Chapter One: Start!

263 10 0
                                    

*knock knock*


Binuksan ko ang pintuan at si mommy pala.


"Oh ma? bakit po?" tanong ko. Bihira lang kasi pumasok si mommy sa kwarto. Pero close kami ni mommy.

"Porket andito ako may dahilan agad? bawal ba munang manlalambing lang?" tanong ni mommy. Ay! Nakuha pang mangbiro.

"Ma naman!" sabi ko.

"Anong lambingan to at hindi niyo ako sinasali!" sabi ni dad at yumakap din saamin. At dahil medyo mabigat si dad natumba kami sa higaan ko. Ay shete! Mukha kaming ewan!

"Dad naman eh!" react ko.

"Hehehehe.." tanging sagot niya.

"The truth is..... you need to transfer to another school." napatayo ako sa sinabi ni mom.


Teka?!


Tama ba narinig ko?!


"Ano ma?! Ililipat niyo akong school!" pasigaw kong sabi.

"Calm down sweetie. Kelangan ka namin ilipat for your own sake." sabi ni mom.

"Ano nanaman yun ma? Give me a best reason." sabi ko at nag cross arms.

"Eh kasi anak, bumabagsak na ang companya na pinagtratrabahuhan namin ng dad mo. Lahat ng staff doon ay kelangan umalis at kasama kami doon. Medyo gipit na tayo kaya kelangan mo ng lumipat sa Fellejo Academy. " explain ni mommy.


Ahh... yung Fellejo Academy na halos parang walang estudyante doon sa sobrang tahimik at may pagka-mysterious ang school. Pero sabi daw naka dormitory ang mga estudyante doon kaya parang walang labas masok sa loob. But hell I care?!


"And we decided to go to Australia para makapagtrabaho kami." dugtong ni dad.

"Alam mo naman diba na merong dorm sa Fellejo? Mas okay kung doon ka na muna mag stay, habang kami ng daddy mo ay mag tratrabaho sa ibang bansa." wika ni mom.

"Oo na! May magagawa pa ba ako?! Tsk!" sabi ko. Wala naman akong karapatan na umagal sa desisyon nila mommy. Alam kong magandang idea iyon para saamin pero... hello! Dorm iyon! malayo sa magulang! Di ko kaya iyon! Pero dahil nakapagdesisyon na ako... bahala na. Labag man sa kalooban ko. Hays!

"Bayad na lahat ng kelangan mo sa school. Pati miscellaneous bayad na din. Bukas na bukas lumipat ka na sa dorm dahil sa monday na ang simula ng klase." nagulat naman ako sa sinabi ni daddy.

"Agad agad dad? ma?!" What the hell! Hindi ako sanay noh! Grabe naman!

"Yup!" sabay nilang sagot. At wow! Nagawa pa nilang ngumiti hah!

"Paano naman kung hindi ako pumayag?" inis kong sabi.

"Alam ko naman na hindi mo kami matitiis eh." sabi ni mommy at inakbayan ako.

"Aish! Oo na! Sige na! Mag iimpake na ako! Tsk!" at nilabas ko na ang dalawang maleta ko at inayos ang mga gamit ko. Hays!


———————————


After ko magligpit ng damit tinawagan ko si Leslie para mag mall kami. Mukhang last day ko na atang pagkikita sa kanya eh!


"Ano?! Ano ba naman yan! Magkalayo na nga tayo ng bahay magkakalayo pa tayo ng school! bakit naman ganun?!" sabi ni Leslie ang bestfriend ko.

"Oo nga eh! Mamimiss kita! Lalo na yung nakakarindi mong boses! Pakisabi kay Sean mahal na mahal ko ang siya hah! Pakiss na din—- aray! ano ba!" paano ba naman batukan ba naman ako ni Leslie.

"Mag girlfriend na yung tao oy!" sabi nito.

"What? Sinasabi ko lang na mahal ko siya wala naman akong sinabi na patulan niya ako. Kung gusto niya okay lang naman saa—- ano ba! Leste! Ang sakit!" paano ba naman kasi binatukan naman ako ni Leslie.

"Tumigil ka na nga sa kalandian mo!" sabi nito.

"TUmigil ka na din sa kakabatok saakin! Mamaya niyan maalog utak ko eh!" sabi ko.

"Okay lang para makalimutan mo sa si Sean." hays! Bakit ba ayaw ng babaeng to kay Sean?


patuloy lang kami nag kwekwentuhan, tawanan, asaran at hindi mawawala ang pagbabatok namin sa isa't isa.huhuhuhu! Naiiyak ako! Mamimiss ko siya! One year ba naman ako sa dorm! Baka hindi pa ako makalabas ng buhay doon! Ang dami ko kasing naririnig about sa school na iyon. Nakakatakot daw, creepy, mysterious, basta ang daming kwento! Sabi naman ng iba may multo, aswang, bampira o kung ano ano pang kababalaghan ang kinikwento. Pero as if I'm scared? Hindi naman totoo yun eh! tsk!


———————————————————————-


N/a: Sigurado ka ba Sky? Hindi ka takot? HAHAHAHA! Djk! Oh! Hi readers! Kamusta ang story ko? Okay ba! Alam ko medyo bored pa ang chapter na ito! Don't worry gagawa ako ng paraan para gumanda ito. Please help me na din dahil 13 years old pa lang ako at wala akong masyadong maisip na challenge na mangyayari. PM me guys! Love you! Don't forget to comment and vote. Gamsahabnida! ^___________^

Relationship with Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon