Chapter 1

17 2 1
                                    

--Continuation of Prologue--

NANA's POV

My eyes widened for what I've heard. Sh*t!

"Nana! What's going on?" takot nyang tanong sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "I... I don't know, Lyka."

"Noooo!! Please, not my son!"

"Ahhhhhh!!!!"

"Stop itttttt!!!! Pleaseeee!!!"

I closed my eyes and covered my ears. I can't bare to hear those shout! Arghh!!

"N-Nana, a-ano na ang g-gagawin natin??" nanginginig na tanong nya sa akin. Ano ba ang gagawin namin?? A-anong laro ang pinagsasabi ng taong yun?

Pinagpawisan na ako ng malamig dito at paulit-ulit na ang paglunok ko.

*blaaaag!*

Natigilan ako sa pag-iisip nang malakas na bumukas ang pintuan ng dorm namin ni Lyka at nakita ang isang taong balot na balot ng itim. For short, ninja.

Nanlaki naman ang mata ko nang akmang sasaksakin nya si Lyka gamit ang matatalim nyang katana. Agad kong kinuha ang flower vase at itinapon sa ninja kaya nabaling sa akin ang atensyon nya. Sinugod nya ako at iwinasiwas ang hawak nyang katana kaya iginalaw ko ang katawan ko para hindi ma-sugatan. Nang tumigil sya ay agad ko syang sinugod at sinipa ang katana na hawak nya kaya tumilapon ito. Agad ko syang pinaulanan ng suntok at sipa na natamaan ko naman pero kadalasan naman ay hindi sya natatamaan. Susuntukin nya dapat ako sa mukha pero agad akong nakailag at hinawakan ang braso nya saka ibinalibag sa semento. Kinuha ko agad ang katana nya na tumilapon kanina sa isang gilid at lumapit sa ninja na namimilipit pa sa sakit.

"Sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ko sa ninja. Hindi ko kasi alam kung babae ba o lalaki ito dahil sa suot nyang ninja outfit.

Hindi nya ako sinagot pero agad nya akong nasuntok sa mukha kaya napaatras ako ng kaunti. Takte! Ang lakas manuntok nito ah? Ngumisi ako at pinahid ang dugo na nasa labi ko. Bibigyan ko pa sana sya ng chance pero dahil sa ginawa nyang pagsuntok sa akin ay nag-iba na ang isip ko. Tsk.

Susuntukin pa nya sana ako pero naiangat ko agad ang katana na hawak ko at pinutol agad ang kamay nya.

"Arghhhhhhh!!!!!!!" daing nya ng sobrang lakas habang hawak-hawak ang kamay na naputulan ko. Sumisirit pa ang mga mapupulang dugo nya.

Iniangat ko ulit ang katana na hawak ko at isinaksak sa dibdib nya kung saan naka-locate ang puso nya.

Agad ko namang kinuha ang katana na nakasaksak sa puso nya kaya natumba na ito. Binalingan ko si Lyka na umiiyak ng tahimik at nilapitan sya.

"Lyka---"

"N-Nana... *sob*"

"Lyka, kailangan na nating umalis dito!" sabi ko at hinila sya habang nasa kaliwang kamay ko naman ang katana.

Kailangan naming makaalis dito bago kami maunahan ng kamatayan...

Anong klaseng laro ba ito?? Kailangan kong alamin ang lahat... Kailangan kong alamin kung sino ang lalaking nag-umpisa ng so-called-game na ito... Kailangan para matapos ang kagaguhang ito...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Year 3030Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon