"Mommy! Mommy! Mommy!" Kaye cried out loud. Hindi ko siya masisi sa pag-iyak. Ikaw ba naman ang itulak at 6 years old ka pa lang. But when she started yelling and repeating words like "Mommy! Tinulak niya ako! Ang bad niya!" Ay doon ko na masasabing it's not right.
Limang taon palang ako nang nagsimula ang hindi matapos-tapos naming awayan ni Kaye. It started when she poured her juice drink to my dress and told me I deserved it dahil hindi daw ito sa akin bagay.
Of course, bilang bata din, naging masyado akong emosyonal, nagalit ako at itinulak siya. Kakarating lang ni Papa galing US nang bumisita ang pamilya ni Kaye sa amin dahil sa matalik silang magkaibigan ng mga magulang ko. Bilang pasalubong at regalo na rin dahil sa na-miss niyang birthday ko last month that time, binigyan ako ni Papa ng blue dress na isinuot ko sa pagbisita nina Kaye. Akala ko pa naman magiging magkaibigan din kami. Nagulat na lang ako dahil sa outburst niya.
Dinaluhan kami ng mga Mama namin. "O Violet? What happened to your dress?" Nag-aalalang tanong ni Mama sa akin. I was about to answer pero mas humikbi pa lalo at umiyak si Kaye na nakakuha sa atensyon nila.
"Natapunan ko siya Mommy. Then she pushed me kahit na accident naman yun. I'm afraid of her mommy!" At umiiyak pa siya. Napayuko ako at nag-usap ang mga Mama namin tungkol dito na ikinatahimik ko.
I always kept the lesson my parents taught me in my mind. Sabi ni Papa, huwag makisali sa usapang pang matatanda. At sabi naman ni Mama, always do the right things. Ang mga bagay na iyon ang nagpatahimik sa akin.
Pero kahit ginawa ko ang tama, ako pa rin ang nagmukhamg masama sa kanila. .
Nagsorry si Mama kina Kaye ulit nang papauwi na sila. Agad naman akong hinarap ni Mama. "Ano ba 'yan Violet? Don't scare Kaye away naman. Be a good girl and make friends. Kaye's six and you are just five. Ano na ang sasabihin ng mga tao sayo? Na hindi ka natuturuan ng tama? Do you wanna be called as a little bad girl?" Umiling iling nalang ako at niyakap niya ako.
Pero syempre, kahit umiling pa ako sa tanong ni Mama noon ay hindi nasunod ang gusto ko. Until highschool ay hindi ako tinantanan ni Kaye. Might I say, she never fails to ruin my day. Kahit na ipagsigawan ko sa lahat na "I'm innocent" or "Kaye did this", wala nang maniniwala sa akin. Pangalan ko palang, Stephanie Violet Gordillo, ipinagsisigawan na na ako ang kontrabida at ang kawawa at mumunting si Kaye Reyes ang laging napagtitripan.
Hanggang sa isang araw sa high school, nakatop 1 ulit ako pagkatapos kong makababa ng isang position sa ranking namin sa klase. Hindi naman iyon pinalampas ni Kaye.
"Oo na Steph! Alam ko naman na magaling ka eh. You don't need to scare me or bully me." Sigaw niya na nakaagaw ng atensyon sa gitna ng hallway.
Lumabas ako noon ng classroom ng nagdismissal ang prof at nabunggo ko ng hindi sinasadya si Kaye. Laking gulat ko nang nahulog lahat ng dala-dala niya. What's wrong na naman this time?
Ang alam ko, hindi masyadong malakas ang impact ng pagkabunggo ko sa kanya para mahulog ang mga gamit niya. Pero sa image na dinadala ko sa school na ito, para sa kanila, ganun ang nangyari.
"Ay ang sama naman. Nakatop 1 lang, lumaki na ulo." Dinig ko sa tabi na agad kong nilingon at tinaasan ng kilay. Napaatras yung tatlong babae at naglakad na paalis.
May dalawang lalakeng lumapit at pinulot ang mga gamit ni Kaye. "Ano nanaman ba ang problema mo, Steph?" sabay irap sa akin nung isa.
Si CJ Tupacio. Walang duda ito na may gusto kay Kaye. Obsessed siya masyado sa plastik na yun. Ipinagsigawan pa niya noon na gusto talaga niya si Kaye. Aba't walang hiya din ang isang 'to. Ni hindi man lang nahiya kay Kaye pagkatapos. Hinayaan din naman ni Kaye.
Nang makita ako nung kasama niya na nag-roll eyes lang sa tanong ni Cj ay umamba siyang lumapit sa akin.
Si Jon Alquelli. Kung ako siguro ang bida sa istoryang ito. Siya na ang pipiliin kong leading man. Siya lang naman ang ultimate crush ko noong grade school pa ako. Tuwing anjan siya sa tabi, laging napapagaan ang loob ko sa kanya. Akala ko nga magiging mabait din siya sa akin. Pero pagkatapos ng isang away namin ni Kaye sa elementary, ay inaway din niya ako. Kaya, kahit crush ko siya, lagi na din akong na babad vibes sa kanila.
Ano na naman ang gagawin niya sa akin sa paglapit niya? Itinaas niya ang kamay pero bago pa nito mahuli ang kamay ko ay may pumigil sa kanyang kamay.
Agad akong napatingala sa sobrang lapit niya sa kinatatayuan ko. Nahuli ko ang mga titig niyang malalim na tinuon sa akin habang nagsalita. "Jon, let me handle her. You know I always do."
BINABASA MO ANG
Little Bad Girl
RomanceThey say, someone can be what you accuse him to be. That bad things can also be the good things to do sometimes. But can good be bad at times? Can I be a bad girl after doing the right things? Or can I prove them the good in me?