Chapter III

0 0 0
                                    

"Oo bakit, at paano mo nalaman?" I asked.

"Obvious ba, halos ipag-sigawan niya pangalan mo kanina." He said.

"Pinag-sigawan na nga eh, nakakahiya talaga" I murmured

He laugh.

"Ganoon lang talaga yun, makulit pero masaya yung kasama, pero sa tipo mo mukang hindi yun masaya" he teased.

Tumayo ako tsaka nag-pagpag ng pantalon.

"Sige, una na ako." I said tsaka tumalikod at umalis.

Mukang na-shock siya sa ginawa ko may sasabihin pa ata pero hindi na itinuloy.

Puro kasi yung jhana na yun ang sinasabi pati gutom na ako kaya nag-hanap na lang ako ng makakainan.

Mula sa 3rd floor bumaba ako at nag-lakad papunta sa canteen.

Habang nag-lalakad dama ko ang init ng araw,singaw ng init sa sementong nilalakadan ko pati yung pawis ko sa muka lahat yan dama ko sa sobrang alinsangan ng panahon.

Nung nakita ko yung itsura ng canteen, Yung akala mo yung 1D nasaloob sa sobrang siksikan parang lalong sumakit yung ulo ko.

Lumabas ako ng campus para dun mag-hanap ng makakainan.

Parang akong nag-lalakad sa disyerto nung lumabas ako ng campus.

Pero sa wakas may nakita din akong maayos na kakainan, 25 meters siguro yung layo nito sa campus.

May puting pintura ang buong paligid at kitang-kita ang nang-yayari sa loob mula sa labas dahil sa see-through glass na nag-hihiwalay sa presko at malamig na loob ng kainan at maalikabok at maalinsangan sa labas.

Pumasok ako sa loob at para akong binuhusan ng malamig na tubig, napakapresko at ang lamig sa loob.

Pero konti lang ang tao, nag-lakad ako papunta sa unahan para umorder ng kakainin,

Grabe, daming pag-pipilian, may pang-breakfast, may mga dessert at pang meryenda, meron din pasta at lasagna.

Halos lahat nandito na pero dahil lunch time " Menudo and two rice please " I said.

At habang hinahanda nila ang food ko, inikot ko muna ang paningin ko sa buong paligid.

All walls are painted with white bukod sa glass na nasa harap ng kainan.

Pero nagulat ako ng tumingin ako sa east side ng kainan, may mga nakasulat using black-colored pen, halos yung buong portion na yun puno ng sulat.

Nilapitan ko dahan-dahan yung wall kasi gusto kong tignan yung mga nakasulat.

"FreeLove wall po ang tawag namin diyan sir." Sabi ng isa sa mga staff, I nodded slowly as a sign that I understand what he said.

"Diyan po kadalasan nilalagay ng mga mag-partner yung promise nila sa isa't-isa, mostly po yung mga suki o mga kaibigan nung may-ari nito ang mga sumusulat diyan." He said smiling as I turn my head to look at him and also to check if my food was ready.

"Pwede ba akong sumulat diyan?"

"Oo naman sir anytime, basta may partner kayo eh." He teased

Lumapit ako sakanya para kunin at mag-bayad ng inorder ko.

Kinuha ko ang food ko at naghanap ng mauupuan, actually kahit saan naman ako umupo eh, kasi tatlo lang  kaming costumer dito.

Kaya umupo na lang ako malapit sa pinag-orderan ko katapat ang misteryosong wall na yun.

Gusto ko sanang mag-tanong tungkol sa wall na yan pero nahiya ako kaya pinili ko na lang na manahimik at kumain.

"Sir 3 years na po yan." He said smiling.

Nahalata niya atang nakatingin ako sa ako dun sa wall na yun.

"Kasabay po ng pag-kakatatag nito, karamihan diyan taon na nung sinulat, yung iba break na at hindi na tupad yung pangako nila, yung iba naman hangang ngayon sila pa din at yung iba hindi na nag-pagkita kaya wala na kaming balita" he continue.

"Paano ba nag-simula yan?" I asked.

Nag-susulat siya nun at bigla na lang tinuon yung tingin niya saken tsaka ibinaba yung pen na hawak niya tsaka nag-kwento.

"Yun po kasing anak ng may-ari nito, my boyfriend for 3 years." Then he looked in the ceiling like he was trying to think.

"3 years ba yun?" He murmured questioning himself.

"Oo, 3 years nga, pagkatapos mabuo nitong restaurant ay sinulat nila yung promise nila dun, pero mga 6 months ata pagkatapos nun nag-break sila."

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakikinig, hindi ko na nga makain yung pagkain ko eh.

"Sobrang depress po siya nun pero hangang ngayon nandiyan pa din yung promise nila at hindi niya inaalis."

Yung pakiramdam na nanonood ka ng movie at nasa climax ka na,

ni hindi mo magawang sumubo ng popcorn at kamustahin ang katabi mo dahil baka may ma-miss kang eksena.

Ganoon yung pakiramdam ko habang kausap ko si kuya, pakiramdam ko alam ko na yung history ng restaurant na yon at kung gaano sila kalapit sa may-ari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wall of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon