1

92 4 0
                                    

Hanna POV

"Hanna! Gumising ka na diyan mahuhuli ka sa trabaho mo!" alingawngaw na sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Nagising ako kahit antok na antok pa ako dahil sa lakas ng sigaw ni Mama para lang gisingin ako maya't-maya na rin ang tunog ng alarm clock ko kaya pinatay ko muna ito at hindi na pinakinggan si Mama. 

Muli ako tumulog at kinulong ang aking sarili sa ilalim ng comforter ko ramdam na ramdam ko pa rin ang antok dahil hating-gabi na rin ako umuwi galing sa bonding namin nila Yana at Nana. Ngayon ko naramdaman ang saya ng pag hangout dahil sa loob ng anim na taon never ako nag saya kasama ang mga kaibigan ko.

Ilang minuto na ang nakakalipas at lumalalim na ulit ang antok ko. Mamaya pa naman gabi ang flight ko kaya mahaba pa ang oras ko para matulog. Oo nga pala I'm a flight attendant this is my dream job kaya naman ginawa ko talaga ang lahat para lang matupad ang pangarap ko but also my parent's dream. 

"Hanna! Ano ba kanina pa kita ginigising diyan bumangon ka na! At utang na loob anak ayusin mo ang kwarto mo sobrang kalat yung luggage mo ayusin mo rin." Panimulang pag bubunganga ni Mama.

"Opo.. Maya ko linisin" inaantok kong sagot sa Mama ko habang nagtatago sa ilalim ng comforter ko.

"Anong mamaya ka diyan?! Ngayon na! Anong oras na oh tanghali na." sabay hila ni Mama sa comforter ko at wala na ako nagawa kundi ang bumangon kahit antok na antok pa ako.

Hindi ko na pinansin at pinakinggan pa ang mga sumusunod na sinasabi ni Mama sa akin dahil dumeretsyo na ako sa CR ko at humarap sa salamin. Napansin ko pugto na naman ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.

Naghilamos na ako agad upang mawala ang pagka pugto ng mata ko panigurado tatanungin na naman ako ng mga kaibigan ko kung ok lang ba ako. Kahit ako hindi ko masagot ang tanong nila kasi hindi ko rin alam kung ok lang ba ako ang hirap magpaka ok kahit alam ko naman lubog na lubog ako sa sakit.

It's been 1 year since we broke up but the pain is still here hindi ko alam paano ko natitiis ang sarili ko lunurin ng sakit kahit alam ko naman na kaya ko siya kalimutan. Since the day we broke up I always questioned myself saan ako nag kulang, saan ako nagkamali, sa paanong paraan ko napabayaan ang relasyon namin. 

It's been 1 year and I'm still blaming myself for ruinning our relationship. Sa kaniya ko nakikita ang future ko at ang lalaking makakasama ko habang buhay pero naglaho ang lahat nang 'yon nang iwan niya ako.

Napa iling ako sa harap ng salamin nang maalala ko na naman siya hindi pwedeng hanggang ganito na lang ako pero hindi ko alam paano babangon ulit. Hindi ko pa siya ulit nakikita pero pakiramdam ko anytime magtatagpo ang mga landas namin nakahanda naman na ako kung sakaling magtatago kami ulit. 

Lumabas na ako nang CR at dumeretsyo na sa dinning kung saan naka prepare na ang almusal ko. Sobrang swerte ko na may parents ako na sobrang supportive sa akin hindi man sila aware sa pinagdadaanan ko dahil hindi ko ipinaparamdam sa kanila. Ayoko na rin sila mag worried dahil lang broken hearted ako.

"Bumaba ka na pala anak, halika na kumain ka na at mamaya nandito na sila Nana kasi may pupuntahan daw kayo." Bungad na sambit sa akin ni Mama habang inaayos ang mga pinggan namin. Umupo na rin ako sa tapat ni Mama habang si Papa naman ay kalalabas lang galing sa kusina.

"Anak" panimula ni Papa kaya tumingin ako sa kaniya. "Masaya ako nakikitang nakikipag bonding na sa mga kaibigan mo ilang taon mo rin kinulong ang sarili mo sa ibang tao." dagdag pa ni Papa.

"Oo nga anak." sagot naman ni Mama kaya binaling ko sa kaniya ang tingin ko. "Sobrang nanibago ako anak nang makita ka namin na hating-gabi na umuwi. Sa totoo lang anak hindi kami sanay ng Papa mo na ganoon oras ka umuwi pero masaya kami anak." dagdag pa ni Mama habang sumusubo ng tinapay.

Destined to be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon