandyan sa baba si Butler Ken mo!" Napadilat ako ng MGA MATA sa sobrang gulat. Putang inang 'to dinadahan dahan ko nga lang eh!

"Ay hehe sorry Kia mukhang nagulat kita"

*enhale* relax lang

*exhale* tama relax lang kaibigan mo yan

*en-- hindi. Hindi ko kayang pigilan

"BULLSHIT FINIELLA HINDI AKO NAGULAT PRAMIS. PWEDE KA NAMANG KUMATOK DIBA?! BAKIT KAILANGAN PANG BIGLA BIGLA KA NALANG PAPASOK AT SISIGAW?! RESPETO NAMAN KAKAGISING KO PA LANG INE-EXERCISE KO PALANG YUNG MATA KO TAPOS GUGULATIN MO LANG AKO?! ANAK NG TINAPA LUMABAS KA! LAYASSSS!!!!!"

"Aylabyuuu keannaaa!!!" Sigaw niya habang tumatakbo palabas. Sira ulong 'to. Paano ko nga ba naging kaibigan 'to?

Pumasok ako ng banyo para maghilamos. Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang beautiful fess ko sa salamin. Beautiful daw? Haha yae na bagong gising.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush. Napatingin ako sa backpack ko sa gilid ng kama ko, mamaya na pala yung alis ko, kinakabahan ako sa kung ano ang dadatnan ko sa Korea.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa terrace kung nasaan si tatay Ken pero bago yun nadaanan ko muna yung mga kalog kong kaibigan si Krisdel naka uniform na, si Dea nagsusuklay ng mahabaaaa daw kuno niyang buhok na tinalo na si Cinderella, ay joke teka lang sino nga ulit yung prinsesang nakakulong sa mataas na tore? Si cinderella ba yun? Ah basta ganun na din yun si Xyza naman nanonood ng tv at naka uniform na din at ang pinakahuli.. *sharp eyes, prey detected* humanda ka saking baboy ka

Mukhang hindi pa niya ako napapansin na lumalapit sa kanya kasi kumakain siya ng bacon. Kinuha ko naman yung garbage bag na nasa loob ng drawer at dahan dahang lumapit kay Finiella. Tumayo siya para uminom ng tubig kaya agad akong yumuko para hindi niya ako mapansin alam ko ding nakatingin na sa amin ngayon sila Dea.

"KYAAAAAAAAAHHH!!!!" pagkalapag niya ng baso ay agad ko siyang hinuli ng garbage bag pinasok ko siya mula ulo hanggang bewang at tinali

"AWWWW WHAT THE HELL?!"

"that's for running away"

"Kia naman ehhh sorry naaa huhuhuhu"

"HAHAHAHA nakakatawa ka Fin!" Sigaw naman ni Dea

"Shut up! Ikaw kaya ipasok ko dito?!"

"Hindi ka pa nga nakakalabas dyan! Haha"

"Hay ewan ko sa inyo mga kalokohan niyo" natatawang sabi ni Xyza

Namiss ko din yung ganito. Pumunta na ako sa labas kay tatay ken

"Good morning *bow*"

"Good morning din tay" i kissed him sa cheeks.

"Ano bang pag uusapan natin hija?"

"Actually it's kind if serious, it's about Dave Fernandez" I can sense na nagulat siya sa sinabi ko. Oh well ngayon lang naman kasi ako nag open ng topic about him sa buong buhay ko

"Your dad? What about him?"

"What happened after the betrayal? Is he still alive? Where is he?" I heard him sigh after I threw those questions

"I guess your mom told you to ask me so I will tell you all I know about him" okay eto na. Niready ko na ang sarili ko kahapon sa kung ano man ang malalaman ko

"Your dad and your aunt continued their relationship--"

"More on like relationshit" pagputol ko sa sinabi niya

"I need you to calm down and remain silent as I speak. Is it okay?" He smiled at me and I nod kahit labag sa heart ko

"So ayun nga pinagpatuloy nila kung anong meron sila, pagkatapos nilang umamin ay never na silang nakita ng mom mo but I still had communication with him but not until now. After two years ay nabalitaan nalang naming namatay ang tita mo sa isang car accident pero hindi naniwala ang mom mo na car accident nga ang nangyari dahil sa tingin niya ay may kinalaman ang mga villanueva dito. Sa pagkakaalam ko may anak that time yung tita mo sa ex husband niya na si Clifford at kinupkop nalang iyon ng tatay mo, yung pinsan mo. Binalak bumalik ni Dave sa inyo but your mom didnt let him, masyadong masakit pa para sa kanya at hindi pa naghihilom ang sugat sa puso niya"

"What do you know about the Villanueva?"

"I know nothing Keanna, but your dad knows everything"

"Where is he?"

"He's in Korea. He's working there as a company manager" boom eksakto doon ako pupunta

"Do you have his address?"

"I guess" kinuha niya yung wallet niya at may dinukot na maliit na papel doon

"Thank you. Thank you so much" i hugged him

"Promise me if you see him don't kill him okay?" Natatawa niyang sabi

After ng pag uusap namin ay bumalik na ako sa loob at nakita kong naka uniform na silang lahat

"Kia pinapatawad na kita" napataas naman ang kilay ko kay Finiella nagpout lang siya

"Di ka ba papasok?"

"Dea nakalimutan mo bang aalis ako ngayon?"

"Oo nga pala. Mag iingat ka haa" nag hug silang lahat sa akin

"Yung pasalubong namin" nakangiting sambit ni Krisdel

Umalis na sila para pumasok at ang mga loka gumamit ng tag isa isang sasakyan. Nakuu talaga pagtitinginan na naman sila

Umakyat na ako at naligo pagkatapos ay kumain na din. Kinuha ko na yung backpack ko at lumabas ng bahay. Sumakay ako sa baby ko at pinaharurot ito papuntang airport.

Pagkababa ko ay nagsuot ako ng shades at cap, papasok na sana ako sa entrance ang kaso ay pinigilan ako ng guard, ipinakita ko lang sa kanya yung papel na itim at pinapasok naman niya ako agad pagkatapos niyang ilawan yung papel

Ang papel na itim na ginamit ko ay parang nagsisilbing passport na din at access, hindi ito ordinaryong itim na papel dahil pag inilawan mo ito ay makikita mo ang tatak na QF which means Querez family at tanging kami lang ang nakakaalam. pang elite kasi yun at tanda yun na you're not taking the usual ride instead you have a company that's waiting for you

diretso lang ako hanggang sa cr at lumiko ako sa kanan. May nakalagay na sign sa door na Restricted Area, pumasok ako doon And speaking, nakikita ko na ang private plane ko

That Gifted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon