1

15 1 1
                                    

Nasilaw ako nang buksan ni Lai ang kurtina ng kuweba. "Kuya late kana! Hoy!" napasigaw ako sa sinabi niya! Shet! May quiz pa kami sa terror prof, lagot ako neto!

...

"Mr. Roka! You're late." hiyaw ng prof namin. "Sir sorry po nagka-emergency po sa bahay..." palusot ko. "Where is your excuse letter?", Wala akong masabi, alam kona yung kailangan kong gawin. Lumabas nalang ako, hindi ko namalayan na pawis na pawis na pala ako. Pa'no ba naman dinaig ko pa si flash sa bilis ng pagtakbo ko papunta rito?

Umupo ako sa mga upuan sa labas ng silid at linabas ko nalang libro kong physiology para takpan mukha ko gamit yon, makalipas ng ilang minuto naririnig kona lumabas mga classmates ko.

"Hoy, ba't ka nanaman late Lin? Pang-ilan mo na 'to?" sabi ni Nat sabay alis sa libro sa mukha ko. "Hulaan mo" sagot ko. "Ayan ka nanaman! Bahala ka nga riyan.." tinignan ko lang siya habang papunta siya sa library, "Sayang na-perfect ko pa naman yung quiz.." bulong niya. Sarap niyang sabunutin minsan.

Nang tumayo nako at sumabay sakanya sa paglalakad saka niya lang sinabi "charot lang." Babaeng to! Konti nalang talaga ipapadisect kona sa mga tao.

"Oh tas ayan, andiyan din sa quiz.. ata?" parang mas gugustuhin ko nalang wag sagutin yung quiz ke'sa pakinggan 'tong babaeng to, hirap intindihin. "Ano ba, 'bat ka kasi nalate? 'yan tuloy parang ako na yung may kasalanan..." huminga muna ako ng malalamim "nagreview ako buong gabi, alam mo ba na 5am nalang ako nakatulog? T'as lintik na yan malalate lang pala ako."

Napatawa siya na malakas, anong nakakatawa r'on? "Sorry, sorry, sorryyyy pero 'di ko mapigilan. Akala ko kasi may nangyari kay tita kaya ka nalate, Ikaw kaya earlyroach dito sa'tin"

Ah. Si Mama pala, 'di ko na siya na-asikaso kanina dahil sa pagmamadali ko. Lumalala nang lumalala sakit ni Mama, kaya nga nag-med ako eh. Para ako nalang yung magpa-galing sakanya.

"HOY! KUMAIN KANA BA? HA? BAT KA NAKATULALA RIYAN?" sigaw ni Nat, kanina pa pala ako tumitingin sa kalawakan. Grabe yata yung epekto ng pagka-late ko 'di na'ko makapag-isip ng maayos. Nagulat nalang ako nang biglang may pumalatok na ruler sa ulo ko. "Hoy kayong dalawa ryan 'bat ang iingay niyo ha? Ilang beses kona kayo pinagsabihan na..." 'Di ko na narinig yung mga sumusunod na sinabi niya dahil sa bilis ng pagbuhat ni Nat sakin papalabas ng library.

"Tara daboll?" (Fishball na damo) "Libre mo?"ani ko, "oo nga ayaw mo?" Magh-hindi ba ako sa libre?

Katapos namin i-bank rupt yung nagbebenta ng daboll, ay agad na 'kong umuwi, baka hinahanap na'ko ni mama.

...

Kapasok ko sa kuweba nakita kong naglalaro si Lai, Lou, tsaka Len ng jackstone na gawa sa kahoy. "Si mama? Kumain naba?" tanong ko sakanila "Mmmmmm, oo pinakain namin ng lugaw." sagot ni Lou.

Kahit alam kong kumain na si mama, tinignan ko parin siya, "Ma.." tawag ko sabay bukas sa Ikaw ng kuwarto. "Nak, kumusta ka?" tanong ni mama.

Kinwento ko nalang sakanya lahat ng nangyari ngayon, 'di na makatayo si mama dahil sa sakit niya, kaya minsan nalulungkot siya dahil hindi na niya makita ang kalikasan, pero sinisikap ko parin ipadama sakanya na nakalabas din siya. Kahit masakit na lalamunan ko kauwi, binabali-wala ko lang, para kay mama naman 'to. Wala pa 'to sa mga ginawa niya para sa'min.

Nang makita kong alas-otso na pala, sinuot ko na ang uniporme ko at pumunta na sa supermarket, malayo layo kaso yun lang mahanap kong naghahanap ng part-time na Malaki ang sinasahod. Sobrang laki ng utang ng loob ko sa supermarket na'to, dahil kung hindi ako kinuha, baka wala na kaming pagkain at tinitirahan.

...

'Katapos n'on ay naging okay lang ang lahat, na-retake kona yung exam ko sa physiology na namiss ko, buti nga pinayagan pa'kong iretake 'yon.

Isang araw inutusan ako ng boss ko na bumili ng ubas sa kabilang gubat. Nakakapag-taka, supermarket na walang prutas? Super padin ba n'on? Kaso wala akong choice. Pumunta parin ako.

Habang lumilipad ako papunta kabilang gubat, may nakita akong babae sa labas ng kanyang bahay, kumakain ng ubas! 'di ko alam kung pano 'yon kukunin. Alam ko anong mangyayari, takot ako, pero para kay mama.

Nung kukuha na sana akong ng ubas, natakot yung babae, sumigaw bigla. Sa sobrang lakas napatumba ako, malayo layo naman yung kinaroroonan ng babae sa kung saan ako nahulog, mukhang kumalma na rin siya, pero humihinga palang ako'y nakita kona ang kadiliman.

Parang wala lang sakanila kaming mga ipis, pero kasalanan ba talaga nila? Kinukuha nga namin mga pagkain nila, minsan nga'y kinakagat pa. Hindi ko talaga sila masisisi, kaso hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ba ako nagpakatanga, tao yan eh. Ipis lang ako, kung sanang hindi ko nalang kinuha 'yong ubas ng babae, hindi na sana nagkaganto. Kung sanang pinagpatuloy ko nalang ang paglakbay sa kabilang gubat, hindi mangyayari 'to.

Andaming pumapasok sa utak ko, pero hindi ko maalis sa isip ko si mama at mga kapatid ko. Parang tinusok puso ko, mamamatay ako ng hindi man nakapagpaalam kay Nat, kay Len, kay Lai, Lou, tsaka kay Mama.

Wala akong makita, pero patuloy ang pagtulo ng luha ko. Kahit lumalabas na mga laman ko, hindi ko mapigilan luha ko.

...

Kahit hanggang dito nalang ako, mapapagalitan ako kay mama, hindi pa'ko umuuwi. 'di pa siguro siya kumain, pati siguro mga kapatid ko noh? si Nat kaya? Nakapag-review na? Hindi ko malalaman. Kahit anong gawin ko, hindi ko malalaman.

Patawad.











The end 😋😜🤣😓

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIKAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon