Tandang tanda ko ang lahat. Natatandaan ko kung paano ako hinalikan ni Sir Silas. Natatandaan ko kung paano ko siya hinalikan pabalik. Natatandaan ko ang pagpunta namin sa kaniyang kama at natatandaan ko rin ang... pagkuha niya sa pagkababae ko.
Lahat iyon ay tandang tanda ko pa. Ang sarap... at ang saya. Hindi ko alam kung bakit masaya ako. Dahil ba crush na crush ko si Sir Silas? Na okay lang sakin na nakuha niya ang pagkababae ko kasi crush ko siya? O may iba pa akong malalim na dahilan?
Unti-unti kong minulat ang inaantok ko pang mga mata. Ang palad ko ay ramdam ko na nakapatong sa matigas na bagay. Kumurap kurap ako at kahit alam ko na... nagulat pa rin ako.
Si Sir Silas ang hawak hawak ko. Nakapatong ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Nakaunan ang aking ulo sa kaniyang mga braso. Nakatagilid ako paharap sa kaniya kaya naman damang dama ko ang magkadikit naming katawan.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkalat ng init sa aking mukha. Unti-unti ko ring naramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib dahil sa takot at kaba.
Kagabi kasi parang hindi siya si Sir Silas. Ang kilala kong Sir Silas ay masungit at hindi talaga ako papansinin pero kagabi ay iba siya. Napaisip ako nang kaunti.
Hindi naman siya mukhang lasing kagabi pero parang may something talaga sa kaniya. Parang may mali sa ikinikilos niya kagabi.
Natulala ako sa gwapo niyang mukha dahil sa kakaisip. Pero agad din akong napabalik sa aking ulirat nang biglang umungol at gumalaw si Sir Silas.
Mas lalo akong kinabahan. Agad kong pinikit ang aking mata at nagpanggap na tulog pa kahit kanina pa ako gising. Tiyak na magagalit si Sir kapag nakita niya na ako ang nasa kama niya. Baka mamaya ay paalisin niya ako sa pagtatrabaho sa kanila. Sana ay hindi.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pero pinilit ko pa rin na magpanggap na tulog. Ramdam ko na gumalaw ulit siya at maya maya ay narinig ko siyang nagmura.
"What the fuck?" rinig kong pagmumura niya.
Hindi pa rin ako kumilos. Nanatili akong nakapikit at nagpapanggap na tulog. Pinakiramdaman ko lang si Sir at rinig ko ang sunod sunod niyang pagmumura.
Hindi ko na matiis kaya naman magmumulat na sana ako nang mata nang bigla na lang akong nakarinig nang pagbukas ng pinto at pagtili ng dalawang boses. Tuluyan akong napamulat ng mata. Unang nasalubong ng mata ko ay ang mata ni Sir Silas. Nag-aapoy sa galit ang titig niya kaya naman mas lalong lumalaba ang kaba ko.
Nanlalamig na aking kamay at sobra sobra na ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Oh my God, Kuya? What the hell! Did you two have sex?" ang boses na iyon ay kay Freya kaya naman alam ko na silang kambal ang tumili.
"Freya, you're so bastos! Halika na, let's get out of here. You are so chismosa ha!" boses naman ni Ma'am Faye iyon.
"Ayoko, dito lang ako! Tawagin mo si Mommy, dali. Sabihin mo nakipag-sex si Kuya sa isang... maid!" sabi ni Ma'am Freya, damang dama ko ang pagkadisgusto sa kaniyang boses.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin kay Sir Silas. Gamit ang aking kamay, kinupkop ko nang mabuti ang kumot sa aking dibdib at unti-unti akong naupo. Napapangiwi pa ako dahil sa sakit ng aking pagkababae.
"Freya, your mouth! Nakakainis ka na ng so much. Your ugali is so masama talaga!" si Ma'am Faye at hinila ang buhok ni Ma'am Freya.
Yumuko ako. Kinagat ko ang aking labi. Ano bang ginawa ko? Dapat tumutol ako kagabi. Dapat hindi ko pala hinayaan si Sir Silas na halikan ako. Dapat hindi ako pumayag kasi ako ang matino kagabi. Unti-unti kong naramdaman ang pamamasa ng aking mga mata.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Maid (Completed)
RomansaDahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Aila Ramirez na magtrabaho sa Maynila. Iniwan niya ang buhay sa probinsya at nag-trabaho sa puder ng mga Montero. Ang akala niya ay magiging maid lamang siya na puro household chores ang ginagawa. Ang hindi n...