Chapter 11

3.6K 83 4
                                    

A/N: So, baka nalilito kayo, kaya lalagyan ko na lang ng dates. Hahahahha 😃 happy 39th!!💞💞

.
.
.
.
.
.
.

July 12, 2013

"Nasaan po si Vice?" Tanong ni Karylle habang bitbit ang basket full of fruits

"Ay! Tulungan ko na po kayo diyan, Ma'am K" Sabi ni Jackie at kinuha ang basket "Nasa taas po siya, nagpapahinga"

Nagpasalamat naman si Karylle kay Jackie at umakyat na patungo sa kwarto ni Vice.

"Vice" Tawag ni Karylle sakanya at kumatok muna bago pumasok sa kwarto nito

"Awwww.......wawa naman baby ko" Natatawang tugon ni Karylle nang makita si Vice na naka-balot sa kumot at naka-pout

Inirapan naman siya ni Vice at sumandal sa headboard ng kama niya. Umupo naman si Karylle sa tabi ni Vice at hinipo ang leeg nito

"Masakit" Halos pabulong na sabi ni Vice at tinuro ang leeg niya sa may bandang throat

"Inom inom tapos sakit sakit" Pigil tawang tanong ni Karylle "Alam mo ba na pagkatapos ng showtime, agad agad akong pumunta dito ha? Pero bumili muna ko ng fruits. Ganoon kita ka-love" Sabi ni Karylle at kinindatan siya

Napangiti naman si Vice at umiling "Wag ka nga" Halos paos na sabi ni Vice

"I bought you medicine nga pala, pero before drinking it ay kainin mo muna yung lugaw na dala ko" Sabi ni Karylle at inalis sa plastik ang plastik bowl. Inalis niya ang takip at kinuha ang spoon

"Wala bang ice cream?" Pigil tawang tanong ni Vice

"Ice cream mo mukha mo. Say ahhh" Sabi ni Karylle at ni-ready na ang spoon sa may bibig ni Vice

Sinubo naman ito ni Vice at tila napaso ang kanyang dila dahil sa mainit ito. "Init naman eh" Sabi niya at nag-tounge out

"Good nga yon for your throat eh" Sabi ni Karylle at hinipan muna ang lugaw " Ubusin mo to ha? Ang mahal kaya ng bili ko dito.......mga 25 ganoon" She added at tumawa naman silang pareho

After kumain ni Vice ay pinainom ito ni Karylle ng gamot na binili niya kanina sa mercury drug.

"Hindi ako natutuwa sa ubo mo" Sabi ni Karylle at nag-pout "Pati narin sa boses"

"Ayaw mo nun, panlalaki" Sabi ni Vice at nag-smirk

Napangiti naman si Karylle dahil nakuha niya ang punto nito pero bumalik din sa serious face niya "Hindi naman sa ganyang way." Sabi ni Karylle "Go chech up na kaya"

"Eeeeeeehhhhh! Ayoko, alam mo naman yan Karylle eh" Nakakunot noong sabi ni Vice

"I'm not requesting, I'm commanding" Mataray nitong sabi "I swear, hindi kita papansinin pag hindi ka pumunta sa doctor tomorrow. Friendship over na tayo" Sabi ni Karylle at natawa sa huli niyang sinabi

Napakamot naman sa ulo si Vice dahil sa sinabi ni Karylle at tumayo bigla

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Karylle

Tinuro naman ni Vice ang vanity table niya "Kukunin ko cellphone ko, tatawagan ko si ate, baka may kilala siyang doctor." Sabi ni Vice at inirapan si Karylle kaya tumawa siya

"I'll talk to her na lang, take a rest, you need it" Sabi ni Karylle at inagaw ang phone ni Vice nang makalapit siya dito

~

Complicated Love | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon