Extra

5.2K 139 15
                                    

A/N: Thank you guys :) kahit feeling ko gusto niyo na kong papatayin dahil sa story na to, joke hahahaha. Mabuhay ang patuloy na kumakapit sa hopia 😂












The views and opinions expressed by the host do not necessarily or reflect those of the company and its management. Furthermore, the views and opinions of the guest do not reflect those of the host, the show, the management and the network.

Tonight with Boy Abunda

"Magandang gabi mga Kapamilya! It's Friday today right? So have a beautiful evening and happy Friday!" Tito Boy greeted "Feeling ko we need to start the show already dahil mukhang mahaba-habang pag-uusap ang mangyayari, at makikita naman sa mga mukha ng abundans at ng mga fans ng guests natin today ang excitement. So let's get it on.......TMI (The main issue)"

Mainit-init na pinag-uusapan at pinagkakaguluhan ang kontrobersyal na pinost ni Vice noong nakaraang linggo sa instagram na litrato ng isang babaeng nakatalikod at may caption na "Yes". Kasabay din dito ang pag-post ni Karylle sa instagram na naka-peace sign at may makikitang suot sa left ring finger niya na diamond ring. Kaliwa't kanang komento ang natanggap ng dalawa dahil sa litratong ito.

Matatandaan natin noon ang biglaang pag-amin sa media ng dalawa na 'they are already an official couple'. Inamin din nila ang pagkakaroon nila ng anak na si John Vincent Viceral na mas lalong ikinagulat ng madla. May mga tumanggap, bumatikos, nadismaya at sumaya matapos malaman ang katotohanan na ito.

Hindi na sila nagbigay pa na kung anong detalye matapos yon at bigla na lang nawala.

Maari nga bang ito ang naging dahilan kung bakit bigla na lang sila nawala sa showbiz ng sabay? Matapang nila itong haharapin at sasagutin dito sa Tonight with Boy Abunda.




"Wow" Sabi ni Tito Boy habang nakatingin sa mga fans na nagtitilian after ng video sa VTR. "Vice and Karylle, welcome back and welcome to the program. Maraming salamat"

"Hi....thank you din" Sabi ni Karylle

"Magandang gabi Tito Boy, thank you for having us here" Sabi ni Vice habang inaalis ang white coat niya leaving him only with his sleeveless polo shirt.

"Why are you removing your coat Vice? Mainit ba sa studio?" Nagtatakang tanong ni Tito Boy

"Hindi Tito Boy..... si Karylle kasi" Pansamantalang tumigil muna si Vice sa pagsasalita at binaba muna ang mic para malagay at maipatong kay Karylle ang coat na hinubad niya.

"Makikita kilikili mo, sige ka" Karylle teased, off-mic.

"Mas pipiliin ko pang makita nila ang kilikili ko kesa sa lamigin ka" Seryosong sagot ni Vice upang maipakita kay Karylle na hindi siya titigil hangga't hindi niya ito naipapatong sakanya. Sa huli, ay sumuko na lang si Karylle at pumayag na.

"May sakit kasi siya, Tito Boy. Sabi ko nga sakanya kanina mag-sweatshirt na lang kasi baka lamigin pero ayaw niya." Sabi ni Vice at pabirong inirapan si Karylle.

"Ang unfair naman kasi kung ikaw lang ang maayos at maganda" Karylle joked

"Eh kahit naman simple ka lang maganda ka na" Hirit naman ni Vice na dahilan para tumili ang audience.

Complicated Love | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon