Dea's Pov
*screeeeeeeechhh!!!*
"Nice drift!" Sabi ni Xyza na ngayon ay nakasandal sa kotse niya. Nandito kami sa parking area ng academy, medyo tago din to kaya okay lang na mag race kami papunta dito
"Thanks!" I said at dumungaw sa bintana
"You're still the last! Bleeeehhh!!!"
"Che! Manahimik ka ngang baboy ka" ipasok kita sa garbage bag eh! Lumabas na ako ng kotse ko at lumapit sa kanila. Well magkakatabi lang naman yung mga kotse namin. Oops may iilan na students din pala dito, parang attention seeker tuloy yung pag drift ko
"Feeling ko ng boring kapag wala si Keanna" napatingin naman kami kay Krisdel. Oo nga parang walang saysay ang araw ngayon. Wow saysay talaga *slow clap*
"Edi gawin nating hindi boring! Mambully tayo, mag cutting, mambugbog, mag bar, makipag drag race, mag boy hunting, bumili ng ice cream, pati yung hotdog na may cheeze sa gitna, tapo--"
"Cut it Fin. Puro kalokohan lang ba talaga laman ng utak mo? Mabuti pa yung tyan mo may laman eh!" Sabat ko naman sa kanya.
"Juicecolored naman Fin! Mambully? Mabugbog? Are you out of your mind?" Sagot din ni Krisdel
"Edi suri. Tong mga 'to joke lang naman eh. Tara na ngang pumasok!.. or not?" Napaisip naman kami sa sinabi niya.
Nauna akong naglakad kaya sumunod na din sila. Papasok pa ba kami? Eh tinatamad ako eh! Hmm wag nalang kaya? Gawin nalang kaya namin yung task samin ni Kia? Oo ngaaaa!!!
"Eh kung gawin nalang natin yung pinapagawa ni Kia? Wag na tayong pumasok" takte yan dapat sasabihin ko eh! Banas naman xyza!
"Eh paano natin magagawa yun kung hindi tayo papasok?" Biglang tanong naman ni Krisdel. Oo nga no? Baliw talaga
"Tara na nga! Baka malate na tayo" sumunod naman kami kay Finiella
Hindi ko maisip kung bakit pinapabantayan ni Kia si Yssa eh parang ang lampa naman niya. Tsk.
"Teka. EH CANTEEN 'TO AH?!" nagulat kami sa biglang pagsigaw ni xyza pati yung iba napatingin na din. Takte oo nga canteen nga 'to. sa sobrang pag iisip hindi ko na namalayan yung pinupuntahan namin
"Akala ko ba papasok tayo sa klase?" Tanong naman ni Krisdel
"Kahit kailan talaga puro KABABOYAN lang ang alam mo. Tara na nga nasa kabilang bldg pa tayo" sabat ko naman
"Eh bakit ba? Nagugutom ako eh! >3
Nauna na akong maglakad and i can feel that they followed me. But there's more to it. Habang naglalakad parang may mga nakatagong karayom sa dadaanan namin. Pumikit ako para maramdaman yung presence
"Ouch!" Tangina mukhang napasama pa yata yung pagpikit ko. Tinignan ko naman yung nabangga ko na ngayon ay nakayuko sa sahig. Talaga nga naman lalaki pa pala to tapos siya pa natinag.
"Pasensya na. Nakapikit kasi ako kaya hindi kita nakita" sabi ko na may malamig na boses at inabutan ng kamay ang lalaki
"Witweeewww why suddenly so icyy??" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Finiella. anong icy ang pinagsasabi nito?
"May balak ka bang abutin yung kamay ko? Kasi kung hindi sinasayang mo lang yung oras ko" ano ba nakakangawit na eh! Dahan dahan naman niya inabot yung kamay ko at tumayo. Pagkahawi niya ng buhok niya ay nagulat ako sa kung sino siya. Si Dean. Ang lalaking nag paasa, nanloko, at sinaktan ako. Haha ang saya siya pa talaga ang natinag samin, partida naka pikit pa ako kanina tch. Binawi ko na yung kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad, nilampasan ko siya ng hindi nagsasalita. Ano nga bang dapat naming pag usapan? Wala naman diba? Hah! Ewan. Nababaliw na yata ako
BINABASA MO ANG
That Gifted Girl
Teen FictionShe was just a piece of cigarette, A man lighten it up, Only to found herself got eaten by the light, Happiness became madness, All they ever asked for is forgiveness, Welcome to her world, A world full of lies.
