Preface

140 2 1
                                    

Jungkook's POV


"Kookie, maghugas ka na ng plato." Napahikab na lang ako at tumango habang nanonood kami ng One Piece. "Jungkook." Tumango ulit ako habang lalong nag focus kila Luffy. "Jungkookie." Ang kulit talaga ni Hyung. "Saglit kasi." Sagot kong naiirita. "Tama na, ako na lang." Tinignan ko nalang si Hobie hyung na nag presentang mag hugas ng plato. Aba, kung iniisip nyang tatanggi ako ay nagkakamali sya. "Nag linis na ba kayo ng mga kwarto niyo? Namjoon? Jungkook? 95 line?" Sabay sabay kaming napadaing sa ginagawa ni Jin hyung. Pucha, ke aga aga please? Alam mo yung 1 nga ang training niyo pero para ka pa ring may training dito kay Jin. "Mamaya na ako maglilinis." Sagot ni V at lalo pang lumapit sa TV. "Ikaw, Jungkook?" Para naman akong may nanay dito kay Jin hyung. Nagger! "Jin, ikaw na maglinis ng kwarto namin? Please?" Dahil sa rinig na rinig ko silang dalawa ay napairap na lang ako. Mga malalandi. Tss. "Jk..." Nagulat naman ako ng tumabi bigla sa akin si Jimin hyung. Close as in real close.


Sumulyap muna ako kay V na busy sa panunuod. Mahirap na. "Bakit?" Dahan dahan syang sumasandal sa akin kaya umusog ako ng todo. Kahit nasa sulok na ako, gagawa ako ng paraan malayo lang dito kay Jimin hyung. Nababakla ata sa akin ito? Lumapit pa lalo si Jimin at saktong lumingon si Taehyung, kumunot ang noo nya saka umiwas ng tingin sa amin. Bwisit naman kasi to si Jimin hyung e! Kita mo na? Kita mo na?! Malamang hindi! "Ah... ano..." Napalingon sila sa aking lahat at agad ako nagisip ng alibi "V hyung, kukunin ko lang yung hiniram ko sayong damit ha?" Nakita ko ang gulat sa mukha ni V pero agad nyang na gets ang sinasabi ko kaya tumango sya. Sana sumunod sya. Pumasok ako sa kwarto nila ni Jimin at agad nahiga sa kama nya. Kung pwede lang ako matulog dito e.


"Bango!" Natawa pa ako habang inaamoy yung iilang damit na malinis na hindi pa natitiklop. Minsan iniisip ko na kung bading si Jimin hyung para sa akin, ay baka bading ako para kay Taehyung? Joke. Ayoko. Hindi. Close lang talaga kami. Humanap nalang ako ng damit nya na medyo tipo ko para kapag may pumasok na ibang tao ay hindi sila magdududa. Nakarinig ako ng pabukas at pagsara ng pinto kaya medyo napangisi ako. "WAAAH!" napairap naman ako sa sigaw nya. Tumwa tawa pa sya kaya nakipag sigawan na rin ako. "Hoy! Ang ingay nyo!" Natawa nalang kaming dalawa at nag apir dahil sinaway nanaman kami ni Lola Suga. Nakayakap sa akin ngayon si Taehyung hyung na para bang may aagaw sa akin habang nakahiga kami sa kama niya at nakikinig ng random music. "Jungkook. Ayoko na ng August Alsina." Kumunot ang noo ko, favorite ko sya eh? Nilingon ko sya pero dahil magkasing tangkad kami ay halos mag kiss kaming dalawa. Nanlaki ang mata namin pareho pero agad kaming nagtawanan. Shit, pinagpawisan ko doon ah?


"Sige, ano ba gusto mo?" Ngumisi sya at hinigpitan pa ang yakap sakin. "Quando Quando Quando ni Michael Buble." Nalaglag ang panga ko. Shit, ang weird nya pero wala e. Quality time namin to kaya pagbibigyan ko sya. Tumango ako at plinay ang nakakatawang kanta. Wala akong ginawa kundi tignan sya habang nagwawala at naglilipsync. Laughtrip. May katok na nakabulabog sa amin. Patulog na kaming dalawa e. Epal lang? Tinignan ko ang ipad at malapit ng malowbat. 11:00 na. Mag charge lang ako saglit. Kinabit ko na sa mga saksakan ang mga charger namin. "Naglalandian nanaman kayo?" Tanong ni Hobie hyung sabay upo sa tabi ng natutulog na Taehyung. Kinumatan niya pa ito. Malandi! Leche. "Cute ni V. Picture-an ko." Lul, kahit di naman tulog pinipicture-an mo.


Paglabas ko ay halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Nagkikilitian si Yoongi hyung at Jimin habang nakapatong sila sa isat isa. Pulang pula ang pisngi ni Yoongi at ang titig ni Jimin ay malalagkit na. Isa pang kiliti ni Yoongi ay ungol na ang lumabas sa bibig ni Jimin hyung. Kadiri. Shet talaga tong dalawang to. Naglakad nalang ako papunta sa kwarto namin ni Namjoon hyung. Eew, sana di po ako mahawa sa gayness nila. Please po?


"Ako na kasi."

"Ako nga ang titira!"

"Ha?! Namjoon ako naman. Nasasaktan na yung likod ko kanina ka pa ha?!"

"Sige Jin, ikaw naman. Galingan mo ha?"

"Oo! Mapapasigaw ka, promise."


SHIT. Tuluyan na silang nagladlad? kadiri. Ayoko! Milagro sa aming dorm?! Wag naman ho!!! "MGA BADING!" Lumaki nalang ang mata ko ng makita ko silang dalawa na nakaupo, kumpleto ang damit at may hawak na cellphone. "Anong ginagawa nyo ha?!" Hindi ko maiwasang kwestyunin sila. Ang kadiri talaga! "Naglalaro sa cellphone. Ang hindi manalo, susuntukin ang likod." Tumingin ako sakanilang dalawa at sa maayos ng kwarto. Tumango ako at naglakad papunta sa kama ko. Malinis na hehehe. Hinawakan ko ang frame ng isang picture ko na candid. Gwapo ko talaga ano? Pero may note doon e. "Jk, pwedeng akin na lang to?" Tang—- ano pa ba?! SYEMPRE GALING KAY JIMIN. Malandi. Pagkatapos nya makipag almost sex kay Yoongi hyung?! Malagyan nga ng lock ang kwarto!


"FOR THE LOVE OF GOD BANGTAN KELAN BA TAYO MAGPAPAKALALAKI?!" Napasigaw na lang ako dahil paglabas ko sa kwarto namin at bihis na ako at ready ng umalis ay naglalampunagn silang anim habang nanonood ng If I stay. Pwe! KADIRI!!!!!


AN: Thoughts? HAHA. Dedicated to all BSPH Admins. ♥

For the Love of BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon