A

35 0 0
                                    

Anak ng tupa.


[Namjoon's POV]


"Jin! Ayusin mo naman." Tinignan ko na ng masama si SeongDuk habang pang ilang beses nang pinagalitan si Jin. Ano bang problema? Nilingon ko sya ngunit tanging pagyuko nya lang ang nakita ko. Tumingin ako sa iba kong ka grupo at pagod na pagod na din sila. "Jungkook!" Napabalikwas ng tayo si Jk at agad huminga ng malalim. Hm, uutusan nanaman yan. "Pag sinipa ka na ni V ganito gawin mo..." Ngumiti ng bahagya ang bata pero alam ko deep inside, namamatay na yan sa pagod. Danger. Dangerous nga itong malanding chroreography na ito. Bwisit.


"Namjoon hyung! Tubig!" Inabutan ako ng tubig ni V atsaka dumiretso kung saan nakaupo si Jungkook habang corner ni Jimin. Mukha talaga silang tanga. Buti di ako nahahawa e. "Jin oh, tubig." Inabot ko iyong inabot ni V pero agad siyang umiling. "Bakit?" Bumuntong hininga sya atsaka nahiga sa mauming floor ng studio. "Tumayo ka dyan Seokjin ah." Nakakainis. Ano ba problema nya? "nafru-frustrat ako Joonie." Hindi ko alam kung anong uunahin ko e. Yung tibok ba ng puso ko o iyong sinabi nya.


"Okay lang yan. Parehas lang naman tayo e." Tinapik ko sya sa bandang dibdib at agad syang lumingon sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa at dahan dahan syang tumango. "Sweet moment!?" Leche talaga tong si Suga e no? "Lul. Dun ka nga please?" Natawa na lang si Jin at tumayo na. Uminom na rin sya ng tubig. "Dismissed. Okay na yan. 1:00 am na rin." Wow. Naisip nya pa yun? Gago pala to e. Tsk. Sabay nalang kaming tumayo ni Seokjin at nilingon ang tatlo. "Kayong dalawa ha, tigilan niyo si Jungkook." Umiling nalang ako habang pinapangaralan ni Jin si Jimin at V. Mga baliw. Kitang kita mo ang irita sa mukha ni Jungkook pero tawang tawa pa rin sya. Abnomal din ito e.


"Kain muna tayo bago umuwi?" Napalingon sa akin si Jin at kumislap ang mga mata nya. "Sige! Libre mo ha?" Natawa nalang ako at tumango. I know he's feeling bad. "San mo gusto?" Nagisip sya habang pababa kami ng elevator at sinabi nyang Ramyun daw. Sana nagluto nalang kami diba? Pero sige, andito na e.


"Dalawa pong special ramyun." Tahimik kami ni Jin habang nagaantay ng order. Buti ay papa umaga na at onti nalang ang tao sa labas. Hm, sabagay hindi naman pa kami ganun kasikat para pagkaguluhan pag lumalabas. "Naiinis pa rin ako sa sarili ko." Ngumisi nalang ako. "Pero ako, tuwang tuwa sayo." Nakita ko ang dahang dahang pagpula ng pisngi nya. "Ano?" Medyo natatawa pa sya pero dumating na yung order kaya kumain muna kami. "Yung mga yun, kakain na kaya?" napa kibit balikat na lang ako. Ganyan siya, lagi niyang iniisip yung mga tao sa paligid nya e.


Pagkatapos namin kumain ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Magpapatila sana kami pero sabi ng may-ari ay magsasara na ito. Lumingon ako kay Jin na ang tanging dala ay ang take-out para kay Jungkook at V, pati kanyang cellphone. Lagi naglilibrehan ang mga to e. "San tayo?" halos magdadalawang oras na kami nakatayo sa bangketa, walang taxi na dumadaan! Antok na antok na rin ako at bukas ay may schedule pa kami. Shit naman o? Luminga linga ako sa paligid at agad may nakita na motel. "Jin! Ayun. Tara dun." Tumingin muna sya sa tinuturo ko at agad tumango.


Tinakbo namin ang mahaba habang kalsada papuntang motel. Bawat segundo ay malalaki ang patak ng ulan, nararamdaman ko na ang pagkabasa ng aking tshirt at buhok ko. Dahan dahan ko itong pinalis at nilingon ko si Jin na nakanga nga. Anong problema niya? "Hoy! Tara dali takbo na." Para naman syang nahiya sa ginawa nya ng pinamulhan sya at dali daling tumakbo ng mas mabilis pa sa akin. Baliw talaga.


"Isang room nga, miss." Hingal na hingal pa kami at natatawa. paano, mukha kaming tanga e. "May battery ka pa ba?" Tinignan ko yung plastik na dala niya kung saan nandun ang mag cellphone namin. Malamang, para di mabasa. Umiling sya at medyo sumimangot. Buti pa ito si Jin hyung, may jacket tss.


Umakyat na kami sa kwarto at naligo, well bathrobe ang sagot sa problema namin. Nakakailang... shit. I got jams so I can do this! "Good night Jin." Tumango sya at tumabi na ako sa kanya. Nakatalikod sya sa akin pero amoy na amoy ko yung shower gel na ginamit nya galing sa motel. Hm, thos wouldn't hurt right? Dahan dahan akong humarap sakanya at umusog ng onti papalapit sakanya. Ipinulupot ko ang aking mga bisig sa kanyang petite waist. Naramdaman ko ang pagiging stiff nya kaya ibinaon ko nalang ang mukha ko sa kanyang leeg matapos itong bigyan ng isang halik.


Shit, alam ko. Mauulit nanaman iyong pagkakamali. Alam ko, may mangyayari na naman sa amin.


AN: SPG the next chap. Pwede niyo namang huwag basahin :) Won't affect the story. Naka private yun. Bukas ko ilalabas. HAHAHA. NAMJIN HEART LOL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For the Love of BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon