Prologue: Shin Kwon University

340 8 4
                                    

Kinakabahan ako.

Hinhintay ko na lang na maipasa sa akin yung papel para sa entrance exam sa gusto namin ng kapatid kong pasukan na eskwelahan. Tahimik lang akong nakaupo habang pinaglalaruan yung hawak kong lapis.

Napahinga ako nang malalim nang iabot sa akin yung test. I started filling up the upper part of the paper containing about my personal information.

And I saw the first question.

When did Shinhwa debuted?

A.) March 23, 1998
B.) March 24, 1998
C.) March 25, 1998
D.) March 26, 1998

Napangiti ako nang mabasa ko 'yung unang tanong. Buti na lang kilala ko sila. Agad ko naman nilagyan ng shade yung letter B.

Tinignan ko naman yung sunod na tanong.

What is the debut song of 2ne1?

A.) I Am The Best
B.) Lonely
C.) Fire
D.) I Don't Care

Kilalang kilala ang 2ne1 sa Pilipinas. Kilalang kilala rin yung debut song nila, which is letter C.

Who established YG Entertainment?

A.) Lee Sooman
B.) Park Jin-Young
C.) Yang Hyun-Suk
D.) Bang Si-Hyuk

Ang dali naman nito! Syempre si Yang Hyun-Suk! Mukhang kaya kong ipasa yung entrance exam ha!

Who is Jessica Jung's sister from f(x)?

A.) Jung Soomin
B.) Jung Sooyeon
C.) Jung Sooyoung
D.) Jung Soojung

Si Krystal 'yun diba? Sa pagkakaalam ko, Soojung yung real name niya eh.

Tama nga sinasabi ng mga tao tungkol sa school na 'to. Puro tungkol sa K-Pop. Kung sa ordinary na school, puro math or science mga tinatanong sa tests. Dito, di ka tatamarin mag-aral kasi K-Pop naman pag-aaralan mo.

Nasa last number na ko nang tumunog ang bell. Agad ko na lang sinagot na si Jungkook ang maknae ng Bangtan Sonyeondan. Basic nung huling tanong ha.

Pinagpasa pasa naman na namin yung nga papel. Nag-unat-unat muna ako bago tumayo. Ngayon lang ata ako nag-enjoy magsagot ng exam kahit na halos dalawang oras rin 'yung tinagal.

"Margaux!"

Napatingin ako dun sa tumawag sa pangalan ko. Yung kapatid ko pala, si Maeghan. Mas matanda siya sa'kin ng halos dalawang taon.

Kinuha ko naman yung bag ko tsaka humarap sa kanya, "Bakit?"

"Tara na?"

"Tara."

"Dali nung mga tanong noh?"

"Onga eh," sagot ko, "Siguro naman makapasa tayo niyan."

Ito na 'yun. In two months, makakapasok na rin kami sa university na matagal na naming pinapangarap mapasukan.

Shin Kwon University — a school for fangirls and fanboys of K-Pop.

~라파에라 킴~

All Rights Reserved 2017

Shin Kwon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon